KUMUNOT ang noo ni Tasha, kapagkuwan, maliit itong ngumiti. "I don't think we have met before, sir." Saglit siya nitong sinulyapan saka muling tumingin sa matanda. "'Cuz I just arrived he—" "Uncle Andrés!" Ang eskandalosong boses ng kapatid ang pumutol sa pagsasalita nito. Papunta ito sa gawi nila, mararaanan ang daan kung saan nakatayo si Tasha. Sa kung anong dahilan ay sumakit na naman ang sentido ni Enzo. Saglit na hinawakan ni Eon sa balikat ang babae bago ito lagpasan. 'Di na nagawa pang matyagan ni Enzo ang pagyakap ng kapatid kay Andrés, napako na lamang ang tingin niya sa papalayong pigura ni Tasha. Her curves were undeniably prevailing through the fitted dress she was wearing. Those lingerie belt around her firm legs gave more highlights on how long-legged she was. Halatang h