Makisig
Sicily, Italy
“Are you sure? You can still change your mind,” sabi ni Daddy sa akin. Tumingin ako sa kanya at napabuntong hininga. I can see his worries for me pero matanda na ako. I am freaking twenty-nine years old, not twenty-one. Well, hindi ko naman siya masisisi if ganito ang nararamdaman niya dahil this is the first time na lalayo ako sa kanya. I want to live on my own. Ayokong maburo at malungkot lang dito sa mansyon. Ayokong makadama ng lungkot dahil wala na si Mommy.
Lumapit si Daddy sa akin at niyakap ako. “Be careful, okay? If you need anything, don’t hesitate to call me,” he said and I nodded.
“Thank you, Daddy,” sagot ko sa kanya. Binuhat ko na ang maleta ko at sabay na kami ni Daddy na bumaba dahil naghihintay na si Alodia sa entrance ng mansion. Pagbaba namin ay naghihintay si Alodia sa may pinto at nang makita niya kami ay mabilis siyang yumakap sa akin at kay Daddy. Nagtaka si Daddy kung bakit hindi nakabihis si Alodia. I mean, hindi siya naka-pustora ngayon. Usually kasi, kapag aalis or may tour na pupuntahan ang girlfriend ko ay palagi itong nakabihis ng magara. She’s a model kasi, that’s why.
“You’re not going with Makisig?” tanong ni Daddy. Tumango naman si Alodia.
“Yes. Unfortunately, I can’t be with Makisig right now. I have projects left here that’s why,” sagot ni Alodia sa kanya.
“I see.”
“Dad, she will follow me after her projects don’t worry,” sabi ko kay Daddy. Nagpalaam na kami sa kanya at sumakay na sa kotse. This time, Alodia is my driver. I am usually her driver pero dahil paalis na ako, she wants to drive me papunta sa airport. Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa airport.
“Promise me to always call me, okay?” she said at tumango ako.
“Of course. I can’t sleep without hearing your voice first,” sagot ko sa kanya. Niyakap ko siya at mabilis ko siyang hinalikan.
“That’s it?” tanong niya at siya na ang humalik sa akin. Lumalalim ang halikan namin dalawa. This is what I love with Alodia, hindi siya nahihiya to show our love kahit pa sa public. She’s a model pero she’s very expressive about our relationship.Kaya na din siguro tumagal kami ng three years and still going strong day by day. Natigil lang kami nang marinig ko na ang flight number ko.
“Goodbye for now, my love,” I said at sa huling pagkakataon ay hinalikan siya.
“Always call me, okay? I will wait for your calls. After I finish all of my projects, I will follow you tthere,” sabi niya. Sa ngayon, magtitiis na muna ako na malayo sa kanya. I need this to myself also, I want a new environment.
I haven’t introduced myself. I am Mikael De Luca. I am a half-Filipino and half-Italian. My mom was a Filipino. Unfortunately, six months ago, she died because of cancer. I am very fluent in Tagalog dahil my mom was a Filipino, as I grow up my nannies were all Filipino. Bibihira lang din talaga na mag-Italian kami sa bahay. After six months, I can’t bear the sadness in my heart mula nang mamatay si Mommy that’s why I decided to go to her homeland—Philippines.
Inayos na ni Daddy ang mga kailangan ko once I get to Philippines. May tutuluyan na akong bahay, and I plan to build a business there. Gusto kong ipagpatuloy ang naumpisahan ng mommy ko sa Italy. Dadalhin ko sa homeland niya ang negosyo ni mommy.
***
“Ladies and gentlemen, welcome to Manila Airport. Local time is 10:26 AM and the temperature is 28 degrees Celsius. Please check around your seat for any personal belongings you may have brought on board with you and please use caution when opening the overhead bins, as heavy articles may have shifted around during the flight. On behalf of Italiana Airlines and the entire crew, I’d like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day stay!”
Napahinga ako ng malalim. This is my first time here in the Philippines. Paglabas ko palang ng eroplano ay ibang-iba na ang simoy ng hangin. Medyo mainit ngayon, maybe because papasok na ang summer sa bansang ito. Paglabas ko sa airport ay nagpahatid ako sa taxi sa nearest hotel. Gusto ko na lang muna magpahinga. Masakit sa likod na thirteen hours akong nakaupo doon sa eroplano.
Nang makarating ako sa isang hotel at nakapag-check in ay mabilis kong ibinagsak ang katawan ko sa kama. I can hear my bones pop dahil sa ilang oras na pagkakaupo. Sa wakas, nailapat din sa kama ang likod ko.
I immediately fished my phone out of my pocket at tinawagan si Alodia. Pero imbes na sagutin ay nagri-ring lang ito. I tried to call her three times pero ring lang ang naririnig ko. Maybe she was busy or she was asleep. I check kung anong oras doon and damn, I forgot na may seven hours difference ang Pilipinas at Italy. Malamang tulog na siya.
Dala na din ng pagod ay mabilis akong nakatulog.
Kinabukasan ay nagising ako na masakit ang ulo ko. Bakit ba kasi nagkaroon ng jet lag. Mabuti na lang may medicines akong dala and I immediately take it. After ng breakfast ay check out na ako and nagpunta na sa condominium unit somewhere in Makati City. Si Daddy ang kumuha nitong unit. Habang nag-aayos ako ng gamit ay nag-ring ang phone ko at nakita ang name ng best friend ko na si Takeshi. Yes, he is half-japanese and also half-Filipino.
“Bro, you’re in Philippines?” tanong niya.
“Yeah. Why?”
“Wala lang naman,” sabi niya and medyo natawa ako dahil sa accent ng pagtagalog niya. Well, he can understand Tagalog but he has difficulty in speaking it. Medyo bulol pa siya but he try his best.
“Pwede ka magbakasyon dito. Oo nga pala, have you contacted the supplier ng mga machines?”
“Ah about that, they need to know when you will need it. Maybe you can have talk with them via video conference,” sagot niya sa akin.
“Sure. I will contact you once I’m ready. I will visit the site where I will build the fasctory.”
“You can do it, bro! I’m sure Kori-Obasan will be proud of you.”
“I hope so, bro.”