“Aveera!” kumaway ako sa kaibigan sa pagbaba n’ya ng canteen galing classroom.
“O, akala ko absent ka?”
“Halfday lang, inatake kasi ako ng heat kahapon habang kasama ko si Louie,” bulong ko sa kan’ya.
“Bakit? Anong ginawa n’yo, ha?” ang gulat ko sa bulong ni Rome na nasa likuran ko na pala!
“Rome naman! Ang takot ko sa `yo!”
Natawa ang kaibigan ko na umupo na tabi ko.
“Ikaw ha, ano ba ang ginawa n’yo at na-trigger ang heat mo?” ulit n’ya na may pang-asar na ngisi sa mukha.
“Wala... nag-kiss lang...” nag-init ang mukha ko. “Hindi ko nga alam na pwede palang ma-trigger ang heat kahit hindi mo kabuwanan, eh.”
“Ganon talaga, lalo na pag type na type mo ang partner mo’ng alpha,” sabi ni Rome na parang expert sa topic na `yun. “Pero s’yempre, `di ka mape-preggy since `di mo naman estrus talaga `yun.”
“Eh, pano naman kung irregular?” tanong ko.
“Ang irregular, pwedeng mabuntis tuwing dinadatnan ng heat nila.” sagot ni Rome. “Minsan nga, two to three times a month sila atakihin, eh.”
“Hmm, parang menstruation din pala `yan, ano?” sabi ni Aveera na kumakain na ng baon ko’ng lumpiang shanghai.
“Oo, Ate Aveera, ang kaibahan lang, hindi kami dinudugo,” paliwanag ni Rome. “Maliit lang kasi ang womb naming mga omega, at hindi kami naghahanda ng matress, nabubuo lang ang matress once may fertilization na.”
“Wow, bakit ang dami mo’ng alam tungkol d’yan?” hanga ko’ng tanong sa kaibigan ko.
“Hindi n’yo ba `to pinag-aralan sa s*x education ninyo nang 6th grade?” tanong n’ya, “Dapat, as soon as maging sexually active ang bata, may alam na s’ya about s*x para `di sila mapagsamantalahan at mabuntis nang `di oras.”
“St. Davies’, remember?” singit ni Aveera.
“Ang sabi lang sa `min dati, once we meet out pairs, we can begin a loving family with lots of healthy children!” tumatawa ko’ng sinabi.
“Wow! Lumpiang shanghai and honey garlic fried chicken! Sarap ng ulam natin ngayon, ha?” nakangising umupo si Jinn sa harap namin. Kumuha agad s’ya ng chicken wing at kinagat ito, dinilaan pa n’ya ang daliri n’ya habang nakangiti sa `kin. “So, anong pinag-uusapan ninyo?”
“None of your business!” sabi ni Rome na mukhang nandiri. “`Wag mong ikapit sa ibang ulam `yang daliri mo, ha? May laway na!”
“Don’t worry, mas malinis pa rin ang kamay ko kesa sa `yo!” binelat ni Jinn si Rome.
“Excuse me, ha, mas malinis pa talampakan ko kesa sa pagmumukha mo’ng alaga sa gluta!”
“I beg your pardon, namana ko po ang flawless skin ko sa Daddy ko’ng model!”
“Pinag-uusapan namin ang tungkol sa heat ng mga omegas,” singit ko para `di na mag-away ang dalawa. “Mas marami ang baon ko ngayon, kaya kain lang kayo,” dagdag ko pa.
“What about omegas?” tanong ni Jinn. “I might know some info, since my mom is an omega, too. Marami ako’ng stuff na alam na only adult omegas know,” pagmamalaki nito.
“Talaga?” s’yempre, bilib agad ako.
“Nako, maniwala ka d’yan!” kantyaw ni Rome.
“Try me!” pagmamayabang ni Jinn.
“Sige nga,” nanguna na ako. “P’wede ba’ng maging permanent ang kagat ng alpha kahit hindi in heat ang omega?” tanong ko.
“Ang dali naman ng tanong mo, Kuya, eh!” sagot ni Rome, “S’yempre hindi! Dapat kalagitnaan ng heat para maging permanent ang marka!”
“Wrong!” bara sa kan’ya ni Jinn, “Hindi lang during estrus pwedeng maging permanent ang alpha mark.”
“Sabi nino?”
“Ang mommy ko, may amiga na nakagat matapos s’yang pikutin ng alpha. Ginamitan daw s’ya ng kung anong gamot para ma-trigger ang heat n’ya, at hindi na nawala `yun kagat kahit pa matagal pa ang dating ng estrus n’ya.”
“Talaga?” nanlaki ang mata ko sa kwento n’ya.
“Ay, nako, Kuya Josh, `wag ka’ng masyadong patola! Hindi magiging permanent `yun kung hindi kalagitnaan ng estrus!” pilit ni Rome.
“Eh, `di `wag ka’ng maniwala kung ayaw mo!” sabi ni Jinn na tuluyang kumain ng shanghai, “Basta’t `pag ikaw na pikot, `wag kang iiyak-iyak sa `kin.”
“At ba’t naman ako iiyak sa `yo? Aber? Hindi dapat iniiyakan ang mga playboy na tulad mo! Palusot ka pa kunwari, magpapaturo kay Kuya Josh, gusto mo lang naman magpa-cute sa kan’ya!”
“Hindi ko na kailangan magpa-cute, it comes naturally, baby!” natawa si Jinn. “Besides, hindi naman nagrereklamo si Josh, `di ba?” ngumiti s’ya sa `kin at nagtaas ng kilay.
“Oo, may relationship na naman ako, eh,” sabi ko sa kan’ya. “Hindi ako affected.”
“Well, good for you!” tuluyan s’yang tumawa. “I only want to learn from you guys, `di ko nman kasalanan kung naturally cute ang bawat kilos ko!” Muli s’yang tumingin kay Rome. “Baka naman ikaw ang may crush sa `kin?” pangungulit n’ya rito.
“Ha! Hindi, noh?” sagot ni Rome na namumula ang mukha. “Ayoko sa mga lalaking puro hangin!”
“Anyway, pwede ba ako’ng magpaturo `uli sa `yo mag-sketch?” tanong sa `kin ni Jinn na tuluyan nang ini-snub si Rome.
“Huu! Paturo nang paturo, wala namang improvement ang sketches, mukha pa ring kinalahig ng manok!” bulong ni Rome sa tabi.
“Ano kamo?” nanlisik ang mga mata ni Jinn na nakatingin sa kan’ya.
“Okay lang, at least gusto n’yang matuto,” sagot ko. “Sige, turuan ka `uli namin after natin kumain.”
Nagpatuloy na kami sa pagkain.
Nasa kalagitnaan ako nang pagsubo nang tumunog ang cellphone ko.
“Sino `yan?” tanong ni Aveera nang makita na lumungkot ang mukha ko.
“Si Yaya,” sagot ko, “Namatay na raw ang tito n’ya sa probinsya, kaya tutuloy na sa lamay ang pagpunta n’ya doon. Baka raw sa Friday pa s’ya makauwi.”
“Ah... paki sabi condolence,” sabi ni Rome.
“Oo, condolence din...” sabi ni Aveera.
“Ayan ba `yung bantay mo lagi?” tanong naman ni Jinn na `di pa nakikita si Yaya Inez.
“Hindi, sina Ate Sol at Mira ang bantay ko sa school. Si Yaya naman ang nag-aalaga sa amin ni Beck.”
“At sino’ng Beck naman `yan?” tanong n’ya.
“`Yung bhebhe rottweiler ko.”
“Ah, mahilig ka pala sa aso? I have an Afghan hound myself named Rapunzelle, and two dalmatians called Backdraft and Fahrenheit, minsan meet up tayo, lets walk our dogs together.”
“Tama, Kuya Josh, ipakilala mo nga si Jinn kay Beck, sigurado ako, matutuwa si Beck sa kan’ya,” sabi ni Rome.
“Tamang-tama, mamayang uwian, gusto mo s’ya ma-meet?” tanong naman ni Aveera. Pareho silang nakangisi kay Jinn na may malaki ring ngiti sa mukha.
“Oo nga, laging kasama si Beck `pag sinusundo ako.”
“Napaka bait ni Beck, napaka cute pa!” dagdag ni Rome.
“Really? I can’t wait to meet him then.”
Paglabas namin nang uwian ay naghihintay nga si Jinn sa lobby ng building namin. Kasama n’ya si Rome and as usual ay mukhang nag-aaway nanaman.
“O, gera nanaman ang dalawa, o.” sita ni Aveera.
“Oo nga, eh, feeling ko nga may nakaraan silang `di maganda,” bulong ko pabalik.
Kuya Josh!” tumakbo papunta sa `kin si Rome at yumakap, muka s’yang maiiyak. “Si Jinn inaaway nanaman ako!”
“What did I do?” nanlaki ang mga mata nang pinagbibintangan n’ya. ”Sabi ko lang naman na `di dapat tumatambay sa Senior building ang mga junior high students!”
Bakit, departure na naman, ha? Wala nang klase!” binelat s’ya ni Rome.
Halika na, labas na tayo para `di ka masita,” sabi ni Aveera.
Pumunta na nga kami sa parking kung saan nandoon ang SUV ko, at si Beck na nakaupo sa may harapan nito, naghihintay sa `kin.
Hello, bhebhe, na miss mo ba `ko?” tawag ko rito.
Lumapit naman agad sa `kin ang bhebhe Beck ko at dinilaan ang kamay ko habang kekembot-kembot ang putot na buntot.
Wow, nice dog, ang laki na pala n’ya!” sabi naman ni Jinn na lumapit dito at nag-abot ng kamay kay Beck para amuyin.
Rrr... bow-wow-wow!” agad napaatras si Jinn.
“Ha! Ang mga aso talaga, malakas ang kutob! Ayaw sa mga salbahe!” sabi ni Rome sa likod n’ya na malaki ang ngisi sa mukha. Sige, Beck, attack!”
Tumahol nga `uli si Beck na lumapit pa kay Jinn, umatras tuloy `uli ito at napakapit kay Rome na biglang kinilabutan!
“Ew! Bitaw!” pinalo nito ang kamay ni Jinn at hinimas ang kan'yang braso.
Beck!” tawag ko naman sa aso ko. “Ikaw talaga, friend ko `yan!”
Bumalik si Beck sa tabi ko at umupo, ngumisi pa `to sa `kin.
“Nakakatakot naman ang aso mo...” sabi ni Jinn na namumula ang mukha.
“Pasens’ya na, ha, for some reason, mainit ang dugo ni Beck sa mga alpha, lalo na kung first time pa lang n’ya sila na meet.”
“Ah, alpha attack dog pala `yan,” sabi ni Jinn na nagtago na nang tuluyan sa likod ni Rome na nakasimangot sa kan’ya.
Natawa naman ako sa joke nya.
“`Di naman, nakikipaglaro lang si Beck, `di ba, bhebhe?” nilamutak ko ang mukha ng alaga ko. ”Sige, mauna na kami sa inyo!” paalam ko sa mga kaibigan ko.
“Okay, pa request kay chef ng Korean bbq bukas, ha?” pahabol ni Aveera.
Sumakay na `ko ng kotse kasama si Beck at nagsend ng message kay Louie, kasama ang selfie namin ng alaga ko.
“Sir,” tawag sa kin ni Ate Sol nang palabas na kami ng parking lot. ”Pinapapunta ka po ni Ma’am sa bahay ng dad mo.”
“Naku,” bigla ako’ng kinabahan, “mukhang ngayon ako pagagalitan ni Mama...”
“Didiretso na po ba tayo doon, o gusto mo munang dumaan sa penthouse?” tanong ni Ate Mira.
“Ano po ba sabi ni Mama?”
“Kayo po magdesisyon, sir.” sabi ni Ate Sol.
“Hmm... sige, diretso na tayo, baka kanina pa ko hinihintay ni Mama.”
Dumiretso na nga kami sa bahay, at pagdating doon, ay nagulat ako sa nakita ko.
“`Di ba kotse ni Louie `yun?” turo ko sa maroon na SUV sa may tabi ng bahay ni dad.
Natuwa ako nang una, hanggang sa maalala ko na balak nga pala ni Louie sermonan si Mama!
`Di kaya nag-aaway na sila sa loob?
Agad ako’ng lumabas kasama si Beck at pumasok sa mansion ni dad.
“Ah, Josh, nandito ka na pala!” Nakangiti ako’ng binati ni Kuya War. “Kamusta ka na? Ang tagal nating `di nagkita?”
Lumapit s’ya sa `kin at mukhang balak ako’ng yakapin, nang ungulan s’ya ni Beck.
’Rrrr’
“Kasama mo pala ang gargoyle mo.” Nawala ang ngiti sa mukha n’ya.
“Nandito ba si Louie?” tanong ko sa kan’ya.
“Sino? `Yung abogado mo? Ang gulat nga namin at biglang dumating,” sabi ni War. “Andoon sila sa den, kasama ng ‘fiancè’ mo.”
“Teka, sinong fiancè?” tanong ko sa kan’ya, “Si Kuya Gio ba kamo?”
“Go ask your mom,” sabi ni War. “S’ya ang pumipili ng lahat para sa `yo, `di ba?”
Iniwan ko si War sa entrance ng bahay nila.
Habang papalapit naman ako sa den, ay lalo akong naiinis sa Mama ko!
Bakit nga ba parang ginagawa n’ya ako’ng puppet?
Kailangan ba talaga, s’ya ang magdikta nang mga gagawin ko?
Kailangan ba s’ya lagi ang magdesisyon para sa `kin?
Makakabuti ba talaga sa `kin ang mga plano n’ya?
Iniisip ko ang lahat nang ito nang umabot ako sa den at itinulak pabukas ang double doors.