“Dad! We need to talk,” madiin na sabi ni Mercy sa paglabas namin ng guestroom.
Nakatayo s’ya sa labas ng pinto, nakapamewang, at dikit ang kilay sa nakasimangot na mukha.
“Kamusta ang misa? Ba’t ang aga-aga lukot na mukha mo?” tumatawang sabi ni Louie.
Ako naman ay tahimik lang nakatayo sa likod n’ya, `di makatingin kay Mercy ng diretso.
“Anong ginawa n’yo kagabi?!” diretso n’yang tanong, “Bakit kayo magkasama sa kuwarto mo? Nag s*x kayo, ano?! Dito, sa iisang bubong kung saan nakatira ang dalawa mong anak na dalaga, ang isa, menor de edad pa!”
“Aba, Mercy,” nakangiting sabi ni Louie, “ang galing mo’ng mag-interrogate, mukhang magiging magaling ka nga’ng abogado balang araw!”
“Papa, don’t change the subject!” naiiritang sabi ni Mercy.
“O, Mercy, kagagaling mo lang simbahan, dini-disregard mo na ang 5th commandment!” sabi ni Bless na napadaan sa likod namin.
“Thou shall not steal?” tanong ko habang nagbibilang sa daliri.
“Honor thy father and mother!” pagtatama ni Mercy. “And that does not count dahil `di ko naman magulang si Josh!”
“S-sorry... hindi ko – “
“Josh, it’s okay, ako na bahala rito,” pigil sa `kin ni Louie na may malokong ngiti sa mukha. “So, are you accusing my client of seducing me?” tanong n’ya kay Mercy.
“Exactly! Huling-huli ko na kayo sa kuwarto mo kaninang umaga, at lumabas ka pa na boxers lang ang suot, kaya `wag ka nang magkaila!” pilit ni Mercy.
“So, porket nakita mo kami sa iisang kuwarto, inisip mo na na nagtalik kami? At paano mo nasigurado na si Josh ang umakit sa akin, gayong may posibilidad na ako ang umakit sa kan’ya?”
“Imposible `yun!” pilit ni Mercy. “Alam naman ng lahat na si Josh ang patay na patay sa `yo!”
“So, wala na ba’ng chance na magustuhan ko rin si Josh?” tanong ni Louie. “Besides, you haven’t even heard his side of the story, yet!”
Napatingin si Mercy sa akin. Kung nakakamatay lang ang titig, siguro kanina pa ko duguan at naghihingalo!
“Okay then, Josh, sabihin mo kung anong nangyari kagabi!” utos n’ya sa `kin.
“`Wag mo’ng takutin ang aking cliente,” sabi ni Louie na umakbay sa `kin. “Sige, Josh, ikwento mo ang buong pangyayari.”
“Ano kasi... nag-message ako kay Louie kasi `di ako makatulog, natakot kasi ako sa pinanood nating zombie movie...” panimula ko, ”kaya nagpakwento ako sa kan’ya, kaya lang, kinuwentohan din n’ya `ko ng nakakatakot, tapos biglang, nasa kuwarto ko na pala s’ya, tapos tinalon n’ya ko bigla sa kama...” nag-init ang mukha ko. ”Ayun tuloy... naihi ako sa takot!”
“May I present, exhibits A and B,” sabi ni Louie na itinuro kay Mercy ang sapin at kumot na balak naming dalhin sa labada. ”Josh, please proceed with your story.”
“Ayun...” patuloy ko. “So, sabi ni Louie, sa taas na lang ako matulog kasi nga basa na yung kama... kaya pumanik kami sa kuwarto n’ya...”
“And that, my dear daughter, is what happened,” putol ni Louie sa kwento ko.
“Ha! At malamang may nangyari sa inyo sa taas!” dinuro n’ya ako, “`Wag kang magkaila! Imposible na wala kayong ginawa kagabi!”
“Well... oo naman... medyo...” nahihiya ko’ng inamin. “Pero `di natuloy, kasi masyadong malaki – “
“Okay, too much info, rated G lang dapat tayo.” biglang singit ni Louie. “Bottom line, ako ang pumunta sa room ni Josh at nag-aya sa kan'yang pumunta sa kuwarto ko,” patuloy ni Louie. “So if you want to get angry at somebody, then get angry at me.”
“U-uy! `Wag naman!” agad ko’ng singit! “May kasalanan din ako, since gusto ko rin naman ang nangyari!” pilit ko kay Mercy. “At saka, kailangan mo’ng igalang ang parents mo, `di ba?”
“Ugh... Josh, tumahimik ka na nga muna!” napa-face-palm si Mercy. “So, Papa, sinasabi mo ba na kasalanan mo ang lahat nang nangyari sa inyo kagabi?!”
“Exactly, but we are both consenting adults, so wala akong nakikitang mali doon.”
“At saka, Mercy, mag-on na kami!” pagmamalaki ko sa kan’ya. “Sinagot na `ko ng Papa n’yo kanina!”
“Is that so?” napatingin kami kay Ate Blessing na may dalang grocery bags. “Congratulations, pa!”
“Thank you, Blessing!” sagot ni Louie na humigpit ang kapit sa balikat ko. “Gusto ko nga’ng malaman n’yo na may relasyon na kami ni Josh ngayon.”
“So, kailan ang kasal?” tanong ni Bless na may pilyong ngiti sa mukha.
Nag-init bigla ang mukha ko!
“Well, wala pa naman kaming plano...” sabi ni Louie.
“Ano?! Matapos mong kunin ang innocence ni Josh?!”
Nagulat ako sa biglang pasok ng matining na boses ni Mercy!
“Dapat panagutan mo ang nangyari sa inyo kagabi, Pa!” sabi nito.
“Well, balak ko naman gawin `yun, pero...”
“`Wag mo’ng sabihin na balak mo lang makipag-live in sa kan’ya?!” singit nanaman ni Mercy, “Haggang ngayon ba naman, Pa, hind mo pa rin malimutan si Papa Jonas?! Ginamit mo lang ba si Josh dahil isa s’yang ignorante’ng omega?!”
Biglang nagdilim ang mukha ni Louie.
Akala ko magagalit s’ya.
Akala ko sisigawan n’ya si Mercy at sasabihing wala s’yang balak palitan si Jonas kahit kailan, na wala s’yang balak magpakasal `uli, pero lumapit lang s’ya kay Mercy at pinitik ito sa noo.
“Aray!” reklamo ng bunso n’ya.
“P’wede mo ba ako’ng pagsalitain?” sabi n’ya.
Natameme naman si Mercy na kinukuskos ang noo n’yang namula.
“Si Jonas ang first love ko. Siya ang Mama ninyong tatlo at mahal na mahal ko siya, kaya imposibleng malimutan ko siya,” mahinahon n’yang sagot. ”Pero matagal nang wala ang Papa Jonas ninyo. Tahimik na siya. At dahil life goes on, eto nga at binigyan ako ng tadhana ng bagong pagkakataong magmahal.” Tumingin s’ya sa `kin at ngumiti. ”Si Josh ang nagpakita sa akin na kaya ko pang umibig muli. Pinakita niya na hindi ko kailangan limutin ang Papa Jonas ninyo, para lang magmahal ng iba. Hindi ko siya tinatraydor dahil lang sa may nakita ako’ng bagong partner. Ako lang ang nag-isip noon. Ako na mahigpit ang kapit sa alaala ni Jonas, dahil masyado akong makasarili.”
“Louie...” napakapit ako sa braso ng mahal ko.
“Ngayon, gusto ko nang palayain ang alaala ng Papa Jonas n’yo,” patuloy n’ya. ”Tingin ko, sapat na ang 14 years ng pagluluksa. Oras na para maghanap `uli ako ng magpapaligaya sa akin, at kay Josh ko natagpuan ito. Don’t you think so, Mercy?”
Tahimik lang si Mercy na nakatayo sa harap namin.
Puno ng luha ang mga mata n’ya na pilit n’yang pinipigil pumatak, at basag ang boses n’ya nang magsalita `uli s’ya.
“O-opo...” mahina n’yang sagot.
Nangiti si Louie na hinimas ang ulo ng bunso n’ya.
“Good, thank you for understanding us, Mercy,” sabi n’ya rito. “Now, regarding marriage...” Napatingin s’ya sa `kin! Agad namang nagliyab ang mukha ko!
“Tingin ko, masyado pang bata si Josh, maybe after five or six years – “
“Ha?!” sabay kaming napatanga ni mercy.
“Ang tagal naman nung 5 years!” sabi ni Mercy. “Ano `yun, magli-live in na muna kayo?Ganon?!”
“O-oo nga! `Di ba nang nag-usap kayo ni Doc Eric, sabi mo, hihintayin mo lang ako’ng grumadweyt!” bisto ko sa kan’ya!
“Teka, na meet mo na si Tito Eric?” tanong sa `kin ni Mercy.
“Oo, at pati s’ya nagtaka kung ba’t gusto pa ni Louie itago ang relasyon namin.”
“After graduation?” napa-isip si Ate Bless. “But don’t you want to go to college?” tanong n’ya sa `kin.
“Exactly!” sabi ni Louie, “I meant college graduation!”
“And tagal pa nun!” reklamo ko sa kan’ya. “P’wede naman ako’ng mag-aral kahit na kasal na tayo, ha?!”
“Tama, that way, mas acceptable na kayo, kahit mag-s*x pa kayo buong araw!”
Napatanga ako kay Mercy!
Hindi ko akalain na sa kan’ya pa manggagaling ang suggestion na iyon! Nayakap ko tuloy s’ya sa tuwa!
“Tama, Mercy! Magandang idea `yun!”
“Hey, let go! I was just stating a fact!” reklamo nito na namumula ang mukha.
“So. Let’s set the wedding after your graduation,” sabi ni Ate Bless na mukhang excited na rin sa wedding. “Kailangan mapaghandaan `to ng maayos at ma-plano nang mabuti.”
“Tama!” singit ko.
“Ate Blessing, ano ba magandang handa sa kasal?” tanong sa kan’ya ni Mercy.
“Hmm... let me think of a menu...” sagot ng future panganay ko!
“Teka, teka, plano na agad, `di pa nga ako nakakapag-propose?!” reklamo naman ni Louie na mukhang sinilaban ang namumulang mukha!
“I do!” sigaw ko sabay talon sa kan’ya.
“Don’t worry, dad, we’ll take care of everything!” sabi ni Bless na naghahanap na ng venue sa cellphone n’ya.
Napailing na lang si Louie na nagbuntong hininga.
Basta ako, masaya ako.
Napaka saya.
Hinatak ako ni Louie palayo, papunta sa likod bahay nila kung saan nandoon ang laundry, at iniwang nagpa-plano ang dalawang dalaga niya.
“Sobra, `di ako makapaniwalang si Mercy pa ang magsu-suggest na magpakasal na tayo!” masaya ko’ng sabi habang pinapasok ni Louie ang sapin at kumot sa kanilang automatic washer.
“Hay, ganon talaga `yun, she keeps contradicting herself. Paiba-iba isip, mahirap ispelingin, one time, galit sa `yo, the next time, napaka lambing naman.”
Lumapit sa `kin ni Louie at kinapitan ang mga kamay ko,
“Look, Josh, I don’t want to rush you. Kakakilala pa lang natin sa isa’t-isa, marami pa tayo’ng kailangan malaman tungkol sa `ting mga sarili, getting married too soon... baka pagsisihan mo ito balang araw?”
Napatingin ako kay Louie.
Malungkot ang mga mata n’ya, tulad ng dati, sa mga pagkakataon na binabanggit n’ya si Jonas sa mga usapan namin.
“Louie, nagsisi ka ba nang nagpakasal kayo ni Jonas nang 13 kayo?” tanong ko sa kan’ya.
“Of course not! We were the happiest back then!” sabi n’ya sa `kin.
“At alam ko, hindi rin s’ya nagsisi nang ikasal kayo, even through all those years na magkasama kayo, `di ba?” sabi ko sa kan’ya. “Hanggang sa last time na makasama ka n’ya. Alam ko ang saya-saya pa rin n’ya dahil ikaw ang mate n’ya.”
Natahimik si Louie na tumango lang sa akin.
“Ako rin, Louie, napaka saya ko rin ngayon pa lang na kasama kita nang ganito. Alam ko mas sasaya pa `ko `pag nagkasama na tayo bilang mag-asawa, at kahit pa may dumating na problema sa buhay natin na natural lang naman, alam ko kakayanin natin lahat `yun bilang isang pamilya.”
Ngumiti ako sa mahal ko at yumakap sa kan’ya.
“Louie, masaya ka rin ba dahil mag-on na tayo?” tanong ko sa kan’ya. “O... ayaw mo ba `ko’ng maging asawa?”
Yumakap s’ya sa akin ng mahigpit noon, sobrang higpit, na halos `di na ko makahinga!
“Napakasaya ko rin!” sagot n’ya, “Napakasaya... na natatakot ako na baka may biglang kumuha sa kaligayahan ko’ng ito.”
“Sino naman ang kukuha sa `kin?” tumatawa ko’ng tanong. “At saka, kung ganon ang nararamdaman mo, eh, `di mas mabuti pa magpakasal na tayo, now na!”
“We’ll have to wait a bit.”
Sa tono ng boses n’ya nang sinabi iyon, parang pinipilit n’ya lang ang sarili n’ya.
“Napaka pangit namang tignan na in less than a month, nagpakasal ka sa abogado na humawak ng inheritance case mo,” sabi n’ya. “Siguradong uugong ang bulung-bulungan na pinagsamantalahan ko ang isang bata para makuha ang mana mo.”
“Hmph! Pakielam ko sa kanila,” reklamo ko. “Basta masaya tayo, `yun ang importante.”
Muling nagbuntong hininga si Louie, tapos ay hinarap n’ya ako nang may maamong ngiti.
“Let’s at least wait until you finish highschool, okay?” sabi n’ya.
“Okay,” sagot ko. “Pero, `di ako maghihintay ng kasal para ipakita sa mundo na ikaw ang mahal ko!”
Pagkasabi nito ay inabot ko ang mga labi n’ya at binigyan s’ya ng malalim na halik.
“Well,” hinalikan n’ya rin ako pabalik, “wala rin ako’ng balak gawin iyon.”