Chapter 39 - Meets my Parents

1944 Words
Wala akong trabaho ngayon kaya nasa bahay kami ngayon nakaka-inip at walang magawa ngayon. Dalawin ko kaya sila mommy at daddy sa sementeryo tapos, ipakilala ko sa kanila si Joon. Nagmumuni-muni lang ako dito sa sala namin kapag kasama ko siya pakiramdam ko nakaka-relax ako katulad ng kasama ko si Mariella pero, kakaiba ang binibigay niyang aura sa akin. Nakaupo ako sa sofa habang nanonood ng television nasa kusina naman siya kasama ang katulong namin. Ayain ko kaya siya? "Mama ko!!" tawag ko sa kanya kinakalikot ko ang daliri ko nang mag-commercial break ang palabas. Lumingon ako sa kanila malawak man ang bahay nakikita pa rin ang mga tao dahil marami ang salamin sa paligid. Naglakad siya palapit sa akin nakita ko ang naka-simangot niyang mukha may hawak siyang gulay sa palagay ko hihiwain niya nang tawagin ko siya. "Bakit? Makasigaw nasa malayo ako ah?" bungad naman niya tinignan pa ang paligid ko kung anong meron sumenyas ako na lumapit ito sa harapan ko. "May gagawin ka ba ngayong araw, girl shopping?" bulalas ko naman sa kanya kumukunot ang noo niya sa mga sinasabi ko sa kanya. "Wala naman ako gagawin, bakit?" pagtatanong niya at binitawan ng hawak niya pagkatapos dinikit niya ang palad sa noo ko. Iniwas ko naman ang mukha ko sa kanya at hinawakan ito mag-huhugas na lang ako ng kamay ko pagkatapos malagkit ang kamay niya. "Dalawin natin ang magulang ko sana at gusto kita ipakilala sa kanya bilang misis ko," pahayag ko naman may sinabi siya na hindi ko narinig dahil mahina. "Kilala na nila ako," bulong niya minasdan ko na lang siya sa mukha nakita ko na nahiya siya sa ginawa ko. Ang kwento niya sa akin ako ang una sa lahat maliban lang sa hindi pa namin nagagawa bilang mag-asawa nirerespto ko siya at maghihintay ako kapag handa na siya. "May sinasabi ka?" pagtatanong ko naman sa kanya. "Wala, anong oras ba?" banggit niya bumitaw siya sa pagkaka-hawak ko sa kanya. Sinabi niya pa na mag-lalagkit ang kamay ko hinampas pa niya ako sa hita ko. "After lunch, Mama hindi tayo pwede gabihin dun may oras kasi ang curfew sa sementeryo." bulalas ko naman at hinila ko siya para umupo sa tabi ko. Nakita ko na lumingon siya sa kusina at bumaling ng tingin sa akin nagtaka naman ako sa ginawa niya. "Sige, dumaan muns tayo sa Vista Mall dun tayo mag-grocery ng mga pagkain natin kahit malayo sa pupuntahan natin sulit naman." sabi naman niya sa akin ang hinala niya hindi na kami dito kakain? Date ba ang nasa isip niya? Pwede naman...mag-asawa kaming dalawa at walang masama. Unang date pa namin 'to...not as boyfriend and girlfriend kundi, mag-asawa mabilis man ang pangyayari sa aming dalawa mas okay na 'to kaysa sa kinukulit ako ni Mariella. "Sige, malapit na rin ito sa Vista Mall." tugon ko naman sa kanya may Vista Mall na medyo malapit doon. Hinandaan kami ng katulong namin ng lunch sa dining table sabi niya sa akin dito na kami mananghalian at sa labas na lang kami mag-dinner pumayag na rin ako at sinabi niya ito sa robot maid namin. Nang matapos kaming dalawa na kumain umalis na kami sa dining table at lumakad pa-akyat sa hagdanan na may katabing escalator. "Mauna ka na titignan ko kung may sira ang kotse na gagamitin natin," bulalas ko nang huminto ako sa pag-akyat sa itaas katabi ko pa siya. Nilingon naman niya ako tumango naman kaagad. "Sige," tugon niya sinundan ko na lang siya nang tingin sa pag-akyat niya. Nung unang pagsasama namin hindi niya nilihim ang ugali niya kahit hindi ko tinatanong sinabi niya kung ano ang ugali niya. Napaka-transparent niya sa akin kaya ako nung tinanong niya ako naging bukas naman ako sa kanya ang hindi ko pa lang nababanggit ang tungkol kay Yeona—my puppy love, my first love, unang girlfriend ko si Mariella pero, hindi siya ang first love at ang greatest love ko ang mommy ko. Lumabas ulit ako naiwan na siya nagbago ng itsura ang katulong ng tawagin ko siya ito ang kaibahan all around ang robot maid namin. — Sinundan ko na lang siya ng tingin at naglakad na ako papunta sa kwarto namin. Asawa ko na talaga siya—mama ko at papa ko ang tawagan naming dalawa hindi pa rin nag-sick in sa akin na asawa ko na siya kahit peke ang ceremony isang taon na makakasama ko siya sabi naman niya susubukan niya akong mahalin. Kung sakali man na mahalin niya ako ng bukal sa puso niya at hindi ako rebound kay Mariella sasabihin ko na rin sa kanya kung sino ako. Natatakot akong umamin sa kanya kung sino ako. Nang matapos ako na maligo nagsuot ako ng simpleng damit na pang-alis at pumasok siya sa kwarto na pawis kaya lumapit ako sa kanya at dinala ang tuwalya pinunasan ko ang mukha niya. "Ang sweet ng mama ko," tukoy naman niya natawa naman ako kaya sinagot ko siya ng birong totoo sana lang magka-hinala siya. "Minsan lang 'to," sagot ko. "Pinagawa ko sa katulong natin ang kotse may konting sira eh," kwento naman niya naupo siya sa kama namin. "All around pala siya," sabi ko sa kanya hindi ko alam na ganoon ang kasama naming robot. "Tatlo sila nasa bodega ang dalawa pang katulad niya," sagot niya hindi ko 'yon alam ngayon ko lang nalaman kaya pala may nakikita ako na hindi lang kaming tatlo ang kasama namin. "Maligo ka na para maaga tayo makarating sementeryo," banggit ko naman sa kanya at binitawan ko ang tuwalya na hawak naming dalawa. "Sige," sagot niya at tumayo saka kumuha ng susuotin niyang damit sa cabinet tinulungan ko pa siya. Nang nakahanda na kaming dalawa para umalis nag-bilin pa kami sa kanilang katulong na bantayan ang buong bahay at maging alerto lang. "Nakikita ba ang buong mansyon mula sa taas?" tanong ko sa kanya tinuro ko ang bakod ng mansyon. "Oo, pero hindi agad sila makakapasok dahil may shield na nilagay si Mr. Liao sa buong bahay." sabi niya napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "Shield, wala naman ah?" sagot ko sa kanya tinignan ko ang shield buong mansyon. "Hindi natin makikita 'yon kung wala 'to," sagot niya at may pinindot siya nagulat ako para itong malaking salamin na nagpakita sa amin invisible shield. Sa Manila Memorial Park, pinarada niya sa parking lot ang kotse at bumaba kaming dalawa sinaluduhan pa kami ng security guard nang pumasok kami sa entrance. "Dito tayo sa isang museum," banggit niya sa akin magka-holding hands ang kamay namin tinuro niya ang isang museum. "Nahuli na ba ang gumawa ng pagpatay sa kanila?" curious natanong ko naman sa kanya binaril sila noong bata pa siya nilapag ko ang binili naming bulaklak sa gitna ng puntod ng magulang niya. Pinagpag ko ang bato doon at naupo ako bumulong lang sa hangin na parang kinakausap ko sila. "Hindi pa, humingi na ako ng tulong sa NBI para mahuli ang gumawa nito sa magulang ko noon kaso walang napapatunayan na 'yong taong pinaghihinalaan namin ang may kagagawan nito sa magulang ko," tugon naman niya at lumapit sa akin para umupo sa tabi ko. "May suspect na ba kayo?" tanong ko naman bigla pinatong niya ang ulo sa balikat ko. "Ang suspect namin na naiisip ang ex-fiance ni mommy ang dating artista din si Sam Marbien," sagot niya nang seryoso at naupo siya nang maayos sa tabi ko. "Bakit siya?" curious tanong pa rin sa kanya hindi naman nagtataka dahil alam naman ng mga tao ang nangyari sa magulang niya. "Bakit ka curious?" tanong niya hinawakan ko naman ang kamay niya. "Dahil ngayon ko lang sila nakita in person? Saka, nag-search ako sa'yo nung una tayo nagkita kaya nalaman ko ang nangyari sa magulang mo hindi naman ako katulad ng iba syempre may konting alam mo na, Allen nirerespeto ko pa rin ang privacy mo tungkol sa magulang mo." bulalas ko naman sa kanya. "Dahil sinabi ng ninong at ninang ko na manager namin ni ate na si Sam Marbien ang ex-fiance ni mommy at nag-banta sa magulang ko," sagot niya nang seryoso sa akin natahimik naman ako bigla. "Do you know, where is he now?" pagtatanong ko naman hindi nila mahanap ang pinaghihinalaan nilang suspect. "The last we heard from him was that he left the country and maybe, that's where he's been hiding for the past year." sagot niya hindi naman ako sumagot. "When you or ate Andrea find out where he is, send him back to our country and arrest him... you just don't have proof that he ordered who shot your parents, Allen, are the police still active on your parent's case?" tanong ko. "'Yon ang mahirap hindi namin siya mahagilap sa Amerika at pinatigil ni ate ang tungkol doon dahil wala kami hawak na ebidensiya na siya ang gumawa o nag-utos na patayin ang magulang ko," bulalas niya. "'Yon lang, tara alis na tayo magdasal ka muna at kausapin sila hintayin kita dito." sabi ko nang mapansin kong dumidilim na ang kalangitan at paligid namin umalis na ang mga nakasabay namin na tao na dumalaw sa puntod ng pumanaw na pamilya. Tumayo siya at tumayo sa gitna ng dalawang puntod. Inangat niya ang ulo ng lumapit ako sa kanya. Lumakad na kami palabas ng Manila Memorial Park at sumakay sa kotse namin nagmaneho siya papunta sa Vista Mall. Nang dumating kaming dalawa pinarada niya ang kotse at nag-disguise kaming dalawa para hindi makilala ng mga tao. Gusto man namin na normal ang itsura sa pamimili pagkaka-guluhan kaming dalawa dahil hindi pa tumitigil ang fake news tungkol sa aming dalawa. "Pumili ka ng meats foods at sa inumin natin na mga softdrinks, red wine, juice." sabi ko nasa hilera kami ng mga pagkain. "Ikaw?" tanong niya sa akin dalawa ang cart na kinuha namin. "Mga kulang sa banyo na gamitan at sa snacks natin syempre," sagot ko. Nag-hiwalay kaming dalawa at namili sa supermarket. Nagkita na lang kaming dalawa sa cashier station at tinignan ko ang mga binili niya. Tinignan din niya ang binili ko umiwas lang nang tingin ng makita ang napkins. "3,589 po," sabi sa amin ng cashier at tumawag ang kasamahan na lalaki. Inabutan niya ang cashier ng pera at naghintay ng ilang sandali at kinuha ang paperbags. Kumuha ako ng malaking cart nilagay ang paperbag doon. Naglakad kami palabas ng supermarket at dinala ang mga paperbags. Lumakad na kami palabas ng Mall at pumunta sa parking lot saka sumakay sa kotse nila. "May gusto ka ba puntahan?" tanong niya. "Wala na," sagot ko. Tumango siya at nagmaneho na pauwi sa bahay mansyon. Nang nakarating kami sa mansyon i-scan namin ang mukha bago pumasok sa loob ng mansyon. "Queen Robot, pakiligpit itong pinamili namin." tawag niya sa katulong namin. Lumakad na kaming dalawa pa-akyat sa hagdanan na may escalator. Nang pumasok kami sa kwarto kumuha ako ng pampalit ng damit. Siya naman nag-hubad ng t-shirt at sapatos umiwas naman ako ng tingin at pumasok sa loob ng banyo. Nang lumabas na ako sa banyo naabutan kong natutulog na siya hinayaan ko na lang ito at lumabas ako ng kwarto para tulungan ang katulong namin. "Luto na ang hapunan natin?" bungad niya. "Oo, ihahain na lang namin maupo ka na sa dining table natin." sagot ko at lumayo na siya humihikab pa siya habang naglalakad. Naghain na ako kasama ang katulong namin. Nang kumain na kaming dalawa tahimik na ang paligid. Nang matapos inutusan niya ang katulong namin at muling naglakad pa-akyat sa hagdanan na may escalator pumasok kami sa loob at 'yon ang ginamit namin para bumalik sa kwarto nanood muna kami ng television bago kami natulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD