Chapter 2

1071 Words
“TARA na, Mama.” Hinayaan na lang ni Georgette ang anak na hilain siya nito papasok sa loob ng isang fastfood chain.   “Oh, oh, careful, baby.” sabi niya rito nang muntik na itong matalisod sa kamamadali nito sa paglalakad. Binagalan naman ng anak ang paglalakad nito. Nang makapasok sila sa loob ng nasabing establishemento ay agad siyang naghanap ng bakanteng mesa. Nang makahanap siya ay maingat na hinila ang anak patungo ro’n. Binuhat niya ito at pinaupo niya ito sa silya. “Georgie, baby. O-order lang ako ng food natin, ha. Huwag kang makulit at huwag kang aalis dito,” mahigpit niyang bilin rito. Tumango-tango naman ang anak. “Opo, Mama. `Di po ako kulit,” sagot nito. “Promise?” sabi niya sabay taas ng kanang kamay na para siya nanunumpa. “Promise, Mama.” ani Georgie sabay taas din ng kanang kamay nito. Nginitian niya ang anak saka siya naglakad patungo sa counter ng nasabing establishmento. Pumila pa si Georgette dahil may dalawa pang customer ang nakapila sa harap ng counter. Panaka-nakang sinusulyapan naman niya ang anak sa kinauupuan nito. Ilang sandali lang naman ang pinaghintay niya at siya na ang susunod na o-order. Sinabi niya sa babaeng cashier ang order niya. Hindi naman nagtagal ay binigay na ang order niya. Nagpatulong pa siya sa lalaking staff para bitbitin ang tray na naglalaman ng order niya patungo sa mesang kinaroroonan ng anak. “Thank you po.” napangiti si Georgette ng pasalamatan ng anak ang lalaking staff ng ilapag nito ang tray sa mesa nila. Ngumiti lang ang staff sa anak niya bago ito nagpaalam. Umupo naman siya sa silyang katapat ng anak niya. Akmang dadampot ang anak ng isang piraso ng french fries nang mapatigil ito nang magsalita siya. “Georgie, pray muna.” “Ay, sorry po,” sabi ng anak. Pagkatapos niyon ay umayos ito ng upo, pumikit ito saka ito nagdasal. “Amen.” wika ng anak nang magmulat ito ng mata. “Let’s eat na po, Mama.” Nilagay ni Georgette sa harap ng anak ang pagkaing in-order niya para rito. Agad na dumampot si Georgina ng french fries pero sa halip na isawsaw nito iyon sa ketchup ay sa sundae nito iyon sinawsaw. Saglit niyang tinitigan ang anak hanggang sa nag-umpisa na rin siyang kumain. “Mama.” mayamaya ay nag-angat siya ng tingin nang marinig niya ang pagtawag sa kanya ng anak.   “Yes, baby?” “Pahiram po ng cellphone.” anang anak sabay taas ng kamay sa kanya. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Georgette. “Kumakain ka pa? Anong gagawin mo sa cellphone ko?” “Selfie po tayo, Mama,” sagot ng anak. “Tapos post po natin sa f*******: at sa i********: niyo po.” “Okay. Pero kumain muna tayo.” “Okay po, Mama.” Bumalik na ang anak niya sa pagkain. Ganoon na rin siya. At gaya ng sinabi niya sa anak ay ibinigay niya rito ang cellphone niya nang matapos na silang dalawa na kumain. Lumapit naman sa kanya ang anak. Kumandong ito sa kanyang hita. Sa edad ni Georgina ay marunong na itong gamitin ang cellphone niya o ang ibang mga gadget. Kung minsan nagugulat na lang siya kung tatanungin siya nito kung may f*******: ba siya o hindi kaya i********:. Siyempre, sinagot niya ito ng ‘oo’ dahil mayroon siya niyon. Mayroon siyang f*******: dahil do’n niya ina-upload ang mga product na benebenta niya as online seller. Mas convenient kasi ang f*******: para makita nang marami ang mga product niya at makabenta siya. May i********: account din siya, kasi do’n niya inilalagay ang mga memories nilang dalawa ni Georgina. Mula noong ipinagbubuntis pa lamang niya ito, sa panganganak at hanggang sa lumaki ito. Naka-private naman ang account niya kaya okay lang. Mga followers lang naman niya na pawang mga kaibigan niya ang nakakakita sa mga post niya. “Ay, may dumi ako sa mukha, Mama.” anang anak nang makita nito ang sarili nitong repleksyon sa front cam ng cellphone niya. Sumulyap sa kanya ang anak. Napahagikhik siya nang makita ang sauce ng spaghetti na kumalat sa magkabilang gilid ng labi nito. “Wait, punasan ko,” aniya. Binuksan niya ang bag at kinuha do’n ang baby wipes. Pagkatapos niyon ay pinunasan niya ang magkabilang gilid ng labi nito. “Hayan, okay na.” nakangiting sabi niya rito nang maalis niya ang bakas ng sauce ng spaghetti sa gilid ng labi nito. “Thank you, Mama.” Pasasalamat ng anak. “Walang anuman, Baby.”   Yumakap si Georgette sa anak nang magsimula itong kunan ang sarili nila ng larawan. “Kiss mo ako sa cheeks, Mama,” sabi ng anak. “Okay.” “Mama ang ganda ko dito, oh.” sabi ni Georgina nang matapos silang mag-picture. Tiningnan naman ni Georgette ang picture na tinitingnan ni Georgina. “Siyempre nagmana ka sa Mama, eh,” natatawang wika ni Georgette sa anak. “Kay Papa hindi ako nagmana, Mama?” Natigilan si Georgette sa tanong na iyon ng anak. Hindi niya inaasahan na itatanong nito ang bagay na iyon. “Uhm, kay M-mama ka nagmana anak.” Tumango-tango ito. “Pangit ba si Papa ko, Mama?” inosenteng tanong ni Georgina. “Mama?” untag ng anak ng hindi pa siya kinikibo. “Ha?” “Pangit po ba si Papa ko?” Inulit ng anak ang tanong nito sa kanya. “Hindi,” tanging sagot niya. “Uhm, baby, upload na natin sa i********: itong picture natin?” pag-iiba ni Georgette sa usapan. Ayaw kasi niyang pag-usapan ang tungkol sa ama nito baka mayamaya ay marami pang itanong ang anak. Baka itanong naman nito kung nasaan ang ama nito? Baka itanong na naman nito sa kanya kung bakit hindi nila kasama ang ama nito. At iyon ang isang iniiwasan na mangyari ni Georgette. Hindi kasi niya alam kung ano na naman ang i-a-alibi niya sa anak kung magtatanong na naman ito. Nang minsang nagtanong kasi ang anak sa kanya tungkol sa ama nito ay sinabi lang niyang nasa malayong lugar ang ama nito at do’n nagta-trabaho. “Ay, sige po, Mama,” masayang wika nito. Sorry, baby. Kung hindi mo makikilala ang Papa mo. Ayaw kung masaktan ka tulad ng naramdaman ko noon. And by now, baka masaya na siya sa bagong pamilya niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD