Chapter 30

1549 Words
Sayang talaga, `di ako naka-kiss kay Louie! Pero, at least two times n’ya ko hinalikan sa noo! Hi-hi... Ang sweet, sweet talaga n’ya! Sa susunod, gagalingan ko pa lalo para marami ang perfect ko, at ako na mismo ang hahalik sa kan’ya! Kinabukasan, good mood nanaman ako sa pagpasok sa school. Nginitian ko ang lahat nang mga nakatingin sa akin at sa pagdating ng classroom, ay masayang binati ang mga kaklase ko. “Good morning!” Tinignan nila ako at bumalik sa kani-kanilang mga ginagawa. Bakit parang wala’ng bumiti pabalik sa akin ngayon? Dumiretso na lang ako sa seat ko at nakita si Aveera na nakatitig sa `kin. “Anong meron?” tanong ko sa kan’ya na napabuntong hininga. “Nakita mo ba `yung notice sa community board sa baba and online?” “May online community board tayo?” tanong ko. “Hay, Josh, napaka air-headed mo talaga.” Naglabas s’ya ng cellphone at iniabot `to sa `kin. ‘As of today, February 28, Tuesday, participating in the ‘Harem Game’ of all alphas in all year levels will be prohibited.’ “Ah, buti naman, inalis na nila `yan!” masaya ko’ng sinabi, samantalang may narinig ako’ng nagbulungan sa paligid. “Hmph, kabago-bago, ang yabang na!” “Martial Law na ba `to? Pati laro ipagbabawal nila?” “Don’t worry,” sabi ni Aveera nang tignan ko s’ya, “hindi ko rin makita ang sense ng harem game na `yan. Isa lang ito’ng ego trip ng mga alpha na ginagamit ang mga omega na naloloko nila para magpataasan ng ihi. Pero, maraming nagalit dahil nawalan daw sila ng kaligayahan. Particularly the omegas.” “Eh? Mga omegas mismo, ayaw ipatanggal ang harem game?” gulat ko’ng tanong. “Okay lang sa kanila na may kahati sila sa mate nila?” “Well, hindi naman lahat,” sagot ni Aveera, “but remember, polygamy was legalized after the Great Cleansing dahil nagkaroon ng shortage ng mga tao sa mundo. Noon nauso ang omega harems para sa mga mayayamang alpha.” “Oo, pero, nakabawi na ang human population, at ako, ayoko’ng may kahati sa mahal ko, kahit pa s’ya na lang ang natitirang alpha sa mundo! At wala rin akong balak gumawa ng harem kahit pa maging sobrang yaman ko!” “Josh, mayaman ka na talaga, pero wala ka namang ‘say’ doon, since omega ka. Mga alphas lang ang p’wedeng mag-asawa nang marami.” Napatitig ako sa kan’ya. “Ganon?! Napaka unfair naman no’n!” “Well, ganon talaga, although ngayon, kailangan nang magpakita ng assets ang mga alpha para patunayan na kaya nilang bumuhay ng more than one omega mate, bago sila makakakuha ng ibang legal partner na omega. Hindi n’yo ba pinag-aralan `yan sa school n’yo dati?” Napa-isip ako. ”Parang... dinaanan lang namin. Ang sinasabi kasi lagi ni teacher, ‘marriage is a sacred sacrament’, kaya dapat stick to one alpha only.” “Exactly,” sabi ni Aveena. “`Di ba `pag nakagat kayo ng partner n’yo, sa tao’ng `yun na lang kayo p`wedeng makipag mate?” “Oo, dahil sacred ang marriage!” ulit ko. “Pero hindi n’ya sinabing dapat isa lang ang omega mate ng alpha mo, tama ba?” Natigilan ako. Wala ngang sinabing ganoon ang teachers namin. “Basta, I stand by my decision to file a formal complaint against the harem game. Hindi dapat tinatratong collectibles ang mga omega,” pilit ko. Napalakas ata ang salita ko, nagbulungan kasi `uli ang mga classmates namin. “At sino ka naman para pigilan kami?” Pareho kami ni Aveera na napatingin kay Carlos na nakatayo sa tapat namin. “Have you got any idea how many dominant alphas you have pissed off?” patuloy n’ya. “Hindi kami mananahimik na lang basta-basta, ang frankly, hindi mo kami kayang pigilan. Lalo lang magiging interesting ang harem game since pinagbabawal na ito ngayon!” “Ah, dominant ka rin?” tanong ko sa kan’ya. ”Kaya pala mas matapang din ang amoy mo.” Nagtakip ako ng ilong. “Of course, that’s why we’re being treated like royalty!” Kinuha ko sa bag ko ang isang atomizer. Nag-spray ako nito sa paligid ko. “W-what the hell is that?!” tanong ni Carlos na agad lumayo at nagtakip ng ilong. “God, it stinks!” “Uy! Gumagana nga s’ya!” nag-spray ako nito sa sarili ko. “Ano `yan?” tanong ni Aveera na lumapit sa `kin para amuyin ito. “Wala namang amoy, ha?” “Bigay `to sa `kin ni Louie kahapon, gawa raw ng kakilala n'yang scientist. Pampaalis daw ng makukulit na alpha!” masaya ko’ng sinabi sa kan’ya. “Mga dominant lang daw ang nakakaamoy nito dahil sensitive ang ilong nila.” “Aba, at mukhang effective, ha?” napatingin si Aveera kay Carlos na nasa dulo na ng room at masama ang tingin sa amin. “What the hell?!” galit na dinuro ako ni Carlos. “Stop spraying that thing!” “Ah, sorry, ganon ba kabaho? Wala kasi ako’ng naaamoy, `di ko akalain na ganyan ang magiging epekto sa `yo!” Tumayo ako para lapitan s’ya at mag-sorry, pero tumakbo s’ya palayo sa `kin. “Get away from me! Ang baho mo! Damn omega! I can’t breath!” “Mabaho ba talaga? Gaanong kabaho?” `Di ko mapigil matawa, pati na rin ang ibang mga kaklase namin, nagkakatuwaan pa kami nang pumasok si Mrs. Villa para sa first class namin. “Class, settle down.” Napatingin s’ya sa amin ni Carlos na pilit ako’ng pinalalayo. “Carlos, take your seat and stop messing around with Joshua,” sabi nito. “What?! He’s the one messing with me! Hindi mo ba naaamoy ang ini-spray n’ya sa classroom?!” Suminghot ni Mrs. Villa sa ere. “I don’t smell anything. Now take your seats.” “What?!” galit na bulyaw ni Carlos. “Take your seats,” ulit ng teacher namin. Agad naman kaming napaupo ni Carlos. Kilalang terror si Mrs. Villa, titig pa lng n’ya nakaka-nerbiyos na. Naglabas na ako ng gamit ko sa klase, at sa pag lingon ko sa may harap, nakita ko si Carlo na masama ang tingin sa akin. Binelat ko nga s’ya! At least `di na n’ya ko malalapitan pa. Pagdating ng lunch, marami ang masama ang tingin sa `kin, at marami rin ang bulung-bulungan. Mukhang tama si Aveera. Marami nga ang nagalit sa `kin dahil inireklamo ko `yung Harem Game nila. Naisip ko nga, kung `di ko kasama sina Ate Mira at Sol, malamang sinugod na nila ako at inaway. Pero alam ko, nasa tama ako, kaya `di ko sila pinansin! Diretso pa rin ang lakad ko, kahit pa nakaka stress ang mga titig nila at masakit ang mga salita na binubulong nila tungkol sa `kin. ’Pakeelamero, ang epal!’ ’Akala mo kung sino porket Safiro s’ya.’ ’Ang tagal na ng harems, nasira lang dahil sa kaartihan n’ya.’ Masama pa rito, parating na ang start ng estrus ko, kaya maliban sa tinatamad akong kumilos, eh, lalo pa ako’ng nanlambot dahil sa negative vibes galing sa mga schoolmates ko. “Friend, okay ka lang ba?” tanong sa `kin ni Aveera nang matapos na ang huling subject namin. ”Mukhang matamlay ka.” “Oo... ayoko sana magpaapekto, pero, na de-depress talaga `ko sa mga nangyayari. `Di ko akalain na pati `yung mga dating laging bumabati sa `kin, nawala rin lahat, dahil lang sa ginawa ko...” “Haay... ganon talaga, hindi ka naman kasi kilala talaga ng mga `yun, kaya ang dali ka nilang iniwan. `Wag ka’ng mag-alala, bukas, makalawa, babalik din sa dati `yan.” Lalo pang bumigat ang katawan ko pagkatapos ko mag-remedial classes. “Okay ka lang ba, hijo?” tanong sa `kin ni Yaya nang sunduin n’ya `ko nang uwian. “Ngnn...” ungol ko habang nakahiga sa likod kasama si Beck. “Umuwi na lang tayo at mukhang masama ang pakiramdama mo.” “H-ha?” agad ako’ng umupo nang diretso, parang nayugyog tuloy ang ulo ko. ”Okay lang po ako, Yaya! Wala’ng problema!” “Simula ng estrus mo ngayon, `di ba?” tanong n’ya, “Bago pa ang gamot mo, mukhang `di ka pa sanay na isa lang ang iniinom, ngayon lang kita nakitang nanlambot nang ganyan.” “H-hindi ako nanlalambot!” pilit ko, “Medyo bad trip lang ako, kasi, masama ang tingin ng mga tao sa `kin sa school, matapos naming ireklamo ni Louie `yung trip nilang harem game.” “Nako, `wag mo’ng intindihin `yun, `di mo ikamamatay ang mga titig nila, hindi naman sila makakalapit sa `yo,” sabi ni Yaya, habang ako naman ay napahukot sa likod. “Pero, tingin ko talaga, kailangan mo’ng magpahinga, kaya hindi muna tayo pupunta kay Atty. Louie ngayon.” “Haa?” reklamo ko na wala nang lakas na lumaban pa. Nag speed dial si Yaya at kinapitan ang mouth piece n’ya. “Hello, Atorni, si Inez ito, hindi na muna kami dadaan sa office mo, at masama ang pakiramdam ni Josh.” “Yaya naman, ehh...” mukmok ko habang ginagawang unan ang malaki ko’ng aso. “Hindi naman malubha, pagod lang siya. Oo... we will see you tomorrow if he gets better.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD