CHAPTER 2

2164 Words
Lumipas ang mga araw. Well, honestly ay hindi ko na mabilang kung ilang araw o linggo na nga ba ang nagdaan. Basta ang alam ko ay mahabang panahon na para sa akin ang nakalipas kung saan ay masasabi ko ring kahit papaano ay okay na ako. Not totally naka-move on sa nakaraan ko at sa mga nangyaring trahedya. Marahil ay saglit akong naghilom ngunit naroon pa rin sa puso ko iyong pagmamahal— pagmamahal na tiyak kong hindi na ganoon kalalim katulad ng dati. Marahil kasi ay nasa puso ko pa rin iyong dahilan kung bakit ako nagmahal, pero hindi na ganoon kasakit sa tuwing iisipin ko. More likely, natuto ako sa mga bagay na ipinaranas sa akin ng tadhana. Natutunan kong tanggapin sa sarili ko na hindi ako talunan. Bagkus ay nagparaya ako na kung tutuusin ay ganoon naman talaga kapag totoong mahal mo ang isang tao. It's either you will fight for him, or set him free. Sa kaso ko na umpisa pa lang ay wala ng kalaban-laban kung kaya ay kinaya kong pakawalan siya. Though, yes, tama rin naman iyong mga nagsasabi na ang pagmamahal mo sa isang tao ay hindi kaagad mawawala. Nariyan lang sila sa kailaliman ng puso mo, natatabunan lang iyan kapag nangyaring nagmahal ka ulit sa pangalawang pagkakataon. Love taught me that; growing up, letting go, moving on is the easiest way to enjoy life. Hindi ko piniling maging kontrabida sa lovelife ng iba. Hindi ko rin kasi maatim na makagawa ako nang ikasisira ng buhay ko. Gaano nga man ako itaboy ng magulang ko, ayawan ng mga kapatid ay hindi ko pinili ang maging rebelde. Hindi ko kayang maging masamang tao, ayokong makita ang sarili na naghihirap dahil sa sarili ko ring kagagawan. So, yeah, sa nagdaang mga araw ay alam ko na naging masaya ako, kahit papaano— sa bagong lugar, sa bagong tirahan, sa bagong trabaho at sa mga taong nakakasalamuha ko sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Masaya ako na napatunayan kong hindi lang ako si Jinky. I am Jinky Verra Bolivar, an independent woman and I am confidently beautiful with a heart. "Verra, hindi ka pa ba kakain?" tanong ni Ma'am Darlene, ang Administrator dito sa Municipal ng Isla Mercedes. "Tapusin ko lang po ito. Mauna na po kayo, susunod po ako," sagot ko naman. "Oh, siya at ako ay gutom na rin. Basta ay sumunod ka." Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon, kaya umalis din siya. Napangiti ako habang tinatanaw ang papawala niyang pigura. Kalaunan nang matiwasay kong isinandal ang likod sa back rest ng inuupuan kong swivel chair. Sa harapan ko ay ang lobby. Akalain mo 'yun at natanggap ako rito sa munisipyo ng Isla Mercedes bilang Information Officer. Although, ilang buwan lang ang itatagal ko rito. Naka-leave lang naman kasi iyong talagang naka-assign dito dahil sa buntis siya. Tinanggap ako pansamantala at aalis din kapag bumalik na siya. Ayos lang din naman iyon sa akin. Maganda na rin para gawing background sa resume. Kumalam ang sikmura ko dahilan para magpasya na rin akong tumayo. Saglit kong inayos ang lamesa, kapagkuwan ay sumunod din kay Ma'am Darlene sa labas. Mula kasi sa malawak na covered court ay naroon sa gilid ang naturingang Cafeteria. Habang naglalakad pa ay napansin ko ang ilang police vehicles in black and white na nakaparada sa kabilang gilid ng court. May ilan ding nagkalat na mga Police Officer sa paligid, tila ba napadaan lang dito. Nagkibit balikat ako. Sa kalagitnaan pa nang paglapit ko sa table nina Ma'am Darlene ay bumagal ang paglalakad ko. Mula rito sa pwesto ko ay tanaw na tanaw ko ang isang lalaking naka-uniporme rin ng pang-police. Hindi ko na sana papansinin, wala na rin sana akong pakialam kung hindi lang siya sobrang pamilyar sa akin. It's Calvin for fvckin' Christ's sake! Tinangka kong bumalik sa loob ngunit nakakapagtaka naman para sa iba kung gagawin ko iyon. Napasinghap ako. Gaano ko man din kagustong tumakbo palayo ay nagkaroon ng sariling utak ang mga paa ko. Labag sa loob ko ang ginagawa kong paglalakad, lalo pa sa reyalisasyong pinapanood niya ang bawat hakbang ko. Kitang-kita ko ang mga mata niyang nananantya— ang mga mata niyang isang gabi kong pinagsawaan. Sa labis na kahihiyan ay napayuko ako. Ginulo ko pa ang buhok ko upang gawing harang sa mukha ko, kahit useless pa dahil alam kong nakilala na niya ako. Kaya nga siya nakatingin, Jinky! Este, Verra! Mariin kong ipinikit ang mga mata para hindi na siya makita pa, pero siya namang bagsak sa alaala ko ang lahat ng angyari noong gabing pareho kaming lasing. Lahat! As in lahat, magmula sa paghahalikan namin dalawa, sa pagpasok namin sa back seat ng kaniyang kotse, sa mapusok ulit na paghahalikan na nauwi sa paghuhubad ng mga damit at higit sa lahat, ang pag-iisa ng mga kaselanan namin. Shít! Oo! May nangyari sa amin! Mayroon! Kaya sige nga, paano ko siya ngayon haharapin? Aba, kahit ilang araw na ang nakalipas ay sariwa pa rin iyon sa utak ko. Walang oras na hindi iyon sumagi sa isipan ko, kaya ano mang pilit kong kalimutan iyon ay hindi ko magawa-gawa. Imbes sana na sina Elsa at Andrew lang ang gusto kong kalimutan, pati siya ay dumagdag sa problema ko! Ano ba namang buhay 'to? At akala kong hindi ko na siya makikita pa dahil higit isang buwan naman na ang nagdaan magmula nang mangyari 'yon. Matapos ang gabing iyon ay hindi ko na siya nakita pa. Ngayon ko na-realize na may dahilan kung bakit hindi siya nagpapakita sa akin, naninilbihan pala siya rito sa Isla Mercedes bilang Police Officer. Pabagsak akong naupo sa tabi ni Ma'am Darlene. May pagkain na sa lamesa na para sa akin ngunit hindi ko naman magawang galawin dahil hanggang ngayon ay nakatitig pa rin si Calvin. Literal at bulgar! Kaya hindi hamak na may halong pagtatanong ang mga mata ng mga kasamahan niyang Officer. Pati na rin sa mga katrabaho ko sa munisipyo ay napapansin ang paninitig niya sa akin. "Kumain na rin kayo. Nagpahanda si Mayor, kaya maraming pagkain," ani Ma'am Every, ang Treasurer namin. "Maraming salamat po," ani ng ilang Police Officer at isa-isa na nga silang naupo sa pahabang lamesa na kinaroroonan namin. Mabuti at medyo nalayo si Calvin, kahit papaano ay nakahinga ako nang malalim. Ngunit hindi ako tinatantanan ng mainit at matalim niyang paninitig. Ewan kung galit ba siya, o talagang badtrip lang siya. As if naman ay may ginawa akong masama sa kaniya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at ibinaba na lamang sa pagkain ang atensyon. Sinimulan kong kumain kahit parang nawalan ako ng gana. Kapag may iniiwasan ka talaga ay parang ang bagal ng takbo ng oras. Tipong kating-kati na akong bumalik sa loob ng munisipyo para magtrabaho. Bandang huli ay tumulong ako sa pagliligpit para makaiwas sa mga tingin ni Calvin na halos bumutas iyon sa katawan ko. Tinulungan ko si Ma'am Every maghugas ng pinggan, pero iniwan naman niya ako kalagitnaan dahil may panibago siyang ginawa. Sinundan ko ito ng tingin ngunit mabilis siyang nawala sa paningin ko nang humarang ang katawan ni Calvin sa gitna. Nanlaki ang mga mata ko nang dere-deretso siyang lumapit sa gawi ko. Huminto lang nang nasa gilid ko na ito. Dinungaw niya ako. Ang mga mata nito ay kaagad na naninimbang sa magiging emosyon ko. "Ba—bakit ka nandito?" palatak ko, parang tanga pa at talagang nauutal pa. "Wala ka ng paramdam," panimula niya dahilan para mangunot ang noo ko. "Nandito ka lang pala." "Ano ako multo para magparamdam?" Kunwaring natawa ako para sakyan ang kakornihan ko. "Hindi ka na tumatambay sa bar tuwing gabi?" Itinukod nito ang isang siko sa gilid ng tiles sa lababo, aktong gusto akong kornerin para hindi makawala sa kaniya. Hindi ko naman din magawang iwanan itong mga plato at baka masampal ako bigla ni Ma'am Every. Ibinilin niya ito sa akin bago siya umalis kanina. Huminga ako nang malalim, saka pa nagpatuloy sa paghuhugas upang iwasan din ang mga mata ni Calvin. "Nandoon ako palagi," segunda niya. "Oo, sabi mo nga noon ay palagi kang naroon. Kaya alam mo kung sino ang mga dayo sa bar," casual kong sambit para gawing normal ang conversation naming dalawa. Bakit niya ba ako kinakausap? Dito pa talaga kung saan nakikita kami ng mga kasamahan niya at katrabaho ko? Wala silang idea na magkakilala na kami. Magugulat talaga sila na kilala na namin ang isa't-isa. Paano pa kaya kapag nalaman nilang nagka-one night stand kami? Sa kagustuhan kong takasan siya ay binilisan ko ang paghuhugas ng plato. Halos magkalansingan ang mga kutsara't tinidor sa sobrang bilis ko. Nabasa na rin ang bandang ibaba ng suot kong blouse. Hindi bali at matutuyo rin naman ito. Kailangan ko lang matapos ito sa lalong madaling panahon para makabalik na rin ako sa loob. Hindi pwedeng nasasayang ang pinapasahod sa akin dito. "I'm done!" Umaliwalas ang mukha ko sa natanto, dali-dali pa akong nagpunas ng kamay at nilampasan si Calvin. Ngunit sa isang higit niya sa siko ko ay naibalik niya ako sa kaninang pwesto ko. "Ano ba, Calvin?" inis kong sita rito, dagli kong nilingon ang mga tao sa likod niya, lahat naman sila ay abala sa kani-kanilang ginagawa. "Ano bang kailangan mo?" "Iniiwasan mo ba ako?" seryoso niyang tanong, kaya bumaik ang atensyon ko sa kaniya. "Did I do wrong? Nasaktan ba kita?" What the hell? "Huh?" Nalilito ko siyang tiningala. "Bakit kita iiwasan? May malubha ka bang sakit?" Umawang ang labi niya. Hindi niya yata alam na dati talaga akong baliw. Kalaunan ay umigting ang panga ni Calvin. Napatalon pa ako sa gulat nang hawakan niya ang kamay ko, para siyang nang-aamo. Pilit din niyang binabasa ang kung ano mang tumatakbo sa utak ko ngunit naging matigas ako sa harapan niya. "Alam kong naging marahas ako sa 'yo. I even took advantage of you that night. Kaya sorry kung nasaktan kita," pagpapatuloy niya. "Hindi naman iyon big deal, Calvin... wala naman iyon sa akin..." mahina kong sambit dahil hindi iyon ang katotohanan. Araw man o gabi, walang palya na hindi ko iyon naaalala. Ebidensya ang eyebags sa dalawang mata ko. Kaya kung nakikita man niya iyon ay talagang mare-realize niyang big deal sa akin iyon. It's my first time. Nalukot ang mukha ni Calvin sa sinabi kong iyon. "Hindi big deal? Really? God, Verra, you're a fvckin' virgin, tapos ay sasabihin mong hindi big deal sa 'yo?" Pinanood ko ang galit sa mukha ni Calvin. Ano ba sa kaniya kung big deal man sa akin o hindi? Maibabalik niya ba ang napunit kong hymen? Hindi naman 'di ba? Mapakla akong natawa. "Ayos nga lang iyon, Calvin. Huwag mo nang problemahin—" "Well, ibahin mo ako dahil big deal iyon sa akin!" sigaw niya na naging rason para sabay-sabay na magsilingunan ang mga kasama namin sa court na iyon. Nang tingnan sila ay may nakita akong papalapit sa pwesto namin, kaya tinangka ko ulit na lampasan si Calvin ngunit mahigpit niyang hinawakan ang palapulsuhan ko. Sa sobrang higpit ay literal na wala akong kawala sa kaniya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko, na kahit gustung-gusto ko nang tumakbo ay pinanatili ko ang paninindigan ko na harapin siya. Kung may namagitan man sa amin ay gusto ko na iyong tapusin. Nagpunta ako rito sa Isla Mercedes para makalimot, para mag-move on, hindi para gumawa ulit ng panibagong alaala sa isang lalaki. This is so freaking wrong! Hindi ko matatanggap kapag bumigay pa ulit ako sa lalaking ito, na halos hindi ko naman talaga kilala simula umpisa. He's just a total stranger. Nothing special about him. "Look, Verra, if anything happens to you, I will be responsible for it," mahinahon niyang sinabi, gustung-gustong inaamo ako. "I want to be responsible for it." "Hindi naman ako mabubuntis." Ikinalma ko siya, pero lalo lang siyang nag-alburoto. Napakurap-kurap si Calvin sa pinagsamang gulat at pagkamangha niya sa akin. Nasilayan ko pa ang unti-unting pagkalusaw ng emosyon sa kaniyang mukha. "Kung nasarapan ka man ay pwede pa naman tayong umulit," dagdag ko sa himig na nang-aasar para lalo siya magalit, para lalo niya akong kamuhian. Sa ganoong paraan ay ito na ang magiging huli naming pagtatagpo. Mas nanainisin niyang huwag nang magkaroon ng connection sa akin dahil ganoong klase pala ako ng babae. Nginisian ko pa ito upang mas bigyang tibay ang pang-uuyam. Sa kadahilanang nanghina ang mga kamay niya ay nagawa niya kong bitawan. Tuluyan ko na rin siyang nilampasan bago pa man makalapit sina Ma'am Every. Honestly, hindi ko lang gusto na dumagdag pa si Calvin sa problema ko. Ayoko siyang madamay sa kung gaano kagulo ang buhay ko. Ayokong manghila ng tao para lang mapadali ang paglimot. Parang wala rin akong pinagkaiba kay Andrew. Kung tutuusin ay pabor nga dapat kay Calvin ang ginagawa kong pag-iwas sa kaniya. Wala na siyang iisipin o sakit sa ulo. Hindi rin naman ako maghahabol sa kaniya kung sakali man na buntis ako. Pagkakamali ang gabing iyon, hindi na dapat sundan pa, hindi na dapat maulit pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD