Chapter 26

2212 Words
About 15 minutes later, nasa isang Italian restaurant na kami na nagse-serve ng authentic Italian pizza at iba pa’ng dishes. Pina-upo pa ni Louie sina Yaya at Ate Mira at Sol sa mahabang mesa namin para sabay-sabay kami’ng kumain. Ako naman ay naiinis at nagmumukmok. Gusto ko rin sana makasama si Louie sa car kanina! Oo nga at bago ang sasakyan namin at ang ganda nito, pero `di ako mapakali kakaisip na magkasama sina Louie at Ivy sa loob ng kotse niya! “Are you going to order your favorite Fiorentina steak?” tanong ni Ivy kay Louie. Kumukulo talaga dugo ko sa kan’ya, kanina pa s’ya kapit ng kapit sa balikat at kamay ni Louie! “I’m going with their lasagna,” sagot ni Loui na tumingin sa `kin. “Masarap ang hand tossed pizza nila rito, puwede ka’ng mamili ng toppings na gusto mo.” “Talaga? Ano ba masarap na toppings?” tanong ko. Bumaling sa akin si Louie at may itinuro sa tinitignan ko’ng menu. “Sa side na ito ang vegetables, dito naman ang meat, dito seafood, pero pumili ka muna ng cheese and sauce...” Habang nagsasalita s’ya ay napatitig ako sa mukha niya. Napaka gwapo talaga ng Louie ko! Ang kinis ng mukha n’ya, at naaamoy ko nanaman ang cinnamon scent n’ya! Nangiti ako. Gusto ko na sana s’yang halikan sa pisngi, nang para ako’ng kinilabutan. Napafocus ang tingin ko lagpas kay Louie at nakita si Ivy na ang sama ng tingin sa akin! Mukha s’yang toro sa mga cartoons na umuusok ang ilong sa galit! Para ba’ng gusto n’ya ko’ng suwagin at pagtatadyakan! Nakakatakot ang itsura n’ya! “Nakapili ka na ba?” tanong sa `kin ni Louie na nakatitig na pala sa `kin! “A-ah... s-sandali!” ibinaba ko ang tingin ko sa menu, umiwas sa mga mata ng witch sa kabila ni Louie. “Ivy, gusto mo rin ba ng pizza?” tanong ni Louie sa kan’ya. “Ah, hindi na, makiki-share na lang ako sa inyo.” Ang landi ng boses n’ya! “Alam mo naman, I have to watch my figure!” “Haha, oo nga, sa edad natin, mabilis na tayo tumaba!” sabi ni Louie na natawa. “Ah...ha-ha... Tama...” napatingin ako kay Ivy na may pilit na ngiti sa mukha. “Let’s also order some white wine to go with the pasta,” habol nito. “Let’s order two large pizzas then, para sa ating lahat.” Ang sarap nga ng pagkain nila doon! Pati si Beck, inorder ko ng steak, tapos ay inorder kami ni Louie ng gellato at tiramisu. Kaya lang, may panira ng mood! Etong si Ivy, ayaw tantanan si Louie ko! Napaka landi! Sinusubuan pa si Louie nang pilit! Dinaan ko na nga lang sa kain ang inis, eh, ako lang ang nakaubos ng isang buong family sized pizza at kalahating platter ng pasta nila. “Would you like some wine?” tanong ni Ivy na bitbit ang bote ng alak na pinabili n’ya kay Louie. “No thanks, kailangan ko pa mag-drive later.” “We can hang out `till dinner, you would be sober by then, sayang naman ito’ng isang bottle kung `di natin iinumin.” “Omorder ka pa kasi, eh,” naiirita ko’ng bulong. Bahagyang nangiwi ang nakakairitang ngisi sa mukha ni Ivy. Narinig ata ako. “You can take it home if you like,” sabi ni Louie, “that’s your favorite vintage, right?” “Okay.” Parang lalong lumaki ang ngiti ni Ivy. Palibhasa nasa libo `yung presyo ng alak na `yun! Nakita ko kanina! “Pahingi na lang ako, `di naman ako mag d-drive, eh,” sabi ko sa dalawa. “Josh? Are you old enough...” “I’m already 19,” naiirita ko’ng binara si Ivy. “Are you old enough to handle alcohol?" patuloy n'ya na may nakakainsultong ngiti sa mukha. Lalo ako’ng na-challenge! Kinuha ko ang baso ko’ng may iced tea, tinungga ang natira rito, at iniabot ito sa kanya. “Josh, I don’t think you’re old enough to drink,” sabi ni Louie. Napatingin ako kay Louie, feeling hurt. As usual, tinatrato nanaman n'ya ako’ng parang bata. “Matanda na ko, alam ko na ginagawa ko.” Nginusuan ko s’ya at tinignan `uli si Ivy. “We’ll, if you insist.” Ngumisi sa `kin si Ivy na parang aso habang nagsasalin ng wine sa baso ko. “That’s enough!” sabi ni Louie, samantalang wala pa man lang sa kalahati ang laman nito! “Konti pa!” sabi ko. Umabot sa kalahati ang alak. “Josh...” sita ni Yaya. “Punuin mo pa.” Hindi ko inalis ang mata ko kay Ivy. “`Wag mo’ng sayangin, mahal `yan,” sabi nito nang mapuno na ang baso ko. “S’yempre naman!” Umismid ako sa kan’ya at inamoy ang aking alak, tulad ng mga nakikita ko sa TV. Tinikman ko ito at ninamnam. Mmm... ganito pala lasa nito, ang pait! Pero may konting tamis din ito, parang softdrinks na may konting espirito, pero medyo mainit sa dibdib paglunok. Kumalat ang init sa katawan ko, at may-maya pa ay para na ako’ng natatawa na ewan. Uminom pa `ko ng marami. Parang grape juice na matapang lang pala `to, eh! “O, dahan-dahan lang ang inom, Josh,” sabi ni Louie na hinimas ang likod ko. “Alam ko!” naiirita ko’ng sagot. “Bakit ba lagi mo ako’ng tinatratong parang bata? nineteen na `ko, hindi na `ko minor de edad!” “I know, Josh, pero baka mabigla ka...” “Saan ako mabibigla? May surprise ka ba sa `kin?” Napatingin ako sa kan’ya. Parang may fog sa kuwarto. Inabot ko s’ya at tinapik sa balikat. Muntik ko pang `di makapitan `to. “`Wag ka’ng mag-alala, alam ko ginagawa ko, hindi na ko bata!” ulit ko bago inumin ang natitirang alak sa baso ko. “Well, mukhang tapos na lahat kumain,” sabi ng nakakairitang boses ni Ivy. ”Shall we go?” “You can go. Bye-bye!” Natawa ako. At least mawawala na ang bruha. Kumapit ako sa braso ng Louie ko at kiniskis ang mukha ko rito. “I’m staying here with my Louie.” “Who’s Louie?” tanong ni Ivy na mukhang tumayo na sa mesa. “Sa `kin, kanino pa,” sagot ko. “`Di ba Louie?” Tumingala ako kay Louie at ngumiti sa kan’ya. Ngumiti naman si Louie pabalik at napahinga nang malalim. “Kita mo na, ayan nga’t mukhang lasing ka na nga.” “Hindi ako lasing. Alam ko ginagawa ko. Hindi na `ko bata.” “Hay, nako Josh, halika na nga at umuwi na tayo,” sabi ni Yaya sa tabi ko na marahan na hinatak ang mga braso ko paalis sa braso ni Louie. “Ayoko, dito lang ako.” Hinigpitan ko ang kapit dito. “Ay, Josh, tama na, at nakakahiya kay Atty. Louie,” singit ni Ivy. “Buti nga sinamahan ka n’ya bumili ng car at nilibre pa kayong lahat sa lunch. Just say thank you, `wag matigas ang ulo.” Napatingin ako kay Ivy na nakatayo sa tabi ni Louie. Ang sama nanaman ng tingin n’ya sa `kin! Para bang may nakita s’yang nakakadiring insekto sa braso ni Louie ko! Lalong nag-init ang katawan ko noon. Umupo ako ng diretso, pero `di ako bumitaw kay Louie, at `di ko rin inalis ang tingin ko kay Ivy. “Isa ka pa! Lahat kayo tinatrato `ko’ng parang bata! Gusto mo lang namang makasama mag-isa si Louie! Bakit mo ba pinagpipilitan sarili mo sa kan’ya, `di mo ba ma-gets na ayaw n’ya sa `yo? Ang tagal mo nang nagpapa-cute, `di ka naman pinapansin!” Namula bigla ang mukha ni Ivy. Nagpigil naman ng tawa si Louie, tapos ay nagtakip ng bibig, tumikham, at tinuktukan ako sa ulo. “Josh, is that any way to talk to someone much older than you?” sumimangot s’ya sa `kin. “Apologize to Atty. Ivy.” “Sorry po, tita.” Muli ako’ng lumingkis sa braso ni Louie. “`Di naman kayo obvious na matanda na,” dagdag ko pampalubag loob. Nagpigil `uli ng tawa si Louie na sinamid. “Anyway, tama si Ivy, it’s already past 2 in the afternoon, alis na tayo since tapos na tayong kumain.” “Ayokong umalis dito.” Lalo ako’ng lumapit kay Louie at yumapos naman sa dibdib niya. Narinig ko’ng sumingasing si Ivy. “The nerve of this kid!” naiirita n’yang sabi, sabay hatak sa braso ko! “Bitaw! Can’t you see you’re making Louie feel uncomfortable?!” sigaw niya. “Ivy, it’s okay...” pigil ni Louie. “No, it is not okay! Tell that brat to get his arms off you!” bara ni Ivy. “Ayoko...” mangiyak-iyak ko’ng sinabi habang nakakapit kay Louei, pero lalo lang niya’ng hinatak ang braso ko. “Aray!” “Ivy that’s enough!” Umikot ang mga braso ni Louie sa `kin. “Atty. Ivy. Please let my ward go.” sabi naman ni Yaya na matigas ang salita. “A-are you crazy? T-this is s****l harassment!” “Not if I’m not against it,” sagot ni Louie. Natahimik ang paligid. Ayoko namang sumilip dahil baka hatakin nanaman ako ni Ivy palayo. Narinig ko na lang ang tunog ng kan'yang heels na mabilis naglakad palayo sa amin. “Sir, your fiancè just left,” sabi ng boses ng waiter na kasabay ng tunog ng mga inaalis na pinggan, “is your son alright?” “She’s not my fiancè,” sagot ni Louie na hinimas ang likod ko. “Can I have our bill, please.” “Josh, wala na si Atty Ivy, pwede ka nang bumitaw kay Atorni,” pang-aamo sa `kin ni Yaya, pero `di pa rin ako bumitaw. “Akin si Louie!” sagot ko sa kan’ya, “Akin `to... `di na ko bata... akin `to...” `Yun lang ang naaalala ko matapos umalis ni Ivy. Sunod noon, nagising na lang ako sa loob ng bago naming kotse kasama si Louei at si Beck sa backseat. Tumigil ang sasakyan at lumabas si Yaya. Nasa bahay na pala kami? ”O, gising ka na?” Muli ako’ng pumikit at nagkunwaring tulog. Nakakapit pa rin ako sa mabangong katawan ni Louie, at ayoko’ng malayo rito. Binuhat ako ni Louie at papasok na sana sa malaking bahay nang pigilan s’ya ni Yaya. “Dito po, Atorni,” tawag sa kan’ya ni Yaya Inez. “Sa likod po ang bahay namin ni Josh.” “Sa likod?” nagtaka s’ya. “Pinagbabawalan po si Josh sa main house, dahil parehong alpha ang kapatid niya, at natatakot ang dad nila na baka magka-rut sila dahil sa omega pheromones niya.” paliwanag ni Yaya. “That’s absurd!” bulong ni Louie na sumunod kay Yaya papunta sa gilid ng bahay, patungo’ng backyard, lampass ng pool kung saan nakadikit na bakod ang maliit na bahay namin. “Dito nakatira si Josh?!” gulat niya’ng tanong. “Dito po kami nakatira, kasama si Beck,” sagot ni Yaya. Ako naman ay sarap na sarap sa pagkakayakap ko kay Louie at nagkukunwari pa ring tulog. “But... there’s only one bedroom, iisa ang living, dining at kitchen, at iisa rin ang bintana! mas malaki pa rito ang ilang apartment na nakikita ko!” “Dati po ito’ng poolhouse, ipina-renovate lang, buti nga nilagyan ng division ang kuwarto ni Josh. Dito ako sa sofa natutulog,” sabi ni Yaya na para ba’ng nagsusumbong kay Louie. “This is unacceptable!” napahigpit ang yakap sa `kin ni Louie, “Hindi tama na sa ganito’ng lugar lang nakatira ang tagapagmana ng Safiro Family! Hindi ba s’ya ipinaglaban ng Mama n’ya?” “Matigas po si Mr. Diaz, wala po magawa si Ma’am Esme. `Di namin kayang lubagin ang utos ni sir.” “Hmph, samantala kung saan-saan sila namamasyal mag-asawa...” bulong ni Louie. Yumuko s’ya sa sofa para ibaba ako, pero mas hinigpitan ko ang kapit sa katawan n’ya. Akoyo’ng umalis sa napakaganda ko’ng pwesto! “Josh, bumaba ka na muna sandali... may tatawagan lang ako...” Umiling ako. Nagbuntong hininga si Louie. Umupo na lang s’ya sa sofa habang kapit ako. Pumwesto naman ako ng maayos sa dibdib n’ya. Ang bango n’ya talaga! “Tatawagan ko ang Mama mo, ililipat kita sa isa sa mga hotels na pag-aari mo sa Makati.” Inabot n’ya ang cellphone n’ya sa bulsa at tinawagan nga si Mama. “Hello, Mrs. Diaz?” mahinahon pa rin ang salita niya, pero may pagkamalakas. “Yes, nakabili na kami ng sasakyan. Yes, it’s a Benz. Oo, maayos naman ang lahat, anyway, I would like to request for your permission to send Josh to one of Mr. Safiro’s hotel buildings in Makati. We are currently... in his little... hut, and frankly, I don’t think it’s fit for him to live in. Kung okay lang po sa inyo – ” natigilan `uli si Louie at narinig ko ang mabilis na salita ni Mama, pero `di ito naintindihan. “Yes... yes... okay, thank you Mrs. Diaz.” mukhang nagkasundo sila. “I’ll take care of everything and get him out of this place by evening.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD