Chapter 39: Kairo Darwish Pt. 2

1651 Words

"SANA . . . sana ako na lang si Kuya." Pinilit ni Tasha na kumurap. Noon lang niya napagtanto ang nalalanghap na amoy ng alak. "E-Eon, b-bitiwan mo ‘ko." Bumuntong-hininga ang lalaki. Saglit pang pinisil nito ang kamay niya bago ito bumitiw. Bagaman isinilid nito ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng walking shorts na suot, nanatili itong nakatalikod sa kanya. "I'm sorry, I just got carried away." Mahihimigan ng pait ang mahinang pagtawa nito habang sinasabi iyon. Napaatras siya ng tatlong hakbang. She couldn't find her words. Ni hindi siya makapag-isip sa kasalukuyan. "About Enzo, he's been here for almost four hours. He's just been getting drunk at the lounge," pagkasabi niyon, hinarap na siya nito. Tila hindi na pinag-ukulan pa ng pansin ni Tasha ang sinabi ni Eon; iyong kalituhan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD