Sumakay kami ni Sam sa pampasaherong sasakyan na ang tawag nila at jeep matapos dumating ang kaibigan niya na si Franco. Tahimik lamang akong nakadungaw sa bintana at dinadama ang hangin na tumatama sa buhok at mukha ko habang nag-uusap sila. Para din itong bus, ang kaibahan ay limitado lamang ang tao na nandito sa loob. Sobra akong namamangha sa mga bagay na nakikita kong dinadaanan namin. Ito yata ang tawag sa pakiramdam ng mga probinsyana na napunta dito sa Metro. Ganito din kaya ang pakiramdam ni Samuel noong una siyang makarating sa lugar namin? Nang tumigil ang jeep sa harapan ng isang simbahan ay kinalabit ako ni Sam para bumaba. Naunang bumaba si Franco na sinundan ni Sam at ako. Muli akong namangha sa laki at ganda ng simbahan na sa tingin ko ay nakatayo na mula pa