Chapter 25

1358 Words
Excited ako pagpasok namin sa kuwarto! Naaamoy ko ang kakaibang musky scent ni Louie na `di tulad sa mga kaklase ko na masakit sa ilong sa sobrang tapang. Siya pa ang nagtulak sa silya ko papunta sa likod ng mesa n’ya para magkatabi kami. “So. kamusta ang mga quiz mo kanina?” tanong n’ya sa `kin. “Medyo nahirapan ako sa iba! Para naman kasing iba `yung tinuro nila sa nasa mismo’ng quiz!” reklamo ko. “Biro mo, `yung ibang topics na nandoon, nasa chapter 45, eh, nasa chapter 30 pa lang kami!” “Pero alam mo’ng nasa chapter 45 siya?” natawa si Louie. “Buti nagbasa ka in advance.” “Oo nga po, eh,” sumandal ako sa balikat n’ya, “kaya lang, sa Monday ko pa raw makukuha ang results! `Di pa kita maki-kiss ngayon.” Natawa `uli si Louie. Hinimas n’ya ang buhok ko at kinapitan ako sa balikat. “Okay lang, sa Monday, `pag na perfect mo lahat, may special prize ka mula sa `kin!” “Talaga?!” Napaharap ako sa kan’ya. Ang lapit pala n’ya sa `kin! Napaatras s’ya, ako naman, lalong lumapit. “Anong ibibigay mo sa `kin?” tanong ko. “S’yempre, it’s a surprise.” Umiwas s’ya ng tingin at may dinukot sa inner coat niya. “For now, ituloy na lang natin ang pag-aaral mo.” Nagsubo nanaman siya ng blue na pill. Bahagya pa s’yang tumagilid para matago `to sa `kin. “Ano ba `yang iniinom mo, Louie?” nag-aalala ko’ng tanong, “May sakit ka ba?” “Hmm? Wala `to,” tumawa lang s’ya. “Sige, ilabas mo na mga libro mo, let’s go further, para sa susunod na quiz mo, alam mo na lahat nang puwedeng lumabas dito.” Ayaw sabihin sa `kin ni Louie kung ano ang gamot n’ya, kahit pa kulitin ko s’ya. Sa huli, sinabi n’ya antacid daw `to, at `pag makulit daw ako, `di n’ya ko sasamahan bumili ng sasakayan bukas! Bad trip, ni `di ko man lang s’ya na kiss sa cheek dahil baka i-cancel pa n’ya ang date namin. “Yaya, para saan ba ang blue pill?” tanong ko nang pauwi na kami. “Anong blue pill?” “Si Louie kasi may iniinom na blue pill. Alam mo ba kung para san `yun?” “Ah, mukhang suppressant `yun para sa mga alpha. Ang sayo, `di ba pula? Ang anhibitors naman ay dilaw, at ang special suppressants mo naman ay dark red.” “Ah, `yun pala yun.” Niyakap ko si Beck at nanggigil. “`Di na ko makapaghintay sa date namin bukas! Ano kaya magandang isuot? Saan kaya kami pupunta? Narinig mo kanina, pina-cancel n’ya date nila ni Ivy para masamahan ako?!” “Hmm. Ingat ka doon kay Atty. Ivy, nai-kwento sa `kin kanina ni Tina, matagal na pala `yun nagpapacute kay Atty. Louie, mula pa noong mamatay ang asawa niya.” “Ganon na sila katagal magkakilala?” napataas ang kilay ko. “Oo, pero matagal na rin daw sawi si Atty. Ivy, masyado kasing mahal ni Atty. Louie ang late wife n’ya, kaya hanggang ngayon, hindi s’ya nag-e-entertain ng bagong pag-ibig.” “Ganon...” nalungkot ako sa sinabi n’ya. “Eh, `di... wala rin ako’ng pag-asa?” “Ang sabi ni Tina, ’hanggang ngayon’,” ulit ni Yaya. “Ngayon lang daw kasi n’ya nakitang lumabas si Atorni ng office para maghintay sa kliente. Ngayon lang din n’ya nakitang mag-tutor si Atorni ng estudyante, at ngayon daw, lagi nang excited ang boss n’ya araw-araw `pag hinihintay tayong dumating.” “T-talaga?” Sobrang saya ko nang marinig ang balita’ng `yun! “K-kung ganon, ibig sabihin, love na rin ako ni Louie!” “Ayoko’ng mag jump to conclusions,” sabi ni Yaya, “pero mukhang ganon na nga. Kaya, kailangan natin mag-ingat kay Atty. Ivy,” patuloy n’ya. “Ayon kat Tina, mabait lang daw `yun sa harap ng kliyente at ni Atorni, pero sa mga staff tulad n’ya, napaka yabang at maldita daw `yun. Nang-aaway raw `yun ng mga babae at omega na nagiging close kay Atorni, kaya kailangan mo’ng mag-ingat sa kan’ya. Hindi `yun papayag na may ibang makakakuha kay Atty. Del Mirasol.” Hindi ko masyado’ng inalala ang sinabi ni Yaya, masyado kasi ako’ng excited sa date namin ni Louie! `Di nga `ko halos nakatulog dahil sa saya! Kinabukasan, ang aga ko’ng nagising para maghanda. Pumunta kami ni Yaya sa car showroom along EDSA ng 10 am, at napatanga nang makita ko s’ya. Nakasuot lang s’ya ng simpleng jeans at moss green, elbow length, half button shirt na bukas ang dalawang butones sa taas. Shemay! Ang hot n’yang tignan! Napatunganga lang ako habang palapit s’ya at palaki nang palaki ang ngiti sa mukha. “O, ba’t nakatulala ka?” Itinaas n’ya ang panga ko. “Halika, ipapakilala kita sa ahente ko. Alam mo na ba kung anong kotse ang gusto mo?” Tumango ako. Ang bango rin n’ya ngayon! Nakatitig lang ako sa kan’ya habang papunta kami sa gitna ng showroom. “Efren, eto `yung ire-refer ko sa `yo, bigyan mo kami ng discount, ha?” “Opo sir.” Lumapit yung lalaki kay Yaya. “Ano po ba ang hinahanap n’yo, Ma’am?” “Actually, ang amo ka ang naghahanap.” Itinuro ako ni Yaya. “Ah, sir, first car po ba? Ano po gusto n’yo, hatchback? Sedan?” “Ha?” napatingin ako kay Louie. “He’s looking for an armored car, sedan would be nice.” Tumingin s’ya sa `kin. “Or do you prefer an SUV para kay Beck?” “Parang mas maganda SUV... pero, mahal `yun `di ba?” “Don’t worry, you can afford it,” sabi ni Louie, mukhang lumaki naman ang ngiti ni Efren. “Yes, sir, this way po for our best armored SUV’s!” at dinala n’ya `ko sa mga malalaking sasakyan na mukhang mga tanke! “May kasama ba’ng kanyon ang mga `yan?!” Natawa si Efren sa sinabi ko. “Gusto ko sana, `yung sakto lang, para kaya ko imaneho,” dagdag ko. “Gusto ko na rin matuto’ng mag-drive.” In the end, Benz GL class ang napili ko. Ang ganda ng loob nito, 7-seater, kasyang-kasya si Beck. Paalis na sana kami, dala na ni Yaya ang susi sa bagong kotse at pina drive kay Ate Sol ang Lancer namin, nang biglang may tumawag sa `ming likuran. “Lou! What a pleasant surprise!” Agad ako’ng naasiwa nang marinig ang boses na `yun. “Ivy! What brings you here?” Ngumiti sa kan’ya si Louie, “Are you planning to buy a new car, as well?” “Oh, I was just looking around.” Lumapit s’ya kay Louie at pumagitna pa sa `min! “Kamusta na, Josh, I see you’ve bought a new car?” “Oo, katatapos nga lang namin, eh.” Stalker ba `to ni Louie? “Sige po, tita, mauna na kami sa inyo.” Umikot ako sa kabila ni Louie at kumapit sa kanang braso n’ya. “I’ll see you later, Ivy,” paalam sa kan’ya ni Louie, pero biglang kumapit ang bruha sa kaliwang braso ni Louie at dumikit pa rito. “Mind if I tag along? Wala naman ako’ng gagawin buong araw since na ‘cancel’ ang lunch ‘date’ natin, I’m free all day untill our dinner later this evening.” Talagang pinagmatigasan n’ya `yung ‘canceled date’. Mukhang nangungunsensya ang bruha! “Sure, the more the merrier, right?” sabi naman nang manhed na si Louie. “It’s almost 12, saan n’yo ba gusto’ng kumain?” tanong n’ya sa amin. “Pizza!” sagot ko “Italian,” sabi naman ng bruha. “Let’s go to ‘our’ favorite restaurant, malapit lang `yun dito, `di ba?” “You’re right, masarap ang pizza doon,” sabi sa `kin ni Louie. “Let’s go.” Hinimas ni Ivy ang dibdib ni Louie. Napatitig ako sa kan’ya. Tumingin naman s’ya sa akin at ngumiti kay Louie. “Pasabay na rin sa car mo, since I didn’t bring mine along.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD