Chapter 4: Between The Devil and The Deep Blue Sea Pt.1

1476 Words
July 2001, somewhere in Las Vegas . . . "I-I CAN'T TAKE this a-anymore, Lorenzo," nanghihinang daing ng nakababata niyang kapatid. Nakabaluktot itong nakahiga sa isang gula-gulanit na karton. "We should go back to the orphanage instead.'' Pumikit siya nang mariin, saglit na sinulyapan ito saka napatingala sa madilim na kalangitan. Malamig ang sementadong sahig na kinauupuan, maging ang pader na sinasandalan, dahilan para lalong isaksak sa inosente niyang isipan ang mahirap na sitwasyong kinalalagyan. Ang eskinitang iyon na pinagigitnaan ng dalawang naglalakihang building — sa makasalanang lugar na bahagi ng Las Vegas — ang nagsilbing tirahan nilang magkapatid sa lumipas na tatlong araw. Tumakas sila sa orphanage dahil hindi niya kinaya ang kalupitan ng tagapamahala. Palibhasa, anak sila ng isang drug lord. Palibhasa ay apo sila ni Loreto Zavala, isa sa mga leader ng Gar-Za Drug cartel na siyang isa sa mga pinakamalaking drug cartel sa buong Mexico. Anim na buwan na ang nakalilipas nang mahuli ang kanilang abuelo at ama sa isang drug raid na naganap sa Los Angeles. Mula noon ay pinagpasapasahan na sila ng mga kamag-anak, dahilan para maubos nang paunti-unti ang pera'ng naiwan ng kanilang ama noong ito ay nahuli ng mga pulis. Hanggang sa ipinasok na sila ng sariling ka-dugo sa isang bahay-ampunan. Doon, naranasan nilang maglinis ng napakabaho at napakaruming banyo gamit ang toothbrush. Doon, nakaranas ang bunsong kapatid ng pambu-bully mula sa mga batang ulila na sa mga magulang. Ayos lang sa kanya na siya ang mahirapan 'wag lang ito. Sa tuwing nakikita niyang nasasaktan ito, doble ang sakit na nadarama niya. Kaya kahit alam niya na magiging ganito ang kahihinatnan nila, nagpumilit siya na tumakas sa bahay-ampunan. He and his younger brother were raised with a silver spoon in their mouth, but they were taught to be a kind-hearted and responsible human being. Yet, they did not expect that the big world outside was going to be so cruel. He missed their old life: iyong walang iniisip na problema, iyong maalwan na pamumuhay. They did not know about their abuelo and father's dirty business. Kaya marahil heto sila ngayon ng kapatid niya — nagdurusa. Kamakailan lang, nabalitaan niyang tuluyan nang nakulong ang kanilang ama at abuelo; twenty years imprisonment. Sa edad niyang labintatlo, hindi pa ganoon kalawak ang kanyang kaisipan pagdating sa ganoong sitwasyon. 'Di yata't nasanay sila sa maginhawang buhay. Paano kaya sila makaka-survive nang ganoon katagal nang wala ang mga taong gumabay at nag-alaga sa kanila simula't sapul? Tila piniga ang puso niya; biglang nagsabay pag-iingay ng sikmura nilang magkapatid. Tatlong araw na silang hindi kumakain nang matino. Tatlong araw na rin silang namamalimos sa daan para maipambili ng tubig at tinapay na siyang sumasapat lamang para sa iisang tao. He groaned as his younger brother whined again. "Just stay there, alright?" Hinubad niya ang jacket at itinalukbong iyon sa nakababatang kapatid. Tumayo siya, naglakad palabas sa eskinita. Hindi pa man, natigilan siya sa paghakbang, sa tapat ng posteng patay-sindi ang ilaw. Dalawang bulto ang naglalampungan sa kabilang pader, 'di kalayuan sa bungad ng eskinita. Tila naramdaman ng dalawa ang presensiya niya. Tumigil ang mga ito sa ginagawa sabay tingin sa kanya. Sa kung anong baliw na dahilan ay itinulak ng babae ang kalampungan. "Just get the f**k in the car, okay!" wika ng babae. Walang nagawa ang lalaking kasama nito, umalis na at iniwan ang babae. Umiiling na nagpatuloy siya sa paglalakad, ngunit sa puntong iyon ay sinalubong siya ng babae. Iiwasan niya sana ito ngunit hinawakan siya nito sa braso. Muli, napatigil siya sa paglalakad. Noon lang niya napansing naka-silver gown ito at may fur-coat na puti na nakasampay sa mga braso. May dala itong clutch bag na kakulay din ng bestidang suot. Mahaba ang kulot na buhok at makapal ang make-up sa mukha. gayunman ay hindi maitatago roon ang mga gatla. Maganda ang katawan para sa edad nito na sa hula niya ay nasa singkwenta na. "I saw you this morning," wika ng babae. Hindi siya kumibo. "Have you eaten yet?" Noon na nito binuksan ang dalang clutch bag, humugot doon ng tatlong pera'ng papel saka iniabot sa kanya. "Here." Naikuyom niya ang kamao. Ilang segundo pa muna ang nakalipas bago niya iyon kinuha mula sa kamay nito. Ngumiti ang babae, marahang pinisil ang braso niya. May kinuha pa itong muli sa clutch bag saka inilahad ang isang card sa harap niya. Bumaba ang paningin niya roon. It was a calling card. "If you need help, call me here." Hindi niya iyon kinuha. Magsasalita sana siya nang may pumaradang puting Limousine sa daan. Bumaba ang bintana niyon, dahilan para lumitaw ang ulo ng isang lalaki. "C'mon, babe! What take you so long!" sigaw nito. Mas bata itong maituturing kumpara sa edad ng babaeng nasa harap niya. Imbes na pansinin ng babae ang lalaking tumawag, dali-dali nitong inilusot ang card sa bulsa ng kanyang pantalon. "May I know your name? So, if ever you would call me, I'd get to know that it was you." Matagal niyang pinag-isipan kung sasabihin ba niya ang pangalan o hindi, ngunit sa bandang huli, tila itinulak siya ng isang sitwasyon na alam niyang hindi nila matatakasang magkapatid. Wala pa man, kung ano man ang lumilikot sa isipan niya habang nakatingin sa mukha ng babae, gagawin niya ito para sa kapatid. Para hindi ito makaranas ng hirap. "E-Enzo . . . Enzo Zavala." ~~**~~ Present-day . . . HUSTONG napamulagat si Tasha, napaupo at lininga-linga ang ulo. Walang rumerehistro sa kanyang utak habang tila tulirong iginagala ang paningin sa paligid. Cherry. Iyon ang nanunuot sa kanyang ilong — ang tanging bagay na naiintindihan niya sa kasalukuyan. It took a while when she realized she was in a room that she had not seen before . . . but no. She had seen this kind of room! May mga lumang magazine sila sa bahay at nakapapanood siya ng mga palabas mula sa maliit at luma nilang telebisyon. Hula niya, nasa isang hotel siya, o 'di kaya, mansyon. Pero ang hulang iyon ay nasagot nang gumawi ang pansin niya sa pinakadulo ng kuwarto. Bahagyang nakahawi ang kurtina roon, siyang nagbibigay-liwanag sa hindi kadilimang silid, dahilan para mapagtanto niyang nasa mataas na lugar siya. Buildings were peaking from afar through the glass wall. The room was painted in cream, large LED TV was pinned on the wall in her front. Four built-in lampshades were placed in every corner. Black nightstands were at the sides of the king-sized bed where Tasha was sitting. A bunch of flowers that were placed in vases was scattered on every surface across the room. Lastly, the floor was carpeted in velvety red, making her land her gaze at the clothes that were folded at the edge of the bed . . . clothes she had worn before someone kidnapped her! Her school uniform! Tiningnan niya ang sarili, ibang damit na ang suot niya. Nakabestidang puti na siya! Noon na sumikdo nang husto ang dibdib niya, napatalon pababa mula sa kama at akmang tutungo sana sa pabukas na pinto. Natigilan siya sa kinatatayuan. "Oh, thank goodness you're awake," anang babae, ngiting-ngiti na para bang nakahinga ito nang maluwag. The woman was tall: 5"10, and curvy. A brunette that had a pixie haircut. But the fair complexion and the accent of her speaking was enough for Tasha to figure out that she was a foreigner. "Who are you? Why am I here? Where am I?" derederetsong tanong niya. Her body tensed a bit, the same as a boxer that was ready to kick or to punch somebody. Mahinang tumawa ang babae. "Don't worry, nobody's gonna hurt you." Mabilis na hinila siya nito sa kamay palabas ng silid. "C'mon, I know you're starving." Hindi na nagawang makapagsalita ni Tasha. Kung ano ang ikinaganda ng kuwarto, mas maganda ang living area. It was a studio type room dahil naroroon din ang kusina. Kumunot ang noo niya, walang ibang tao kung 'di sila lang dalawa. "Nasaan tayo?" aniya nang marating nila ang kusina. Umupo siya sa isang stool na nasa harap ng kitchen counter. Bago buksan ng babae ang fridge ay nginitian siya nito. "We're still here in Manila. Mukhang napasarap ang tulog mo, it's almost nine in the morning." Nagdikit ang kilay niya, hindi na inintindi ang huling sinabi nito. Still? Muli, tumawa ang babae. "I know what you're thinking. Don't worry, nakakapagsalita rin ako ng Tagalog." Naglabas ito mula sa fridge ng pitsel na naglalaman ng orange juice, saka iyon ipinatong sa kitchen counter. "I can speak forty languages because I have to." Hinarap nito ang dining table at may kinuha roon. Kung tutuusin, hindi niya iyon naisip. Gayunman, tumango-tango siya. Saka lang kumalam ang sikmura niya nang hainan siya nito ng pagkain. Sa sobrang gutom, hindi na niya nagawa pang magsalita o magtanong. Itinuon niya ang atensyon sa kanin at sa steak sa malaking plato. Pinilit niyang pawiin ang pag-aalala nang pansamantala nang mag-umpisa siya sa pagsubo. Tuloy-tuloy lang siya sa pagkain na sa tuwituwina ay nakapikit ang mga matang napapainom ng juice. Halos wala pang limang minuto, ubos na niya ang laman ng plato. Sa pag-angat ng mukha, muntik siyang mabaliktad sa kinauupuan. Isang lalaki ang nakatunghay sa kanya, nakatalumbaba pa ito sa ibabaw ng counter. "That's quite an appetite, Tasha." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD