Chapter 27: Caught Up

1866 Words

TATLONG araw ang lumipas. Hanggang sa puntong iyon, hindi pa rin nakakausap ni Tasha ang tiyuhin. Pero nakausap niya si Eon. Sumunod ito sa pad ni Enzo noong madaling araw na nabugaran nila ito sa opisina. Binanggit niya sa lalaki na nais niyang makausap ang tiyuhin, pero ang isinagot sa kanya: nasa Mexico raw ito, inaasikaso ang negosyo. Hiningi rin niya ang numero ng matanda, ilang beses na tinawagan. Nagpadala rin siya ng mensahe ngunit walang sagot. Hindi na siya namilit, hinayaan na lang niya. Ang totoo, hindi siya nababahala. Ang tanging nais lamang niya, malaman ang tungkol sa tunay na ina. Hindi siya nababahala dahil nasa maayos naman ang pamilyang naiwan sa Pilipinas. Ilang beses niyang naka-video chat ang kapatid at si Diana. Maayos na ang kundisyon nito, halata iyon sa mukha.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD