Dumiretso kami pauwi sa penthouse. Inalalayan ako ni Yaya sa kuwarto ko since nanlalambot na talaga `ko noon, at tinawagan ang bago ko’ng doctor na recommended ni Louie.
“Ang sabi ni Doc, magpahinga ka lang daw, natural lang sa mga omega na matamlay at the end of the day,” sabi ni Yaya na dinalhan ako ng mainit na clam soup mula sa chef namin.
“Pero... `di naman ako dating ganito...”
“Ganon talaga, gusto mo ba, tuluyan ka’ng mabobo sa matatapang na gamot na iniinom mo noon?”
Umiling ako. Tinulungan ako ni Yaya sumandal sa unan para masubuan n’ya `ko ng soup. Patapos na `ko sa pagkain nang marinig naming tumunog ang doorbell.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain, baka may delivery ang mga kasambahay namin. Nagliligpit na si Yaya nang may kumatok sa pinto.
“Sir, may bisita po kayo.”
“Tuloy, bukas `yan,” sagot ni Yaya.
Bumukas nga ang pinto, at nakita ko si Louie na nakatayo roon at may dalang isang kahon ng cinnamon rolls!
“Louie!” Pilit ako’ng tumayo, pero pinigilan ako ni Yaya.
“Pahinga, `di ba?”
“Tama ang Yaya mo, dumaan lang ako para kamustahin ka, may sakit ka – ?” lalapit sana s’ya nang bigla s’yang matigilan.
“Mukhang napansin mo na,” sabi ni Yaya. “Ngayon ang estrus ni Josh.”
“Ah... sorry... I shouldn’t have come...” napatakip s’ya ng ilong at bibig. “Akala ko... kung ano na’ng nangyari...”
“Pero gusto kita rito!” agad ko’ng sabi bago pa s’ya umalis.
Iniabot ko ang kamay ko kay Louie na tuluyang lumapit sa `kin at kinapitan ito.
“Sabi ko kay Yaya, kaya ko pa’ng pumunta sa office mo... Ayaw n’yang pumayag...”
“Tama lang `yun, kita mo nga, o, mukhang nanghihina ka, ang init pa ng kamay mo...”
Inabot n’ya ang noo ko at kinapitan `yon. Ang lamig ng kamay n’ya... napapikit ako at huminga ng malalim. Ang bango n’ya lalo ngayon...
“Sandali lang at ilalabas ko `tong pinagkainan mo,” sabi ni Yaya na `di ko na napansin dahil na kay Louie lahat ng atensyon ko.
“May masakit ba sa `yo?” Hinimas ni Louie ang buhok ko. Mukhang alalang-alala s’ya sa `kin.
“...nanlalambot lang... saka... parang may pumipiga sa ulo ko...”
Ibinaling ko ang mukha ko sa kamay niya. Gusto ko hawakan pa n’ya `ko sa buo ko’ng katawan!
“Louie, dito ka lang, ha... `wag ka’ng aalis...”
“Hindi ako aalis...” hinalikan n’ya ang kamay ko, at kakaibang init ang gumapang mula rito papunta sa dibidb ko. Kinilig ako, at si Louie naman ay biglang napabitaw sa `kin.
May kinuha s’ya sa kan'yang bulsa. Ang gamot nanaman n’ya... kumuha s’ya ng dalawa at nginalot ito bago lumunok. Napasimangot s’ya, malamang sa pait.
“Okay lang ba... dalawa ininom mo? Suppressant mo yan, `di ba?” tanong ko sa kan’ya.
“O-okay lang... ayon naman `to sa reseta sa `kin ni Doc...” sumandal s’ya sa upuan sa tabi ko, “Sige na, matulog ka na, kailangan mo’ng magpahinga para `di ka matalo ng heat mo.”
“Heat?” napapikit ako, “Ito ba ang heat? Tama... dati, nang unang heat ko, nilagnat din ako, ganito rin ang pakiramdam... parang sinisilaban ako...”
Sinubukan kong tanggalin ang butones ng suot ko’ng pajama top, pero nanlalambot ang mga kamay ko, isa lang ang natanggap ko.
“Louie... patanggal naman... ang init...”
Hindi umimik si Louie kaya muli ako’ng dumilat. Nandoon lang s’ya, nakaupo, nakatitig sa `kin at mukhang pinagpapawisan.
“Naiinitan ka rin?” Tinuro ko ang remote sa aircon. “Pakilakasan naman ang aircon... para `di tayo pawisan...”
Tumayo naman si Louie at nilakasan ang aircon na nasa 10 degrees na. Tapos ay umupo s’ya sa may paanan ng kama ko.
“Ba’t ang layo mo?” nginusuan ko s’ya.
“Sorry, lumalakas kasi ang pheromones mo...”
“Ha? Mabaho ba?” Nag-init ang mukha ko. “Puro pawis na kasi ako, eh...” Muli ako’ng nag-alis ng isang botones. “Kailangan ko’ng magpalit... Louie... pakuha naman ako ng bagong pajamas sa closet ko... please?”
Agad tumayo si Louie bago ko pa matapos ang pakiusap ko. Pumasok s’ya sa walk in closet ko, at lumabas na wala nang coat and tie at nakabukas ang dalawang butones sa leeg. Mukhang nainitan na rin s’ya. Isinabit n’ya yung coat n’ya sa sandalan ng silya at saka lumapit sa `kin para iabot ang kinuha n’yang pajamas.
“Thank you...” aabutin ko sana `to, pero nanlalambot na talaga ako. “P’wede patulong magbihis?”
Biglang napatingin palayo si Louie. Ang pula-pula ng mukha n’ya!
Naku, nahawa kaya s’ya sa lagnat ko?!
Pano kung magkasakit din s’ya?!
“O-Okay ka lang ba, Louie?” nag-aalala ko’ng tanong. “May sakit ka rin ba?”
“W-wala...” Muli s’yang humarap sa `kin, nakakunot ang noo. ”Sandali, tingin ko, kailangan ko nang tawagin ang Yaya mo...”
Pero umupo s’ya sa tabi ko.
“Bakit?”
“You’re in heat... I’m an alpha... delikado `to...”
Kinapitan n’ya `uli ang kamay ko.
“Bakit delikado?”
“Ang pheromones mo...”
Mukhang lalo s’yang pinagpapawisan.
Sinimulan na n’yang tanggalin ang mga butones ng pajamas ko at tuluyang inalis ito. Kinilig ako nang punasan n’ya ng towel ang pawis sa katawan ko. Lalong uminit ang pakiramdam ko, at bumilis ang t***k ng puso ko, hinabol ko tuloy ang hininga ko. Unti-unti namang yumuko sa dibdib ko si Louie na huminga ng malalim.
Naaamoy ko rin s’ya. Ang napaka sarap n’yang cinnamon scent na nahahaluan ng isa pang amoy na napakabango rin. Kahit wala ako’ng gana’ng kainin ang pasalubong n’ya sa `kin, parang gusto’ng-gusto ko naman papakin si Louie ngayon! Naku! Kung nakakagalaw lang ako!
“Kailangan ko nang lumabas...” pilit n’ya, pero `di s’ya gumalaw mula sa pagkakayuko sa tuktok ko.
“Aalis ka na?” kinapitan ko ang mukha n’ya at hinimas `to. “Dito ka na lang... sa tabi ko...”
Bumibilis lalo ang hiniga ko.
“`Wag mo `kong iwan... Louie...”
Lalo ako’ng nag-iinit.
Nanginig ang labi ni Louie.
Pinagmasdan ko `to, pati ang mga mata n’yang titig na titig sa `kin. Tumulo ang pawis niya sa dibdib ko. Ang napaka liit na bagay na `yun ay nagpakilig sa buo ko’ng katawan! Lalo pa s’yang lumapit sa kin. Dinilaan niya ang kan'yang mga labi, ang bibig ko naman ay napabukas, handa nang salubungin ang mga labi n’ya.
Pumikit ang mga mata ko. Lumundo ang kama sa pagsampa ni Louie rito. Ang init ng kamay n’ya na dumampi sa pisngi ko, pero `di kasing-init ng mga labi n’yang humalik sa `kin.
Kumapit sa katawan ko ang mga palad n’ya. Hinimas nito ang dibdib ko at tagiliran, pababa sa `king balakang, kung saan umikot `to sa pigi ko. Umigtad ang katawan ko sa sarap ng mga kapit n’ya. Dumikit ang dibdib ko sa katawan n’ya at nadama ang mabilis na t***k ng puso n’ya.
“Ahh... Louie...” ungol ko sa pangalan n’ya nang humiwalay ang labi n’ya sa `kin para bumaba sa `king leeg.
Hinatak naman ng kamay n’ya ang balakang ko, idinikit sa katawan n’yang kumuskos sa `kin... pareho na kaming sabik.
Hinatak ko ang polo n’ya sa pagkakatuck-in nito at hinimas ang t’yan niya. Dama ko ang bako-bako’ng muscles sa ilalim nito. Kinapa ko rin ang matigas n’yang dibdib.
“Louie...” para na ako’ng mababaliw... ”Let’s mate...”
Biglang natigilan si Louie.
Tumulak s’ya mula sa leeg ko na kan'yang hinahalikan, at tumitig sa akin. Kinagat n’ya ang lower lip n’ya at tumingin palayo!
“Louie, bakit ka tumigil?”
Inabot ko ang labi n’ya. Nagdugo ito sa sobrang diin ng kagat n’ya!
“S-sandali... h-hindi tama `to...”
“Bakit hindi?” nagawa ko’ng umupo at yumakap sa kan’ya. ”Masama ba’ng mahalin kita?”
Hinalikan ko ang labi n’yang nagsugat. Hinalikan `uli ako ni Louie pabalik, at sa bawat halik n’ya, parang lumalakas ang katawan ko na gusto s’yang lapain.
Kumapit ako sa leeg nya. Dinikit ko ang nag-iinit ko’ng katawan sa kan’ya at kumuskos dito. Sumampa ako sa kandungan n’ya, at habang kahalikan s’ya ay nadama ko na namamasa ang gitna ng mga binti ko.
Napaigtad ako nang himasin ni Louie ang likod ko. Bumaba ang isang kamay n’ya sa pigi ko at hinimas rin ito.
“Ahh...”
Bumaba `uli sa leeg ko ang mga halik n’ya. Nanginig ang katawan ko sa sarap. Napaluhod ako sa harap niya. Pinaglalaruan ng mainit n’yang dila ang n****e ko. Kusa namang gumalaw ang balakang ko habang pinipisil n’ya ang magkabila ko’ng pigi.
“Nah! L-Louie...”
Ang sarap ng pakiramdam nito!
Bumilis lalo ang galaw ng balakang ko, at ikiniskis ko sa katawan ni Louie ang matigas ko nang birdie, hanggang sa...
“Nahh!”
Nanigas ang katawan ko at nahulog kay Louie.
Niyakap n’ya naman ako nang napaka higpit. Dama ko ang bilis ng t***k ng puso n’ya, pati ang taas-baba ng dibdib n’ya na nakikipaghabulan sa `kin.
“How are you feeling?” bulong n’ya sa taenga ko nang makapaghabol kami ng hininga.
“...much better...” sagot ko, “Louie... isa pa...”
Hinatak ko pataas ang shirt nya. Gusto ko’ng makita ang hubad n’yang katawan, pero pinigilan n’ya `ko at ihiniga sa kama, tapos at umiwas s’ya ng tingin sa `kin.
“Kailangan ko nang umalis.”
”Pero Louie...” aabutin ko pa sana `uli ang mukha nya, pero bigla s’yang umatras at nahulog sa kama ko!
”L-Louie?” Sinilip ko s’ya sa baba. Agad din s’yang bumangon na nagkakamot ng ulo. ”O-okay ka lang ba?”
”S-sandali! Tatawagin ko ang Yaya mo!”
This time, nagawa na n’yang tumayo at nagpuntang CR bago tumakbo palabas ng kuwarto.
“Louie!” tawag ko sa kan’ya, naiirita, pero `di n’ya `ko pinansin. Bumalik s’ya maya-maya na kasama na si Yaya.
“Nako, ang lamig naman dito!” reklamo ni Yaya pagpasok n’ya, “At nakahubad ka pa!” napatingin s’ya kay Louie at ngumisi. Ang isa naman ay `di makatingin sa amin.
“Yaya, ang init kasi!” dahilan ko.
“`Di bale, tinawagan ko si Doc , ang sabi n’ya, kung hindi mo kaya ang heat, ay p’wede ka pa’ng uminom ng isang tabletas.” Lumapit s’ya sa `kin kapit ang isa pa’ng suppressant pill ko. “Mukha namang umayos-ayos na ang lagay mo.” muli s’yang nangiti at tumingin kay Louie na namumula sa may pintuan. ”Pero uminom ka na rin nito para sigurado.”
Ininom ko na nga ang gamot ko, at naramdamang mabawasan ang init sa paligid. Parang lumabas ang steam sa katawan ko na biglang umimpis. Maya-maya pa ay napipikit na `ko sa antok.
“Louie... d’yan ka pa?” tanong ko bago tuluyan ako’ng makatulog.
“Oo, Josh,” naramdaman ko ang malamig n’yang kamay sa kamay ko. “Nandito lang ako.” at sa wakas, nakatulog din ako ng mahimbing.