CHAPTER 15

2221 Words
"Anong nangyari kay Bianca?" maang kong tanong nang mapag-isa kami ni Calvin sa loob ng kwarto ko. "Hindi ko alam, Verra. Hindi ko naman siya nakita noong umalis ako," sagot niya. Napanguso ako. "Pa-fall ka siguro, ano? Iyong lahat ng ginagawa mo sa akin ay nagawa mo sa kaniya, kaya ganoon na lamang din siya umasa. Kasi akala niya ay gusto mo siya. Hindi naman siya ganoon aakto kung hindi ka rin nagpapahiwatig." "We didn't have séx," ani Calvin habang paulit-ulit na hinahaplos ang buhok ko. Pareho kami ngayong nakahiga sa kama. Ang kanang braso niya ang ginawa kong unan habang nakasiksik ang mukha ko sa pagitan ng kaniyang kili-kili at tagiliran. Yakap-yakap ko naman ang dibdib niya. "I mean kung paano mo siya itrato..." "Ganoon naman ako sa lahat ng malapit sa akin. Mas sweet at clingy nga lang ako pagdating sa 'yo." Isang halik sa ulunan ko ang ginawa ni Calvin dahilan para saglit akong matulala. "Mabilis siyang nahulog sa akin dahil una pa lang ay gusto na niya ako. Kaya kahit maliliit na bagay na ginagawa ko ay nabibigyan niya ng malisya." Tumango-tango ako dahil wala na akong maidugtong pa roon. Tama naman din si Calvin, kung hindi mo gusto ang isang tao, magkakaroon ka pa rin ba ng pakialam at isiping gusto ka niya? Well, may mga ganoong cases. Lalo kung bulgaran naman ang pagpapahiwatig. Pero sa lagay ni Calvin, na likas nang may mabuting puso ay hindi hamak na pagkakaibigan lang ang gusto sa 'yo. Nagkataong ako ang nagustuhan niya, kaya malas talaga ni Bianca. Halos matawa ako sa sarili. Mayamaya nang bahagya akong lumayo para tingalain siya. Kaagad na nagpang-abot ang mga mata naming dalawa. "Nagkausap kayo ni Mayor?" Umimpis ang labi ni Calvin bago siya sumagot. "Noong makita ko na iba na 'yung nasa Information desk at nalaman kong tinanggal ka. Sinugod ko si Mayor Velasquez, napaaway ako dahil doon." Bumagsak ang panga ko. "Grabe ka naman?!" Natawa si Calvin. "Nalaman kong tinakot ka niya at masisisi mo ba ako, Verra? Anak natin ang pinagbantaan niya." "Pero... baka hindi ka na makabalik sa Isla Mercedes dahil sa nangyari." "Ayos lang naman sa akin iyon, Verra. Wala na rin naman na akong balak na bumalik pa roon. Rito na lang tayo sa Manila." "Paano ang trabaho mo roon?" "Nakapag-request transfer na ako sa pinaka-head namin. Transfer will be granted at the discretion of the Department Administrator. Medyo matagal dahil marami ang proseso. And in the meantime, aalagaan muna kita habang nagbubuntis ka." Ngumiti si Calvin habang titig na titig sa akin, para bang kahit ang pangit ko ngayon ay gandang-ganda pa rin siya sa akin. Para bang ako na ang pinakamagandang babae sa paningin niya at ganoon siya kabaliw sa akin. Grabe lang din 'no? Hindi mo talaga aasahan kapag naglaro ang tadhana. Dati isa lang iyan sa mga tanong na nabuo sa utak ko. Is there really someone you're supposed to meet at the right time and they are meant to be with you? It's almost impossible. Hindi ba't parang coincidence lang 'yon? Na mabilis kayong nag-click, nagustuhan ang isa't-isa at napagdesisyunang maging isa? Nasa sa inyo rin kung gusto ninyong magtagal at pahabain ang relasyong mayroon kayo. Destiny? Is there really such a thing destiny in love? Many of us believe in fate because it offers us comfort and security. In my opinion, there is no pre-destined future to anyone. Because we all make our own choices that will ultimately determine our future. If there is, nobody would be responsible for their own actions. There is no fate or destiny plays a role in a romantic relationships. And if God decides our fate, then why should we put efforts? We, people, decide our own fate. But I thank God he let me meet Calvin Frias, nasa sa amin na rin kung ano ang gagawin namin sa kapalaran naming dalawa. Wala sa sarili nang mapangiti ako habang sinusundan ang mabagal na paggalaw ni Calvin. Ang dalawang kamay niya ay naroon nakapalibot sa manipis kong baywang. Ang akin naman ay nakalingkis sa kaniyang leeg. Be my lady Let the sun shine through your heart and make a brand new start Stay with me each night and day through the rest of my life Just like a work of art, my love will last until forever Pareho kaming sumasayaw sa salin ng paborito niyang musika na iniaalay niya sa akin. Bawat liriko nito ay siyang sinasabayan namin. Hindi niya ako nagawang isayaw noon sa fiesta ng Isla Mercedes. Iyon daw sana ang gusto niyang gawin, hindi nga lang natuloy dahil sa nangyari. Kaya heto siya at personal na hiningi ang kamay ko para maisayaw siya. Hindi ko alam kung paano ba ako hindi mapapamahal sa kaniya. Lahat kay Calvin ay nakakakilig, lahat sa kaniya ay katanggap-tanggap. Lahat ng mayroon sa kaniya ay kamahal-mahal, na kahit sino yata ay mamahalin siya. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naramdamang naging swerte ako. At magiging tanga ako kung pakakawalan ko pa ang isang kagaya niya. Bihira na lang ang ganitong lalaki. Kaya sino ba ako para hindi siya tanggapin? "Just like a work of art, my love will last forever," ani Calvin na isinatinig din ang huling stanza sa kantang iyon. Halos mapunit ang labi ko sa sobrang pagkakangiti. Ang init na ng katawan ko, pulang-pula na rin ang pisngi ko. Mukha na akong kamatis sa harapan ni Calvin at hindi ko alam kung gusto ko bang mag-iwas ng tingin, o tanggapin na lang ang pagkamatay dahil sa paninitig niyang iyon. Mahina akong bumuntong hininga. Sa pagtatapos ng kanta ay siyang pagtingkayad ko. Humigpit ang pagkakakapit ko sa kaniyang balikat, kasunod nang marahang pagpikit ng mga mata ko. Tuluyang naabot ng labi ko ang labi ni Calvin. Naramdaman ko ang pagpikit niya. Ilang segundo naming ninamnam ang lambot ng labi ng bawat isa. Saglit naming dinama ang kapayapaang pumaligid sa amin. Minuto ang nagdaan nang magsimulang gumalaw ang labi ni Calvin. Napasinghap ako, ganoon pa man ay madali ko rin iyong nasundan. Bawat anggulo ng kaniyang mukha ay sinasalungatan ko. Mas tumingkayad ako para lalo siyang maabot. Halos maubos ang espasyong nakapagitan sa amin. Damang-dama ko na sa dibdib ko ang matikas niyang dibdib. Maging ang muscles niyang yumayakap sa akin. Ilang sandali pang maglakad si Calvin. Iginigiya niya ang mga binti ko paatras hanggang sa maramdaman ng likod ng tuhod ko ang dulo ng kama. Roon ay dahan-dahan niya akong pinahiga. Sa kadahilanang yakap ko ang kaniyang leeg ay pareho kaming bumagsak ngunit hindi iyon naging alintana sa aming dalawa. Patuloy pa rin kami sa walang katapusang paghahalikan, na sa bawat paglipas ng minuto ay mas lalo iyong nagiging agresibo. Mas nagustuhan ko naman iyon na pati ang katawan ko ay nagre-react. Umaarko paangat ang balakang ko dahil na rin sa kamay niyang naglalakbay na sa katawang lupa ko. Bawat balat na madaanan ng kaniyang palad ay kaniyang pinipisil. Nang bumaba ang labi ni Calvin ay doon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na lumanghap ng hangin. Malakas akong napahinga nang malalim, pero mabilis ding nahigit ang hininga nang maramdaman ang kamay ni Calvin na pumailalim sa shorts ko. Kaagad akong nagdilat at doon ko naabutan ang mariin niyang paninitig sa akin mula sa pagkakasubsob niya sa dibdib ko. Umawang ang labi ko nang bolta-boltahe ng kuryente ang naging hatid nito sa katawan ko. Titig na titig siya sa akin. Kitang-kita ko pa ang labis na pagnanasa sa parehong mata ni Calvin. Kumikislap iyon dahil sa apoy na pumapaloob doon. Ang kaniyang panga naman ay makailang beses na umiigting. "Hmm," impit kong halinghing dahil kagat-kagat ko ang pang-ibabang labi. Bumagsak ang ulo ko sa kama, kasabay nang pagpikit ko nang damhin niya ang pagkabàbae ko. Pinaghiwalay niya ang hiwa ko at saka pa dahan-dahan na ipinasok ang kaniyang daliri. "Ah!" Malakas na kumawala ang ungol ko, rason para maigi kong takpan ang bibig at baka marinig kami ni Mama sa labas. Naka-lock naman ang pinto sa kwarto kung kaya ay paniguradong hindi kami maririnig. Ganoon pa man ay gusto ko lang din na mag-ingat. Lalo at hindi rin naman soundproof itong kwarto ko. Halos magdugo na rin ang labi ko sa tindi ng pagkakakagat ko roon. Ang mga kamay ko ay hindi na alam kung saan pa kakapit. Bandang huli ay nasabunutan ko si Calvin nang unti-unti siyang bumaba. Mula sa tiyan ko ay itinaas lang niya ang suot kong blouse hanggang sa lumantad ang dalawang dibdib ko. Kaagad kong naramdaman ang mainit niyang labi roon, pati na rin ang dila niyang naglalaro. Panay ang sipsip at hila niya sa nípple ko dahilan para mabaliw ako. Paulit-ulit nang umaarko ang katawan ko dahil sa pinagsasabay niyang dila at daliri. Ilang beses nang tumirik ang mga mata ko. Marahas kong nasabutuan si Calvin upang doon kumuha ng lakas. Hindi nagtagal nang lalo pa siyang pumailalim. Habang hawak niya ang isang tuktok ko ay bumaba ang basa niyang halik sa tiyan at puson ko. Pababa pa nang pababa hanggang sa tuluyan din niyang maibaba ang cotton shorts ko kasabay na rin ng panty ko. Nagulantang ang mundo ko. Gusto ko pa sanang magsalita ngunit kaagad ko ring nalunok ang mga salita nang halikan niya ako roon. "Ahh! Calvin..." Bumigat ang paghinga ko. Kagustuhan ko siyang itulak, nakaamba na nga ang isang paa ko sa kaniyang balikat para itulak siya ngunit maagap niya iyong hinawakan at saka pa maluwang na pinagbuka ang mga hita ko. "Fvck! Calvin, fvck," sunud-sunod kong ungol nang mas matiwasay niyang nadama ang pagkabàbae ko. "God! Calvin! Oh, my God!" Bumagsak ang mga kamay ko sa bedsheet ng kama. Halos malukot at mapunit iyon sa sobrang pagkakakuyom ng mga kamao ko. Bawat pagdila, paghalik at pagsipsip ni Calvin sa hiyas ko ay katumbas na para akong dinadala sa langit. Naging walang katapusan ang mga halinghing ko. Natatakot na akong baka bigla kaming pasukin ni Mama rito sa kwarto, pero lintik naman kasi at bakit ginagalingan ni Calvin? Hindi ko na alam paano pa tatahimik. Hiyang-hiya na rin ako sa sarili ko at kitang-kita lahat ni Calvin. Iyong naging huli namin ay dim lights ang naiwang liwanag, kaya kahit papaano rin ay nakakaya ko iyong kahihiyan. Iyong una at pangalawa naman ay sa kotse, madilim din at walang problema. Ngunit ngayon na nagliliwanag ang kwarto ko ay mas dumadagdag ang init sa katawan ko dahil sa pinagsamang kahihiyan at hindi maitatangging pagnanasa. Pati dibdib ko ay namumula na rin. Nang dungawin pa siya sa ilalim ko ay natatanaw ko ang paminsan-minsan niyang pagtitig sa akin. Bawat hagod ng dila niya ay tinitingnan niya ako. Animo'y pinapanood ang pagdaan ng emosyon sa mukha ko. "Fvck," ungot ko at muling bumalik sa pagkakahiga. Hindi ko na maintindihan ang sariling katawan. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ko na itong naramdaman, pero sa tuwing nangyayari ay para akong sasabog. May kung ano ang gustong kumawala sa puson ko, na kung hindi ko ilalabas ay patuloy akong mababaliw. Nahigit ko ang hininga ko. Halos maputol ang litid sa leeg ko nang maging sunud-sunod ang pag-alpas ng katas sa bukana ko. Nayanig ang mundo ko. Nanginig ang kabuuan ko at para akong kinukumbulsyon. "Calvin..." nanghihinang pagtawag ko rito, dahan-dahan naman nang gumapang siya upang ipagpantay ang mukha namin. Saglit akong nagdilat para lang salubungin ang kaniyang labi sa labi ko. Na-realize kong hubad na siya nang masagi ng hita ko ang naghuhumindik niyang pagkalàlaki. Nanlaki ang mga mata ko, lalo dahil hinawakan niya iyon at saka pa ipinuwesto. "I'm coming in, Verra. Just tell me if it hurts," napapaos niyang sinabi. Wala sa sarili nang tumango ako. Iyon ang pagkakataon niya para sumuong. Nalukot ang mukha ko nang maramdaman ang pagkakahati ng loob ko, damang-dama ko ang kalakihan at katigasan niya. Tunay na pati iyon ay maipagmamalaki niya, halos sumaludo sa akin ang sandata niya. "Ahm," ungol ko at madaling ikinawit ang dalawang kamay sa balikat ni Calvin nang yumuko siya para halikan ako. Kasabay din nito ay ang pag-urong-sulong niya. Nagsimula siyang maglabas-masok, na sa una ay marahan ngunit kinatagalan ay nagiging mapusok at marahas na rin. Mas naging doble ang paghahabol ko ng hangin. Ang dibdib ko ay bulgar nang nagtataas-baba. Ganoon din si Calvin kung saan pa ay dinig na dinig ko ang mabibigat niyang paghinga. Pero higit sa lahat, walang makakatalo sa lakas nang pagtatagpo ng mga kaselanan naming dalawa. Bumitaw ako sa labi ni Calvin, kapagkuwan ay isiniksik ang mukha sa kaniyang leeg. Doon ay nakagat ko ang balikat niya, rason para dumaing ito. Napasobra at bigla siyang napadiin. "God, Calvin..." ungol ko habang nananatiling nakasuksok sa balikat at leeg niya. "I'm coming, Calvin." "Let's cúm together, Verra. Wait for me," mababang boses na pahayag niya, kapagkuwan ay mas umindayog pa. Pabilis nang pabilis. Natagpuan ko na lang din ang sarili na nasa dulo na ng headboard sa sobrang rahas niyang gumalaw. Palakas din nang palakas ang mga ungol ko. Kalaunan nang sabay din naming marating ang rurok ng kaligayahan. Halos maglawa ang bukana ko nang punuin ni Calvin ng kaniyang katas ang pagkabàbae ko. Mabilis niya iyong hinugot at saka pa ipinatong sa tiyan ko. Naramdaman ko ang init ng orgasmo niya. Isang halik sa noo ko ang iginawad niya bago siya pabagsak na tumabi sa gilid ko. "I love you, Jinky Verra. My wife-to-be."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD