Chapter 4

2285 Words
NANG sabihin ni Georgette kay Christian ang pino-problema niya ay agad siya nitong hinawakan sa kamay at marahang hinila patungo sa kusina. Ayaw siguro nitong marinig ng anak niya ang pag-uusapan nilang dalawa.   "Sino ulit nakita mo?" Ulit na tanong ni Christian sa kanya. Nagpakawala muli si Georgette ng malalim na buntong-hininga bago niya ito sinagot. "Nakita ko si Light," sagot niya kay Christian. Pagbanggit niya sa pangalan ng dating asawa ay parang may kumurot sa puso niya, bakit pagdating dito, nagre-react pa din ang puso niya? Ilang taon na din ang lumipas. Dapat hindi na nagre-react ang puso niya kapag nababanggit ang pangalan nito o hindi kaya ay kapag naalala niya ito? Dapat nga ay naka-move on na siya. Ipinilig na lang ni Georgette ang ulo para maalis iyon sa isipan. Saglit na hindi nagsalita si Christian, nakatitig lang ito sa kanya. Mukhang binabasa nito kung ano ang iniisip niya.   "Nakita ka din ba niya?" Tanong nito matapos ng ilang sandali. Hindi personal na kilala ni Christian si Light. Hindi pa nga nito nakikita ang dati niyang asawa. Si Christian kasi ang tumulong sa kanya no'ng panahong kailangan niya ng tulong. Christian was complete stranger when she met him. Gayunman ay hindi ito nagdalawang isip na tulungan siya ng mangailangan siya ng tulong. Malaki ang utang na loob niya dito at sa pamilya nito.   Tumango naman siya bilang sagot. "Oo."   "Nag-usap kayong dalawa?" Muling tanong ni Christian.   Umiling siya. "Hindi. Tumakbo ako ng lalapit na sana siya sa akin," sagot niya. "Sa totoo lang ay ayokong makita siya, ayokong makausap siya at ayokong malaman niya ang tungkol kay Georgina, ang tungkol sa anak namin." Pagsasabi niya ng totoo.   Ayaw ni Georgette na malaman ni Light ang tungkol kay Georgina dahil kapag nangyari iyon ay magugulo ang tahimik nilang buhay na mag-ina. Selfish na kung selfish pero ayaw niyang masaktan ang anak kapag nalaman nito ang ama nito ay may sarili ng pamilya. Na malaman nito ang ginawang panloloko at pagtataksil sa kanya ng ama nito.   Wala kasing kaalam-alam ang anak, sa tuwing nagtatanong ito, lagi niyang sinasabi na nasa malayong lugar ang ama nito at do'n nagta-trabaho. Nagi-guilty nga siya sa pagsisinungaling niya sa tuwing tinatanong nito kung bakit hindi man lang magawang tumawag ang ama nito. Kino-kompara pa nga ng anak minsan ang ama ng mga kaklase nito na nagta-trabaho sa abroad. Bakit daw nakakausap ng mga ito ang Papa ng mga ito kahit nasa malayo. Pero bakit daw ang Papa nito ay hindi nito makausap man lang. Bilang isang ina ay ramdam niya ang nararamdaman nito. Pero wala siyang magawa. Nag-a-alibi na lang siya dito para hindi ito masaktan. Okay lang na siya ang makaramdam ng sakit kaysa pati ang anak niya ay makaramdam niyon. Walang inang gustong makita ang anak na nasasaktan. And she want the best for her daughter. At gagawin niya ang lahat ma-protektahan lang ito.   "Paano kapag nagkita muli kayo at kapag nalaman niya ang tungkol sa anak niyo?" Sunod na tanong sa kanya ni Christian.   Bumuka-sara naman ang bibig niya. Hindi kasi niya alam ang isasagot. Hindi niya kasi alam kung ano ang gagawin kapag nagyari ang isa sa mga kinatatakutan niya. Hindi pa siya handa. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Christian. Mayamaya ay naramdaman niya ang paghawak nito sa magkabilang-balikat niya at tinitigan siya nito. "Dapat handa ka sa posibleng mangyari, Gette," wika nito. "Hindi natin alam ang posibleng mangyari pagdating ng araw. Hindi mo alam na baka bukas ay magkita kayo ni Light. After all, maliit lang ang mundong ginagalawan natin."   Kinagat naman niya ang ibabang labi. Tama ito, dapat handa siya. Dahil sigurado siyang hindi iyon ang huling pagkakataon na magkikita sila. Kaya dapat ihanda niya ang sarili, lalo na ang puso sa posibleng pagkikita nila ng dating asawa.   BINAGALAN ni Light ang pagpapatakbo ng kanyang kotse ng madaanan niya ang isang playground. Hanggang sa tuluyan niya iyong hininto. Hindi naman siya lumabas ng kotse, nanatili lang siya sa loob niyon. Ibinaba lang niya ang bintana niyon at pinagmasdan ang ilang batang naglalaro sa playground. Napangiti si Light nang mapait habang pinagmamasdan niya ang mga batang masayang naglalaro. Nakabantay dito ang mga magulang ng mga ito. Pinangarap iyon ni Light. Pinangarap niyang magkaraoon ng isang masayang pamilya, kasama ang mahal na asawa at ang mga anak nila. Pero lahat ng pangarap niya ay isa-isang gumuho no’ng umalis ang asawa dahil sa naging kasalanan niya. Humugot nang malalim na buntong-hininga si Light nang makaramdam ang puso niya ng kakaibang kirot, na para bang may malaking kamay na sumasakal do'n. Nagpasya na lang siyang umalis sa lugar para hindi makaramdam ng lungkot. Akma niyang isasara ang bintana ng kotse nang mapatigil siya nang makita ang isang batang lalaki na nadapa malapit sa kinaroroonan ng kotse niya. Binuksan niya ang pinto ng kotse para sana tulungan ang bata pero hindi pa sumasayad ang isang paa niya ng may lumapit ritong isang batang babae. Sa tantiya ni Light ay apat o limang taong gulang ang batang babae. “Ayos ka lang ba, James?” wika ng batang babae sa batang lalaki na ngayon ay umiiyak na. Malambing ang boses nito at mababakas ang pag-alala do'n. “Masakit ba ito?” tanong ng batang babae na ang tinutukoy ay ang sugat sa tuhod ng batang lalaki.   Nagpalinga-linga ang batang babae hanggang sa huminto ang tingin nito sa kanya. Natigilan si Light nang matitigan niyang mabuti ang batang babae. Her face looks so familliar, the girl looks like her... Georgette. Carbon copy ng batang babae si Georgette. Mula sa hugis ng mukha nito, sa ilong at sa labi at sa mamula-mulang pisngi nito. Hindi niya mapigilan ang pagbilis ng t***k ng puso ni Light ng tumayo ang batang babae at naglakad ito palapit sa gawi niya. Napatingin siya sa kamay niya ng hawakan nito iyon. Hindi niya maipaliwanag pero may kakaiba siyang naramdaman ng hawakan nito ang kamay niya.   “Halika po.” sabi nito sabay hila sa kamay niya. Hinayaan naman niyang hilain siya ng bata. Hindi din niya maipaliwanag sa sarili kung bakit parang may mainit na kamay na humahaplos sa puso niya habang hawak ng bata ang kamay niya. It was strange feelings.  “Help mo po siya,” wika nito sabay turo sa batang lalaki. “Please?” sabi nito ng tingalian siya nito, makikita niya ang pagsusumamo sa mata nito.   Saglit din siyang nakatitig sa mukha ng batang babae hanggang sa kumilos siya. Lumuhod siya para magpantay sila ng batang lalaki. Kinuha niya ang panyo sa bulsa ng suot niyang pantalon at pinunasan niya ang dugo sa palibot ng sugat nito. “Blow niyo po.” utos ng batang babae sa kanya sabay yugyog sa balikat niya. Sinunod naman niya ang utos nito. Inihipan niya ang sugat sa tuhod ng batang lalaki. Nasa ganoong posisyon siya ng may lumapit sa kanila.   “James anong nangyari sa `yo?” “Nadapa po siya diyan." ang batang babae na kamukha ni Georgette ang sumagot. Tumayo si Light mula sa pagkakaluhod para bigyan daan ang babae. Mukhang anak nito ang batang lalaki. “`My, masakit po.” sumbong ng batang lalaki sa ina nito. Binuhat naman ng babae ang bata.   “Gamutin na natin para hindi mainpeksiyon, ha.” sabi nito sa anak. Pagkatapos niyon ay binalingan siya nito para pasalamatan.   Isang tango lang naman ang isinagot niya rito. Nang maglakad paalis ang mga ito sa kanila ay binalingan niya ang batang babae. “Hey, what is your name?” tanong niya sa bata. “My name is Georgina po. But my Mama call me Baby Georgie,” nakangiting sagot ng bata sa kanya. Natigilan si Light sa pangalang binanggit nito. Georgie. Iyon kasi ang tawag niya kay Georgette noon. “Georgie?” “Po?” magalang na sagot nito.   “How old are you?” Itinaas nito ang isang kamay nito. “Five po.” “Anong pangalan ng Mama mo?” “Geor— “Georgina.” Hindi na natapos ng bata ang iba pa nitong sasabihin ng may tumawag sa pangalan nito. Sabay silang napalingon ng bata sa tumawag. “Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala.” Lumakad ang bata palapit sa tumawag. "Sorry po, Tita Gwen.” hingi nito ng paunmanhin sa babae.   “Uwi na tayo. Baka hinahanap ka na ng Mama mo.”   “Okay po.” sabi ng bata bago naglakad ang mga ito paalis. Nakakatatlong hakbang lang ang mga ito ng lumingon sa kanya ang bata.   “Ba-bye po,” sabi nito sabay kaway sa kanya. Itinaas naman ni Light ang kamay para kawayan ito pabalik. Strange pero ang gaan ng loob niya sa batang iyon na para bang kilala na niya ito kahit na ngayon lang niya ito nakita. HININTO ni Georgette ang kotseng minamaneho sa parking lot ng kilalang Mall. Bago siya lumabas ng kotse ay tiningnan muna niya ang hitsura niya sa rearview mirror. At nang makitang maayos ang hitsura niya ay kinuha niya ang cellphone at wallet sa dashboard saka siya lumabas ng kotse. Nang masigurong na-lock na ang pinto niyon ay naglakad na siya papasok sa loob ng establishemento. Nagtungo siya sa pangalawang palapag ng Mall kung saan matatagpuan ang kilalang bookstore. Bibilhan kasi niya si Georgina ng crayons nito. Nirereklamo na kasi ni Georgina iyong crayons nitong putol-putol at ang iba’y pudpod na at malapit nang maubos. Nang makarating si Georgette sa bookstore ay agad siyang nagtungo sa mga crayons na naka-display. Kumuha siya nang isa. At dahil nandoon na rin naman siya ay kumuha na rin siya ng coloring books para sa anak. Nang makapili siya ay agad niyang binayadan iyon sa cashier. Nang makabayad ay umalis na siya ro’n. Napahinto siya sa paglalakad nang madaanan niya ang isang kilalang pizza store. Naisipan ni Georgette na bumili ng pizza pasalubong na rin sa anak.   Bitbit niya ang mga pinamili ng lumabas siya ng Mall at nagtungo sa parking lot kung saan niya ipinarada ang kanyang kotse. Akmang bubuksan niya ang pinto sa driver side nang mapahinto siya nang makita ang lalaking lumabas mula sa kotseng nasa harap niya. At parang tumigil ang ikot ng oras kay Georgette nang magtama ang mata nila ng lalaki. Napansin niya ang bahagyang pag-awang ng labi nito habang nakatitig ito sa kanya. “Georgie...” parang may kumurot sa puso ni Georgette nang marinig niyang muli ang boses nito. Ilang taon na ba simula no’ng muli niyang marinig ang boses nito? Limang taon. Halos limang taon na rin ang lumipas. Humigpit ang pagkakahawak ni Georgette sa bitbit niya ng dahan-dahan itong naglakad palapit sa kanya. Sunod-sunod siyang napalunok. “L-light,” banggit niya sa pangalan nito. Lihim din niyang pinagalitan ang sarili dahil sa pagkautal. Light smiled. They’re also longiness in his eyes as he looked at her. “It’s been long time, Georgie. Kamusta ka na?”   Tumikhim siya. Act civil, Georgette. Huwag mong ipakita kay Light na affected ka sa pagkikita niyong muli. “Okay lang naman. Ikaw?” gusto niyang pumalakpak dahil sa pagkakataong iyon ay hindi na siya nauutal. “Okay lang din.” sagot nito habang titig na titig ito sa mukha niya. Bigla naman siyang nakaramdam ng pagkailang sa klase ng titig nito. “Uhm,” sambit niya sabay tingin sa suot na wristwatch. “Sige. Kailangan ko ng umalis. Hinihintay na ako ng ana—.” napahinto siya sa pagsasalita. s**t! Muntik na niyang masabi rito na may anak siya. “H-hinihintay na ako ng friend ko,” kabig niya bigla. May dumaan na pagkaalarma sa mukha ni Light ng buksan niya ang pinto ng driver seat. Parang ayaw siya nitong paalisin. Akmang sasakay na siya sa kanyang kotse ng pigilan siya nito.   “Wait, Geoegette.” Pigil nito, he saw panicked in his eyes. “Yes?”   “Pwede ko bang malaman kung saan ka nakatira?” tanong nito sa alanganing boses. Bahagyang kumunot ang noo niya. “Bakit?” “For old time sake.” “I’m sorry, Light but I can’t tell you,” pagtanggi niya. Napansin niya ang pagdaan ng pinaghalong lungkot at disappointment sa mata nito. “Sige. Mauna na ako.” sabi niya bago tuluyang sumakay ng kotse. Pagkapasok sa kotse ay do’n lang niya napansin na nanginginig pala ang kamay niya. She breath in and out to calm her system especially her heart. And when she calm enough, she started the engine. Binusinaan niya si Light tanda ng pamamaalam saka siya umalis sa lugar na iyon. Hindi napigilan ni Georgette ang sarili na tingnan si Light sa rearview mirror. Nakita niyang nakatayo pa rin ito habang nakatingin ito sa papalayong sasakyan niya. I’m sorry for being selfish, Light. Pero ayokong guluhin mo ang buhay namin ng anak ko. Masaya na kami kahit wala ka sa buhay namin, wika ng bahagi ng isipan. Masaya ka ba talaga, Georgette? O pilit mo lang sinasabi na masaya ka kahit na ang totoo ay nasasaktan ka, nalulungkot, wika naman ng isang bahagi ng isipan. Bumuntong-hininga si Georgette. Kinagat din niya ang ibabang labi para pigilan ang emosyon na gustong kumawala. Pero kahit na anong pigil niya ay kusa pa rin iyong pumatak sa kanyang mata. Mabilis niyang pinunasan iyon. Hininto niya ang kotse sa gilid ng kalsada para pakalmahin ang sarili. Kailangan niya iyong gawin baka maaksidente pa siya. Hindi siya pwedeng maaksidente dahil kailangan pa siya ng anak niya. Pero sa halip na kumalma ay sunod-sunod ang luhang pumatak sa mga mata niya nang maalala niya kung ano ang nangyari sa nakaraan at kung paano sila naghiwalay ni Light. And their bittersweet memories…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD