Chapter 7: Nowhere to Run Pt.2

1179 Words

"EON?" Napatayo nang tuwid si Rita, habang ang lalaki naman ay walang lingon-likod na dumeretso sa pinakaloob ng silid — kung saan wala siyang matanaw dahil sa malaking pader na nakaharang. At hindi rin lingid sa pandama ni Tasha ang bungisngisan ng mga babaeng kasama. "That's him," bulong ni Rita sa kanya. "Eon's eldest brother, Enzo Zavala." Nagpatuloy ito sa paggalugad sa ibabaw ng desk. "Rita!" sigaw ng lalaki sa mula loob, mayamaya. Lalong nataranta ang babae. "Yes?" Halos nagulo na ang ibabaw ng desk nito. Ilang hawi pa sa mga kagamitang naroroon ay nahanap na nito ang hinahanap: isang papel. Sinulyapan pa muna siya nito — na para bang binibigyan siya ng isang babala — bago dali-daling pinuntahan ang lalaki. Iritableng bumuntong-hininga siya. Ngayon pa lang ay kinita-kita na ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD