---
"NANDITO NA TAYO," untag ni Farrah kay Paulo. Halos trenta minuto rin ang naging byahe nilang dalawa.
Ang buong akala niya traffic mula Sampaloc Manila hanggang sa Pioneer Mandaluyong kung saan siya nakatira. Maluwag naman ang kalsada, isa rin sa dahilan kung bakit naging maganda ang mood ni Paulo.
"SASAMA ka pa ba sa taas?" tanong ni Farrah sa nobyo.
Kasalukuyan silang nasa lobby ni Paulo.
Ang sabi lang naman nito sa kaniya, idadaan siya para makapagbihis. Ayaw niya rin naman itong sumama pa sa taas at baka mainip lang ito sa kahihintay sa kaniya, pero ayaw niya rin sana itong iwan sa baba dahil baka matagalan lang siya. Hindi naman siya matagal magbihis. Gusto niya lang malaman kung saan ito magiging komportable.
"Okay lang ba kung hihintayin nalang kita rito?" balik tanong nito sa kaniya.
Tumango-tango siya. Mainam na rin kung hihintayin na lang siya nito sa lobby.
"Ayos lang naman. Sandali lang ako, babalik agad ako."
Ngumiti ito sa kaniya, ginulo-gulo ang buhok niya. The best thing about Paulo, sa mga simpleng gestures lang nito. Alam niyang mahal siya ng nobyo at mahal niya naman si Paulo.
Pag ito ang kasama niya, pakiramdam niya nasa maayos ang lahat at wala siyang dapat isipin pa. Pagmamahal lang ni Paulo sapat na para sa kaniya, minsan niya na tinanong ang sarili niya kung makakaya niya bang mawala ang nobyo niya sa kaniya. Isa lang din ang naging sagot nito, hindi niya kaya.
"Happy monthsary, Love," bati nito sa kaniya. Niyakap niya sa beywang si Paulo. Hindi ininda ang ilang taong nandoon. Ang mahalaga sa kaniya, ang sandaling mayroon sila ngayon. Tatlong taon at tatlong buwan na sila ni Paulo at ang pagmamahal niya sa nobyo ay hindi man lang nabawasan at walang makapagbabago rito. Kahit na ang pamilya nitong alam niyang hindi pa rin siya gusto para sa binata. Hindi naman siya nawawalan ng pag-asa, aniya.
"Mahal na mahal kita, Pau," sabi niya nang nagtaas siya ng tingin dito. Kinintalan siya ng mabilis na halik sa nuo niya.
"Mahal na mahal din kita, Farrah---" anito sa kaniya.
Kumuwala na siya ng yakap dito.
"Sandali lang ako ha---"
Mabilis na tumalikod nang magpaalam siya rito. Agad naman siyang nakasakay sa elevator paakyat sa unit niya, para mabilis siyang makabalik kay Paulo.
Masaya ang puso ni Farrah, hindi lang dahil monthsary nila ng katipan, kundi dahil magkasama sila. Malaking bagay para sa kaniya, na wala man lang itong nakakaligtaang sandali--- lalo na sa mga okasyong mayroon silang pinagdadaus na dalawa.
Hindi niya pa alam kung saan sila pupunta, kaya wala rin siyang maisip na maisuot sa lakad nilang dalawa. Hindi niya rin nakuhang magtanong dito.
Bahala na, aniya. Wala naman sigurong pinagkaiba ang mga lakad nila noon sa lakad nila ngayon ng katipan niya. Baka isang simpleng hapunan lang din ito, tulad nang madalas kung saan sila napunta.
Wala man lang siyang naihanda para ibigay kay Paulo. Ang totoo nakalimot siya, hindi niya na lang ipapaalam dito at baka magtampo lang ito sa kaniya.
Kaya pala 'yon na lang ang ayos nito. Nadagdagan ang tuwa ng puso niya, dahil lakad pala nilang dalawa ang espesyal para dito.
Nakarating na si Farrah sa harap ng unit niya. Agad niyang hinagilapa ang susi niya sa bag niyang dala-dala; bigay ito sa kaniya ni Paulo noong unang taon nila bilang magkasintahan. Lahat ng binibigay nito sa kaniya mahalaga, lahat ng 'yon pinakaiingatan niya. Pati na rin ang condo kung saan siya nakatira ngayon, si Paulo rin ang nagbabayad n'on, ang sabi nito sa kaniya malapit na raw silang lumipat na dalawa sa mas maayos na bahay na kinukuha nito para sa kinabukasan nila. Tumanggi naman siya sa lahat ng binibigay ni Paulo, lalo na ang mga mamahaling bagay, nagiging away lang madalas nila 'yon.
The more kasi na tumatanggi siya, pinagpipilitan lang talaga nito.
--
SINUNDAN ni Paulo ng tingin ang papalayong nobya. Pinuno niya ng hangin ang dibdib niya, masaya naman siya para kay Farrah. Simpleng babae lang ito, walang kahit na ano'ng kaarte-arte sa katawan nito. Isa lang talaga ang problema sa kanilang dalawa, ang pagkahilig nito sa pag-ta-tattoo.
Though hindi niya naman ito mababago sa nobya niya. Masaya ito sa ginagawa, wala na siyang magagawa kundi dapat suportahan ang lahat ng hilig nito. Besides wala naman itong inaapakan ibang tao. Maliban nga lang sa mama niya at sa kapatid niyang si Pauline.
Napakibit-balikat siyang umupo sa waiting area. Hindi na siya sumama rito dahil alam niyang magtatagal lang silang dalawa. Alas-sais ang reservation niya sa italian restaurant sa Tomas Morato, alas-kwatro na. Iniisip niyang mas mabuting maaga para kung maipit man sila sa traffic. Marami pa silang oras na magkasama.
Naalala niya ang unang araw na nagkita sila ni Farrah, nang makilala niya ito sa Baguio. Ang araw na nagkaroon siya ng convention meeting sa siyudad, kasama ang ilan sa mga colleague niya. Doon niya nakilala si Farrah, kasama ang mga kaibigan nito. Mula noon naging malapit na sila sa isa't isa, isa rin si Farrah sa naging kasama niyang mamasyal sa siyudad. Likas na mabait ang kasintahan niya, wala siyang kahit na ano'ng pweding mapintas dito.
Farrah is also smart. Matapang din ang dalaga. Napangiti siya sa naisip. Ilang taon na rin palang nag-iisa ito sa condo niya.
Hes 28 and Farrah is 27. Nasa second stage na dapat silang dalawa, level-up na dapat ang relasyon nila. Iyon nga lang may mga kailangan pa silang isa-alang-alang. Darating din sila sa stage na 'yon. Hindi naman sila nagmamadali. Ang mahalaga sa kaniya, kung paano makumbinse si Farrah na baguhin ang hilig nito sa bahay. May proseso naman ang lahat, aniya.
Nagkasya siyang hintayin si Farrah sa lobby. He checked his i********: account. Napakunot-nuo siya ng makita ang bagong upload na pictures ni Pauline, kasama ang mommy niya at si Marissa. Naka-uwi na pala ng bansa ang babae, aniya. Family friend nila si Marissa, madalas rin itong nandoon sa bahay nila kung nasa Pilipinas ito. Huling balita niya nasa Paris ang dalaga, hindi niya akalaing nandoon na pala ito.
Alam niya na naman ang mangyayari, aniya. Tulad ng madalas nitong gawin kapag nasa Pilipinas ito, lagi na naman siya nitong guguluhin at ang mahirap ay ang ginagawang pag-reto ng mommy niya sa dalaga. Kasehodang alam naman nito ang relasyon niya kay Farrah.
Napailing-iling na lamang siyang tiningnan pa ang ilang larawan ng mga kaibigan niya, habang wala pa si Farrah. Sigurado naman siyang pababa na naman 'yon, aniya. Hindi naman siya madalas paghintayin ni Farrah kung may lakad silang dalawa. Lalo pa't nasa lobby lang siya.
Isa pang tingin ang pinakawalan ni Paulo sa elevator kung saan pumasok si Farrah kanina, ayaw niya naman sadyain ito sa unit nito at baka magkasalubong lang sila.
Naisip niya nga kung sumama na lang sana siya sa taas. Pero hindi mas pinili niyang magpaiwan, para makapagbihis ito ng mabilis. Sigurado kasi siya na kung sasamahan niya lang si Farrah may kakaibang mangyayari lang sa kanila at baka hindi na sila makaalis pa.
[Saan ka?] Napakunot-nuo si Paulo nang maka-recieve ng text message galing kay Pauline.
[Somehere!] maikli niyang sagot dito.
[Saang somewhere?] reply nito.
Hindi siya sigurado kung kinakailangan pa bang replayan ang mga ito, sa nababasa niyang mensahe sa kaniya ni Pauline, mukhang may binabalak lang yatang hindi maganda sa kaniya ang dalaga.
[Y you keep asking ba?]
[Mommy asking not me, Pao. So, saan ka nga?]
[I'm with Farrah, may date kami. May kailangan ba si mama?] tanong niya sa reply niya sa ate niya. Hindi niya pa sana sasabihin ang tungkol sa lakad ni Farrah, mukhang hindi lang siya titigilan nito kaya kailangan niyang sabihin na.
[Saan daw kayo?]
[You don't need to know, Pau. Basta may lakad kami. And, it's our day. Hindi mo na siguro kailangan malaman pa 'diba?] reply niya.
Hindi na siya nag-abala pang replayan si Pauline. Ayaw niyang masira ang araw na mayroon siya ng mga sandaling 'yon, monthsary nila ni Farrah at iyon lang ang kailangan niyang pagtuunan ng pansin.
Kung sinabi niya kay Pauline kung nasaan sila o kung saan ang balak niyang puntahan kasama si Farrah, hindi lang siguro magiging maganda ang kalalabasan. Kaya mas mainam na hindi niya amin dito, sa ganoong paraan madadala niya si Farrah sa lugar niya na gusto niyang pagdalhan para dito.
Espesyal sa kaniya ang lugar na 'yon, doon kasi madalas dinadala ng daddy niya ang mommy niya kung may mahalagang okasyon ang pamilya nila. Lalo na kung may anibersaryo ng parents niya. Kaya nga doon niya dadalhin si Farrah at gusto niyang maging espesyal din sa nobya niya ang lugar na 'yon.
Trent minutos na ang lumipas pero wala pa rin si Farrah. Sinubukan niya ring tawagan ito, nag-ri-ring lang ang cellphone ng girlfriend niya, iniisip niya na lang na sana naman hindi ito nakatulog at kilala niya ang dalaga. Kapag ganoon malabo nang makaalis silang dalawa.
Gusto niya man umakyat, may kung ano'ng pwersa naman ang pumipigil sa kaniya. Ano ba naman kung maghintay siya ng kaunting minuto na lang.
---
NASIYAHAN si Farrah sa naging ayos niya. Simple lang naman ang gusto ni Paulo--- naka maxi black dress lang siya, tinernuhan ng white flat sandal na bigay sa kaniya ni Paulo n'ong pasko. Napangiti si Farrah sa tattoo na nasa gawing likuran niya. Ito ang unang tattoo na pinaalam niya kay Paulo--- rosary for her is her safety. Nakiusap pa siya ng sobra sa nobyo nya n'on para lang payagan siya, hindi naglaon pinayagan naman siya nito. Iyon nga lang may usapan silang hindi na raw siya uulit pa.
"Ang ganda mo Farrah," puri ni Farrah sa sarili niya. Maganda naman talaga siya, hindi lang dahil sa sinabi ni Paulo o ng iba pang nakakilala sa kaniya. Pero para sa kaniya, may gandang hindi nakikita sa panlabas si Farrah. Ang laman ng puso niya ang mas lalong nagpapaganda sa kaniya. Madals din yong sabihin sa kaniya ng nanang niya.
Pinuno ni Farrah ng hangin ang dibdib niya, ngayon kailangan niya ng lumabas para puntahan si Paulo. Sabi niya pa naman dito sandali lang siya, ayaw niya rin itong paghintayin at baka mainip lang ito.
Dinampot niya na ang bag niya sa ibabaw ng malambot niyang kama. Isang ikot pa ang pinakawalan niya sa salamin, bago nagpasyang tumalikod na. Kailangan niya ng balikan si Paulo, ayaw niyang maghintay ito ng mahabang oras sa lobby. At baka masira pa ang araw nilang dalawa.
Tatlumput siyam na rin pala sila ng nobyo niya. Matagal na rin halos, pwedi ng pasukin ang buhay mag-asawa. Pero hindi pa naman sumagi sa kanilang dalawa ang bagay na 'yon. Lalo pa't hindi pa maganda ang pagtanggap sa kaniya ng pamilya ni Paulo.
Napatikhim siya sa naisip. Nang masiguradong naka-lock na ang unit niya, agad na tumalima na si Farrah. Hindi niya man alam kung saan sila pupunta ni Paulo. Alam niyang espesyal ito. Wala naman silang selebrasyon sa monthsary nila na hindi naging espesyal. Kung hindi siya dinadala ni Paulo sa Tagaytay, sa Baguio o sa Ilocos. Bumababa silang dalawa sa Batangas sa pribadong resort na pagmamay-ari ng pamilya ni Paulo. Doon masaya silang dalawa--- para sa kanila solo nila ang mundo. Ang lugar na una niyang pinagkaloob kay Paulo ang p********e niya, na kailanman hindi pinagsisihan ni Farrah. Dahil para sa kaniya si Paulo lang ang una at huling magiging lalaki sa buhay niya wala ng iba pa.
Ang Paulo Rodriguez niya, na sa kabila ng yaman nito. Tinanggap siya ng buong-buo, pwera lang syempre ng sariling pamilya nito. Pero pinapangako ni Farrah, na darating ang panahon na matatanggap din siya ng lahat. Sa kabila ng pagpili niya sa nais ng puso niya. Ang pag-ta-tattoo, ang mundong ginagalawan niyang masayang masaya siya. Malayo man sa mundo ni Paulo, alam niya na balang-araw magtatagumpay siya.
Pinapangako ni Farrah. Hindi lang para kay Paulo, kundi sa pamilyang bubuuin nilang magkasama.
Balang-araw.
Pag ang panahon pumanig na sa kanilang dalawa. Hindi siya mapapagod hintayin ang sandaling 'yon.