JOSEPH’S POV “Ulan, anong nangyari sa ‘yo?” tanong ko nang makita ko siyang lumabas ng banyo na basang-basa. “Nasira ang gripo kaya nabasa ako.” “Tsk! Talagang lahat nabuhos sa iyo? Kulang na lang maligo ka na.” “Umalis na tayo,” wika niya. Tumango ako, tapos hinawakan ko ang kamay niya habang palabas kami ng restaurant. “Bakit hindi ka nag-iingat?” tanong ko nang nasa loob na kami ng kotse. “Hindi ko naman alam na masisira ang gripo.” Bumuntong-hininga ako, tapos hinubad ko ang suot kong tuxedo para ibigay kay Ulan. “Ipatong mo sa damit mo para hindi ka lamigin habang pauwi.” Ngumiti siya. “Salamat, pero hindi ako madadala sa pagiging mabait mo. Bayaran mo ako ng limang libo.” Sumimangot ako. “Hindi mo talaga makalimutan ang utang ko sa iyo.” “Syempre kailangan ko ‘yon dahil