CHAPTER 3

2176 Words
Naningkit ang mga mata ko nang matunghayan ang pagpasok ni Calvin sa lobby ng munisipyo. Sinundan ko ito ng tingin. Naupo siya sa pahabang upuan mula sa tanggapan, kaharap nitong desk ko. Mabilis niyang ipinirmi ang mga mata sa akin dahilan para mapakurap-kurap ako. Anong ginagawa niya rito? Oo, alam ko na madalas sila rito ng mga kasama niya, palagi silang dumadaan dito tuwing hapon. "Oh? Nandito ka pala, Cop. Frias," ani Ma'am Cris nang dumaan ito sa lobby. "Napapadalas ang pagpunta mo rito..." Natawa si Calvin. "Nagpapahinga lang po." Tumikhim ako at hindi na sila pinansin. Nang lumabas si Ma'am Cris ay tuluyang nagwagi ang katahimikan sa paligid ng lobby, kaya ramdam ko ang pagiging awkward sa aming dalawa ni Calvin. Sanay na ako na tahimik dito, lalo kapag ganitong oras pa ng trabaho. Ngunit ngayon ay naninibago ako, walang duda dahil sa presensya iyon ni Calvin. Bakit ba kasi siya nandito? I mean, sa lahat pa ng pagpapahingaan niya ay dito pa talaga sa kung nasaan ako. Hindi ako makapag-concentrate sa kung ano man ang ginagawa ko— kunwaring abala ako sa lamesa para ipakitang hindi niya ako pwedeng kausapin o istorbohin. At kahit din wala siyang imik ay hindi ako mapalagay. Malakas na pumipintig ang puso ko, siguro ay dahil sa kaba. What if ungkatin na naman nito ang nangyari sa amin noong gabing iyon? Ang malala pa ay may makarinig. Hindi ko alam kung papaanong kahihiyan ang aabutin ko kung sakali. Napatingin ako sa wall clock ng munisipyo. Kating-kati na akong umuwi. Gusto ko na lang din ay maglaho na lang na parang bula. Napansin kong alas kwatro pa lang ng hapon. May isang oras pa bago ang uwian. Magtatagal ba siya rito? Sasabay ba siya sa pag-uwi ko? Huwag naman sana. Lihim akong nanalangin. Mayamaya pa nang gumalaw si Calvin sa kaniyang pagkakaupo. Nagpalit lang siya ng pwesto at idinekwatro ang mga binti, pero ang mga mata niya ay nananatiling nakatanaw sa akin. Tila ba hindi mababali kailanman ang paninitig nito sa akin. Napanguso ako, kapagkuwan ay nagbaba ng tingin sa kaniyang katawan. Bagay na bagay sa kaniya ang pagiging pulis. Humahapit sa matikas niyang katawan ang uniporme nito. Masyadong nakaka-distract. Gwapo na siya noong unang kita ko sa kaniya sa bar, pero ngayon na ganito ang ayos niya ay naging triple ang dating niya. Parang mas gusto ko siyang ganito— shít! Madali kong pinilig ang ulo at kaagad na yumuko. "Saktong five ang uwian niyo, hindi ba?" pagtatanong niya. Kung hindi ko lang din alam na kami lang ang tao roon ay magpapalingun-lingon pa ako para hanapin kung sino ang kausap niya. Bandang huli ay tiningnan ko siya. Wala akong choice kung hindi ang sumagot. "Depende kung marami pang gawa." Nagbaba siya ng tingin sa ginagawa ko, partikular sa ballpen na pinaglalaruan ng mga daliri ko. "Mukhang wala naman," pahayag niya sabay ngiti sa akin. "Sabay na tayo?" Kamuntikan na akong masamid. "Bakit? Obligado ka bang hintayin ako? Mauna ka na. Marami pa akong aayusin dito. Alam mo naman na papalapit na ang fiesta." "Hindi naman... wala na kasi tayong maayos na pag-uusap simula noong gabing iyon. Iniiwasan mo ako. I just want to talk to you. At ihatid ka rin sa inyo. That's all." Umismid ako. Bakit niya ba ito ginagawa? "Wala namang dahilan para mag-usap tayo." "So you forgot when you made friends with me? Akala ko ba ay magkaibigan tayo?" Ngumisi siya, halatang nang-uuyam. Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Ang kulit niya, ah! Hindi na ako nagsalita at inabala na ang sarili. Hindi na rin naman na siya dumugtong pa at pinanood na lang ulit ako. Bawat galaw ko pa ay sinusundan niya. Ilang sandali pa nang lumabas si Ma'am Darlene para utusan akong kunin ang pinasadyang trophy para sa gaganaping Miss and Mister Isla Mercedes sa darating na linggo. Ganito rito sa tuwing sasapit ang kanilang fiesta. Dito kasi mismo sa covered court ng munisipyo mangyayari ang contest. Kaya sa mga nagdaang araw din ay medyo abala ang mga tao, hindi lang ng mga empleyado pati na rin ng mga babaeng kalahok. "Sige po," maagap kong sagot kay Ma'am Darlene, kaya tumayo na rin ako. Kinuha ko ang susi ng motor na siyang nabili ko ng second hand. May kalayuan ang bahay na inuupahan ko. Kaya imbes na gumastos sa pamasahe ay nagdesisyon akong bilhin na lang itong motor kay Sir Rico, isa ring katiwala sa munisipyo. "Magmo-motor ka?" anang isang boses sa likuran ko, hindi ko alam na sumunod pala ito sa akin. "Alangang maglakad ako? Sa Centro pa iyon," sabi ko at saka sumampa sa motor. "Oh! Mabuti pa nga at samahan mo siya, Cop. Frias!" Si Ma'am Darlene na sumunod din pala sa amin sa labas. Napalingon ako kay Calvin. Napasinghap pa ako nang walang sabi-sabing umangkas nga siya sa likuran ko. Nanlaki ang mga mata ko at pilit nanghingi ng saklolo kay Ma'am Darlene, pero ano pang saysay kung siya naman din ang nag-utos dito. "Okay lang naman po sa akin. Tapos naman na po ang duty ko," wika ni Calvin. Gusto ko siyang lingunin ngunit nagtatago ito sa likod ko. Nang tingnan pa siya sa side mirror ay nakita ko ang nakangisi niyang mukha. Dahan-dahan pa nang gumapang ang kamay niya sa balikat ko. "Let's go," animo'y excited na saad niya dahilan para mapalatak ako sa hangin. Ilang minuto pa muna akong nagmuni-muni. Hindi ko talaga labis akalain na maiinis ako sa kaniya ng ganito kalala! Nahilot ko ang sentido bago tuluyang pinaandar ang motor. Binilisan ko rin ng kaunti na siyang mitsa para humigpit ang pagkakakapit sa akin ni Calvin. Nang hindi siya makuntento roon ay bumaba ang isang kamay niya sa baywang ko. Umawang ang labi ko. "Calvin!" singhal ko rito, gumalaw ako kasabay nang pag-brake ko sa motor. Imbes din na sumemplang kami ay kaagad na inilapag ni Calvin ang isang paa niya sa kalsada. Ako naman ay halos mapasubsob sa harapan. Marahas ko siyang nilingon. Naabutan ko pa ang gulat niyang expression. "Umayos ka nga!" asik ko rito, talagang ginagalit niya ako. "Bakit?" simpleng tanong niya. "Maayos naman ako. Ikaw itong mabilis magpatakbo. Wala akong makapitan kayo sa 'yo ako humawak. And don't get it wrong. Wala namang malisya roon." Nagpilantikan ang mga kilay ko. Talaga ba? Gusto ko pa siyang sigawan, pero hindi ko ba alam kung bakit nanghihina ako sa mga titig niya. Hindi ko makayanan na makipagtitigan sa kaniya ng matagal. Malakas akong bumuntong hininga sa sobrang inis. Hindi ko matanggap na nagiging talunan ako sa lalaking ito! "Kaya mo bang mag-drive? Gusto mo ay ako na lang?" suhestiyon niya kaya lalo akong nabwisit sa kaniya. "Hindi!" Tinalikuran ko siya at saka pa muling pinausad ang motor. Bago pa makaalis ay narinig ko ang mumunting pagtawa niya, halatang tuwang-tuwa na naasar ako. Hay naku, kung alam ko lang din naman na ganito ang kahahantungan ng isang gabing iyon ay sana hindi na lang ako nabaliw sa mga halik niya. Nag-init ang pisngi ko. Pinilig ko rin ang ulo at mas mabilis na pinatakbo ang motor. Hindi ko na pinansin ang lalong paghigpit ng mga braso ni Calvin sa baywang ko. Kapag ginawa ko iyon ay tatagal lang kami, baka abutin din kami ng gabi sa daan. Pareho kaming tahimik, kahit papaano ay naging matiwasay ang biyahe namin. Ilang minuto pa nang mag-park ako sa hindi kalayuan mula sa shop. Naunang bumaba si Calvin. Hinintay niya ako bago kami sabay na naglakad sa gilid ng kalsada. Bago pa man din makarating sa shop na iyon ay saglit akong napahinto sa nadaanan naming cake station. Umalpas ang ngiti sa labi ko nang maalala ang mga eksena namin ni Elsa sa mga ganitong shop. Malaki o maliit man na achievement ay sa isang cake station kami nagse-celebrate ni Elsa. Iyong huling alaala namin ay noong pareho kaming nakabalik sa Dela Vega Publishing House. “Sana ay hindi na kayo mag-away ni Andrew, sana ay peace na tayong lahat.” Higit isang buwan pa lamang ang nakalilipas simula nang umalis ako ng Manila, pero pakiramdam ko ay inabot na ng taon at ganito ko siya sobrang nami-miss. Palagi kong hinahanap iyong bonding namin, iyong tuwa ko kapag magkasama kami. Nakakatawa na ngayon ko lang na-realize; mas masakit pala talaga na magkahiwalay kayo ng naturingan mong bestfriend. Mas matimbang na ngayon iyong panghihinayang ko sa pagkakaibigan namin ni Elsa kumpara sa relasyong mayroon kami ni Andrew. Kung pwede ko lang ibalik ang oras, gusto kong itama ang lahat ng mali ko. Bumuntong hininga ako, kasabay nang pagkagat ko sa pang-ibabang labi. Tuluyan akong umiling at saka nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko na napansin ang presensya ni Calvin mula sa likuran ko at nakasunod lamang sa akin. Nawala na ako sa huwisyo kahit noong makuha ko iyong trophy at iba pang pang-award sa contest. Si Calvin na ang nagpresintang magbuhat kaya hindi na rin ako umangal pa. "Kain muna tayo," ani Calvin, hinila pa niya ako sa isang siomai stall nang magdere-deretso ang lakad ko. "Sa bahay na," sambit ko dahil wala naman akong dalang pera, iniwan ko iyong bag ko sa munisipyo. "Wala akong pambayad." "Libre ko na." Muli niya akong hinatak, mabilis lang siyang nag-order kay Manong na tindero para hindi na ako tumanggi pa. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit ngumiti lamang siya sa akin. Nagsimula siyang kumain habang buhat nito sa isang kamay ang mga plastic bag. "Kumain ka na. Gusto mo ba ay subuan pa kita?" palatak niya, rason para lalo akong sumimangot sa kaniya. Inirapan ko muna ito bago tinusok ang isang siomai at inisang subo. Mabigat ang panga ko habang ngumunguya. Samantala ay nakamasid lang sa akin si Calvin, tila ba gustung-gustong binabantayan ang bawat galaw ko. Bigla akong na-conscious sa ginagawang pagnguya. "Ako na ang magda-drive mamaya ng motor. Mukhang wala ka sa huwisyo at mabangga pa tayo," dugtong ni Calvin. "Hindi pa ako pwedeng mamatay." "Bahala ka sa buhay mo." Natawa siya. Nagulat pa ako nang walang sabi-sabing inilatag niya sa harapan ng bibig ko ang isang siomai. Umamba siya para isubo sa akin iyon. What the hell? "Huwag ka nang malungkot. Kung ano man iyang pinagdadaanan mo ay malalampasan mo rin iyan. Just look on the bright side. Kung naging masalimuot man ang buhay mo, alam ko na mas marami pa rin iyong mga oras na naging masaya ka." Umawang ang labi ko sa mahabang sinabi ni Calvin. Kinuha niya iyong pagkakataon para ipasok sa bunganga ko iyong siomai. Malakas siyang tumawa, pero nananatili akong nakatitig sa kaniyang mukha. Alam niyang brokenhearted ako kaya niya iyon nasabi. Wala sa sarili nang nguyain ko iyong siomai sa bibig ko. Tumango-tango rin ako dahil tama naman ang sinabi nito. "How can you be happy with yourself?" tanong ko nang mapag-isa kami sa Isla Mercedes Bridge. Mula sa Centro pabalik sa munisipyo ay madadaanan ito kaya saglit muna kaming huminto para magpahangin, para na rin tunghayan ang magandang sunset mula sa kanlurang bahagi ng kalangitan. Nakahilig ako sa barrier ng tulay at tinatanaw ang ganda ng paligid. Ganoon din si Calvin mula sa gilid ko. Ang pwesto niya ay nakaharap sa akin, bali ang isang siko niya ay nakatukod sa barrier. Ramdam ko ang paninitig niya sa akin kaya hindi na ako nagtangkang lingunin pa siya para sa tanong kong iyon. "You should smile more," panimula ni Calvin dahilan para mapanguso ako. "Palagi kang nakasimangot. Palagi pang galit. Alam ko na galit ka sa mga lalaki, pero hindi naman lahat ng lalaki ay pare-pareho." Mas lalong humaba ang nguso ko. "Ano pa?" "Appreciate yourself— appreciating yourself can be as simple as deciding you are worth being valued. Always remembering how far you’ve come. Nandito ka na, dapat ay maging proud ka sa sarili mo. Malayo na ang narating mo," si Calvin na sobrang lawak ng words of wisdom. Nakakataba ng puso. Sana nga ay madali lang ang lahat, para lahat ng tao ay hindi na rin nahihirapan, sa pinansyal man o dahil sa sakit na dinaramdam. "And also practice meditating, it allows you to sort through your thoughts in a calm and non-judgemental manner and even helps you leave your problems at the door for a short while. It provides mental clarity for solving those every day problems whether that be personal or work related." "Pina-practice ko na 'yan. Hindi lang talaga madali, but overall, kaya ko na..." "Good for you then." Ngumiti si Calvin. "Fourth, spend time with your love ones." "Wala na akong love ones!" Natawa ako, sino pang natira sa akin? Si Mama? Halos itakwil ako no'n. Sina Elsa at Andrew? C'mon! But nevermind. "Then go out with me. Iyan ang panglima," maagap na pahayag ni Calvin. Tuluyan ko itong binalingan. Nagtaas ako ng kilay sa kaniya. "Kasama talaga 'yan?" "Take a day to leave the confines of your house and go outside by spending the day with a friend," animo'y pagtatama niya para isalba ang sarili. "With a friend, huh?" pag-uulit ko habang pinipigil ang ngiti sa labi. "Don't laugh, you might fall in love with me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD