Chapter 6: Nowhere To Run Pt.1

1683 Words

IT WAS just four in the morning; the surroundings were still dark. Tasha swallowed hard as the private helicopter took off. Wala si Rita. Wala rin si Eon noong siya ay magising kanina. Nauna na raw ang mga ito sa Isla Ruiz. Ang tanging nabugaran niya ay ang cellphone na ibinigay ni Eon, at mga bodyguards na nasa labas ng kuwarto ng hotel na tinuluyan. Dapat sana ay dederetso na sila sa isla noong sila ay makarating sa airport kahapon nang alas singko ng hapon. Ngunit biglaan ang pagbuhos nang napakalakas na ulan. Sa pagod, at marahil dahil na rin ilang taon siyang puyat kakatrabaho at kakalako ng balut sa gabi, hindi pa isamang nadala siya sa ganda ng kuwartong inokupa, nakatulog siya nang dose oras. Sino ba naman ang hindi? Napakalayo niyon sa masikip na bahay nila sa Trece Martires.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD