bc

THE BACHELOR's secret wife

book_age18+
13.6K
FOLLOW
96.3K
READ
dark
drama
tragedy
serious
like
intro-logo
Blurb

MATAGAL ng pangarap ni Farrah Lastimoso ang makilala sa larangan na tinatahak niya. Ang maging isang batikang tattoo artist, kong kaya lahat ay ginagawa niya maabot lang ito.

Kahit pa na tutol sa kaniya si Paulo Rodriguez, ang bilyonaryo niyang nobyo. Pinapangako ni Farrah sa sariling maaabot niya ang nais niya, makikilala siya sa buong bansa bilang isa sa pinakamagaling sa pag-ta-tattoo.

Hindi ininda ng dalaga, ang pagkakadisgusto ng pamilya ni Paulo. Wala raw siyang mararating, wala raw siyang kinabukasan.

Ang mahalaga sa kaniya si Paulo at ang talento niya, kahit marami pang hahadlang sa paligid niya.

Pinili siyang pakasalan ni Paulo, kahit na hadlang ang mga magulang nito. Tinago nila ang pagsasama sa lahat at pinagpatuloy ni Farrah ang nais ng puso niya. Patutunayan niya sa pamilya ni Paulo na karapat-dapat siya dito, na matatanggap din siya ng mga ito, hindi ang nais ng mga ito para sa nobyo.

Lihim silang nagsama ng asawa. Buong puso't kaluluwang pumayag si Farrah sa set-up nilang dalawa, hangggang sa matanggap siya ng pamilya.

Hanggang kailan tatanggapin ni Farrah ang lihim na pagsasama nila nila ni Paulo?

Hanggang kailan niya ipaglalaban ang nais ng puso niya?

Hanggang kailan siya magbubulag-bulagan na bukod sa kaniya, may isang Marissa na inuuwian ang asawa.

Sino nga ba sa kanila ang

"The bachelor's secret wife?'

chap-preview
Free preview
Chapter 1 : Monthsary
CHAPTER ONE "NANDITO ka lang pala. Kanina pa ako tumatawag sa'yo," bungad ni Paulo kay Farrah, nang puntahan siya nito sa studio ng kaibigan niyang si Miggy at July. Hindi na ito nagpaalam sa kaniya at agad pumasok nang tuluyang buksan ang sliding door ng shop na nirerentahan nilang magkakaibigan sa negosyong mayroon ang mga ito. Isa itong tattoo service shop kung saan may mga parokyanong dumadayo para magpalagay ng tattoo sa iba't ibang parte ng katawan ng mga ito. Pinagmasdan niya lang si Paulo; tinanggal nito ang jacket nito at nilagay sa mahabang sofa na nagsisilbing recieving area nila. Nagtaas ulit ito ng tingin sa kaniya at sinalubong niya ng ngiti ang nobyo. "May costumer kasi ako kanina, kaya napaaga ang punta ko rito," sagot niya sa katipan. Inayos niya ang kwelyo nito nang lumapit siya rito. May kakaiba ngayon sa ayos ni Paulo 'yon ang una niyang napansin sa binata. Madalas din itong dumalaw sa kaniya, lalo na pag sinusundo siya. Naninibago lang siya ngayon at mukhang may mahalagang lakad yata ang nobyo niya. "Ang gwapo-gwapo mo naman ngayon, Pau," malambing niyang sabi rito habang inaayos niya ang polo nito. Alam niyang sa ayos nito ngayon, mukhang may mahalagang meeting ang katipan niya. Siguro may deal na naman ito sa isang kompanya kaya napaka-presentable ang ayos nito. Nilingon niya rin ang kotse nito sa labas, dala nito ang mamahaling sasakyan nito. Ang toyota land cruiser na binili ni Paulo, nakaraang taon. Kulay abo ang kotse ng binata, ito kasi ang naging sagot sa kaniya nito noon nang minsan siya nitong tanungin kung ano ang gusto niyang kulay sa bagong kotseng bibilhin nito. Hindi naman pinagkaila sa kaniya ni Paulo na noon pa man, mahilig na talaga ito sa sasakyan. Madalas talaga itong bumibili lalo na pag may maganda itong deal sa kompanya ng pamilya nilang hinahawakan nito. Mula kasi nang mamatay ang daddy ni Paulo, naka-atang na sa balikat niya ang isang malaking responsibilidad, bilang nag-iisang lalaki na rin sigurong natira sa pamilya ng mga Rodriguez; mabuti na nga lang at nandoon naman si Pauline para alalayan siya, ang panganay na kapatid nitong babae. Iyon nga lang tulad ng kwento sa kaniya ni Paulo noon, hindi pa rin sapat para ipagkatiwala kay Pauline ang lahat. Kailangan pa rin siya ng pamilya nila--- ang bagay na mas pinagpapasalamat niya sa pagkakaroon ng isang Paulo sa buhay niya, dahil alam niyang pagdating ng araw may isang lalaki sa buhay niyang responsable na magiging katuwang niya sa lahat ng hamon sa buhay ang kaniyang Paulo Rodriguez. "May lakad ka?" tanong ni Farrah dito. Napansin niyang giniya ni Paulo ang tingin sa paligid, hindi nakuhang sagutin ang tanong niya. Napailing-iling na naman ito sa ilang nakasabit na design nila ng kaibigang si Miggy at July; mga collections iyon ng mga tattoo arts ng dalawang kaibigan niya na binili pa ng mga ito sa iba't ibang lugar sa Pilipinas maging sa ibang bansa kapag nagbabakasyon ang dalawa. Madalas 'yon din ang pinipili ng mga costumers nila para itinta sa mga katawan ng mga ito--- suki man nila o hindi pa. "Iniisip mo pa rin talaga na fit ka sa lugar na 'to, Farrah?" seryosong tanong sa kaniya ni Paulo. Umiwas siya ng tingin dito. Ito na naman sila, naisip ni Farrah--- ni hindi man lang nito sinagot ang tanong niya kung may lakad ba ito. "I love this life, Paulo. Akala ko ba napag-usapan na natin 'to?" turan niya sa kaharap. Umupo siya patabi rito. Hindi na siya nanibago sa biglang tanong sa kaniya ni Paulo. Minsan natatawa na lang talaga siya at mukhang hindi ito nagsasawa sa mga tanong nitong paulit-ulit na lang at lagi niya naman sinasagot ng paulit-ulit din. "Sa akin okay lang. Alam mong walang problema, Farrah? Pero kay mommy at Pauline alam mong hindi okay hindi ba?" untag nito sa kaniya. Nothing change! 'ika nga. Mama na naman at kapatid nito ang dahilan. Napangiting napapailing nalang si Farrah. Wala rin naman kasing bago, pag ito na ang usapan nilang dalawa. Noon pa man hindi na siya tanggap ng nabanggit nito--- hindi naman 'yon lingid sa kaalalaman niya. Umupo patabi sa kaniya si Paulo, walang lingon sa kaniya, binaling ang tingin sa sasakyan nito sa labas. Alam niya ang iniisip ni Paulo, nagpasya siyang huwag na lang pansinin ito--- baka masira pa ang lakad ng nobyo niya. Iyon ang panahong hindi siya dapat makipagtigasan dito, hahayaan niya na lang itong magsalita. "Alam ko naman, Pau. Memorize ko na nga, e," natatawa niyang sabi rito. Tumayo si Farrah, para magsalin ng malamig na tubig mula sa fridge. Ganito siya pag naiinis, dinadaan niya nalang sa tubig ang lahat at alam ni Paulo 'yon. Sa tagal nilang magkasintahan, alam nilang memoryado na nila ang isa't isa. Malaking pasasalamat niya lang dahil kahit gan'oon may mga bagay na hindi sila pagkakaunawaang dalawa--- pinipili pa rin nilang maging masaya. Tiningnan niya si Paulo. Nakaupo pa rin itong napailing-iling sa kaniya. Alam niyang kabisado na rin siya ng nobyo, sa mahigit tatlong taon nila bilang magkasintahan wala na silang naitatago sa isa't isa. Kabilang na rin ang pagdidisgusto sa kaniya ng mga magulang nito. Lalo na ang Mommy Pilar nito at ang nakatatandang kapatid nitong si Pauline, hindi niya naman masisisi ang mga iyon. Kung titingnan lang naman talaga ng mabuti, alanganin siya sa pamilya ng mga ito. Kahit saang anggulo naman, malayong-malayo ang antas ng pamumuhay niya sa buhay na kinalakhan ni Paulo. Mahal lang nila ang isa't isa, iyon lang talaga ang alam niya. Simple lamang si Farrah; nag-iisang anak siya ng mag-asawang magsasaka sa Negros, doon na rin siya lumaki. Mabuti na lang at pinayagan siya ng mga itong lumuwas ng Manila noong nagtapos siya ng kolehiyo. Ayaw pa nga sana siyang payagan ng papang niya at nag-aalala ito sa kaniya sa magiging buhay niyang mag-isa sa malaking siyudad. Pinaglaban niya lang ang gusto nya at walang mangyayari sa kaniya sa probinsiya--- mataas kasi ang pangarap ni Farrah and good thing dahil nakilala nya si Paulo. Napangiti siya. "Para saan ang ngiting 'yan?" nagtatakang tanong ni Paulo. Nahuli pa yata siya nitong nakangiti sa kawalan, dahil sa ala-alang kaniyang binalikan. Si Paulo kasi ang isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay niya, mula ng makilala niya ito at ang pinakamaganda sa lahat ay noong mahalin nila ang isa't isa. Sobra pa sa sobra, aniya. "Ma-le-late ka na yata sa lakad mo," sabi niya pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan nilang dalawa. Hindi niya na sinagot ang tanong nito sa kaniya. "Iligpit mo na ang dapat iligpit, ihahatid na kita sa condo mo." Sinundan ng tingin ni Farrah si Paulo, nang tumayo ito sa harap niya. Napakunot-nuo siya sa turan nito sa kaniya. Alas-dos pa lang ng tanghali may inaasahan pa siyang mga costumer na pupunta sa studio na bilin sa kaniya ni July. Hindi niya pweding iwan 'yon, aniya ng isip niya. Pero matitiis niya bang magalit si Paulo sa kaniya kung hindi niya susundin ang gusto nito? Baka mas lalo lang silang magkatampuhang dalawa. "May session pa kami," sabi niya kay Paulo. Nagbabasakali siyang maintindihan siya nito at kung hindi man wala na talaga siyang magagawa kundi sundin ito. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kaniya. Halatang hindi nagustuhan ang naging tugon niya rito. 'Hindi ka na sana nagsalita pa, Farrah!' kastigo niya sa sarili. "I don't care, Farrah!" anito sa kaniya. Hindi man lang siya nakaimik sa naging tugon nito. Gusto niyang mainis, pero wala siyang magawa. Susundin niya si Paulo, dahil 'yon ang dapat--- damdamin muna nito bago ang damdamin niya. Iyon palagi ang nakatatak sa isip niya, para walang gulo, aniya. Tumalikod na ito at sinundan niya na lang ng tingin matapos pakawalan ang isang malalim na buntong-hininga. Umiiral na naman ang pagiging dominant ng katipan niya. Mahal niya lang talaga ito. Isang buntong-hininga pa ang pinakawalan ni Farrah, bago niya hinubad ang suot na apron at nilugay ang tuwid na hanggang balikat niyang buhok. Sinuklay niya lang ito gamit ang daliri. Kilala niya si Paulo, ayaw na ayaw nito ang pinaghihintay ito. Kung ano ang gagawin niya sa condo niya, wala siyang alam. Kung bakit ba naman kasi pabigla-bigla ang pagdalaw nito sa kaniya at pabigla-bigla rin ang desisyong sunduin siya at iuwi--- hindi pa nga nagsisimula ang araw niya. -- HINDI niya na nagawang pagbuksan si Farrah. Kusa nalang itong sumampa sa sasakyang dala niya. Hes using his land cruiser now--- coding kasi ang madalas niyang gamiting sasakyan pag sinusundo ang dalaga. Isa pa iyon din ang napagpasyahan niya at 'yon ang suhestyon ni Farrah noong nagdesisyon siyang bumili n'on. "Na-lock mo ba ng maayos?" tanong niya rito, nang maayos na itong makaupo't kinabit ang seatbelt nito. Kumindat sa kaniya si Farrah. Ang kaninang inis na nararamdaman niya rito ay biglang naglaho lahat, malambing si Farrah. "Opo, Boss. Maayos na maayos," nakalabi nitong sagot sa kaniya. "Pero hindi na ako nakapagpaalam kina July. Nasa Baclaran kasi sila, bumili ng new needles," sabi nito sa kaniya. "Baclaran? Safe ba 'yon?" tanong niya rito. "Oo naman. Safe na safe naman, hindi naman siya mumurahin lang, Pau. Gusto mo subukan ko sa'yo?" anito sa kaniya. May paglalambing pa sa boses nito. Umiling-iling siya. Alam niyang sinusubukan na naman siya nito. "Huwag mo na ako isali sa trip mo, Farrah," umiling-iling niyang sabi rito. Hindi niya alam kung bakit sa napakaraming magustuhan ni Farrah ang pag-ta-tattoo pa ang nakahiligan nito. Maganda si Farrah, graduate ito sa mataas na paaralan sa Baguio, kahit na laking Negros ito. Nagtapos si Farrah bilang isang interior designer. Ang hindi niya lang naintindihan kung bakit mas nahilig ito mag-tattoo. Ibang design ang nakahiligan ng kasintahan niya. Malaki rin siguro ang empluwensya ng mga kaibigan nitong si Miggy at July na halos buong katawan ng mga ito may tattoo na, at para sa kanila tattoo is art. Ang isa sa pinaglalaban ng dalaga. Binuhay niya na ang makina ng sasakyan niya. Tulad nga ng sabi niya rito, ihahatid niya ito sa condo para makapag-ayos. Gusto niyang i-date si Farrah at mukhang nakalimutan yata nito ang monthsary nilang dalawa. "Galit ka ba sa akin, Pau?" may paglalambing sa boses na nakatingin ito sa kaniya. Hinawakan ang braso niyang nakahawak sa manibela. "Hindi---" "Hindi. Pero parang nararamdaman ko? Hindi naman ako manhid, Pau. Alam kong ayaw mo sa hilig ko, pero wala na akong magagawa masaya ako rito e." Liningon niya ito. Wala na siyang sinabi pa at tulad nito wala na rin siyang magagawa kung ganito na ang boses ni Farrah. Marami lang silang hindi pagkakaintindihan ng dalaga. Pero mahal na mahal niya ang kasintahan niya, dahil bukod sa mga collections niyang mamahaling sasakyan. Wala na siyang gustong pahalagahan pa. "I love you, Pau---" "I love you so much, Farrah," tugon niya rito. ang pagdala niya ng palad nito sa labi niya. "Masaya ako sa ginagawa ko, Pau. At balang-araw makikilal ang girlfriend mo sa buong bansa," nangangarap na naman nitong sabi sa kaniya. Napangiti nalang siya sa harap nito, nang kumindat ito sa gawi niya. Malapit na rin sila sa condo nito sa Pioneer Mandaluyong. Gusto niya lang magbihis ito at agad din silang aalis para kumain sa labas. He want this night be special at pagkatapos ng dinner date nila. Alam niya ang kasunod na gusto niyang mangyari sa kanila ni Farrah. Halos ilang linggo na ring hindi niya solo ang dalaga, dahil sa ilang gatherings at meeting na kailangan niyang daluhan. Bilang isa sa mga real state owners ng bansa sa iba't ibang sulok ng Pilipinas--- ang negosyong namana niya pa mula sa mga magulang. "Happy monthsary, Love," aniya ni Farrah sa kaniya, nang ibaba nito ang palad sa pang-ibabang parte ng katawan niya sa gitna ng hita ng pantalong maong suot niya. "Naalala mo?" tanong niyang hindi inaalis ang tingin sa harap ng daan. Ramdam niya ang pagbaba at taas na himas ni Farrah, bagamat may suot siyang pantalon. Naramdaman niya ang pangangalit ng sandata niya sa loob. "Palagi naman, Pau... Hindi ko magagawang kalimutan," malambing nitong tugon sa kaniya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
89.6K
bc

His Obsession

read
96.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
152.8K
bc

You Fix My Heart

read
21.4K
bc

The naive Secretary

read
65.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
12.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook