Chapter 13

1259 Words
Clea Mair’s Pov “Congratulations, Miss Clea!” Masaya akong sinalubong ng mga katrabaho ko nang makabalik ako sa opisina mula sa Yain City. They held a small celebration to greet me when they learned that I got the approval of Mister Henan to use his port where JFCC’s ship dock. Our office has already received a formal letter from HSL saying that we should start processing all the required papers to transfer all our products from the warehouse we have at Andrius Port to Henan Port. Ang sabi ng superior ko, kasalukuyan nang nasa meeting si Mister Henan at Mister Jyn para sa finalization ng contract sa pagitan ng JFCC at Henan Port kaya posibleng bukas ay maging busy na kami. “I was right to trust you on this project,” masayang sabi ni Miss Mia, ang superior ko. “Alam ko talaga na magagawa mong makuha ang approval ni Mister Henan.” Ngumiti ako. “Thanks for your trust, ma’am.” “You should take it easy for the whole day.” Iniupo niya ako sa swivel chair ko at minasahe ang mga balikat ko. “You did a great job handling this job so the boss said that you should continue handling this until we finally settle down at Henan Port.” Nanlaki ang mga mata ko at lumingon sa kanya. “What?” Malapad ang ngiti niya habang tumatangu-tango. “Sir Rajiv said that they entrusted everything to you since you did a great job convincing Mister Henan without…” Napakamot siya ng noo. “...you know, using your body just like the other company’s representatives that tried to work with Mister Henan.” “So, you can relax all day.” Inilapag ni Len ang tambak na folder sa harap ko. “Dahil tambak ang trabaho natin simula bukas.” Hindi ko inaasahan na sa akin pa din ipatutuloy ang tungkol sa trabahong ito. Akala ko ay tapos na ang involvement ko pagbalik ko dito. Though, I am not really expecting to see Mister Henan. As far as I know, he rarely visits his port and is always busy with his shipping lines . Kaya mababa ang tyansa na muli kaming magkita kahit ako ang mag-asikaso ng paglilipat ng mga produkto ng JFCC sa Henan Port. “Well, I don’t have anything to do now so I will start processing the papers needed for the transfer.” Kinuha ko ang isang folder sa ibabaw ng mesa ko at agad iyong binasa. Pakiramdam ko ay bilang na ang oras na mayroon ako dito sa labas. Sooner than I expected, the elders would probably send someone to take me back to the palace. Kaya bago pa mangyari iyon ay kailangan ko nang tapusin ang lahat ng trabaho ko. Hindi ko iyon pwedeng ipasa sa iba nang hindi natatapos. “Andrius Port is scheduled to close in a month so we have to transfer everything to Henan Port before that day,” I said. “Settling this as soon as possible will let us relax for the rest of the year.” We only have three months before the year ends. I want to at least have a vacation somewhere to enjoy the remaining time I have for my freedom. “Seriously, Clea?” naiiling na sabi ni Miss Mia. “You should at least take a break.” Tumingin ako sa kanya. “To be honest, halos hindi ko na-feel na nagpunta ako ng Yain City para sa trabaho,” sabi ko. “I got the chance to relax there and visit some newly opened food park and bar before I got back here. At gusto ko lang mabawasan ang trabaho natin ngayon pa lang para maging madali ang approval ng leave natin, if ever we choose to take some.” “Oh well,” Miss Mia tapped my shoulder. “That is a good idea. Madalas topakin ang HR sa pag-a-approve ng leave tuwing ganitong season. Rason nila, busy ang lahat ng restaurant dahil sa dami ng customers kaya kailangan na laging puno ang tao dito sa commissary.” “Marami ding shipment ang dumadating kapag ganitong panahon kaya lagi silang nag-a-assign ng tao sa port para mabilis na ma-receive ang mga product at muli nang makaalis ang mga barko,” dagdag ni Len. “Well, we don’t have to worry about that on Henan Port.” Kumunot ang noo ko. “Why is that?” “May sariling tao ang Henan Port na siyang nagre-receive ng mga shipments,” sabi ni Len. “But in our case, we need someone who will supervise when they transfer our product from the ship to the warehouse.” “Oh.” Tumangu-tango ako. “Ibig sabihin ay hindi na natin kailangan na mag-deploy ng tao sa port tuwing may darating tayong shipment.” Ibig sabihin nito ay hindi ako nagkamali na ang Henan Port ang pinag-effort-an ko kaysa sa Scente Port. Maganda ang naging deal sa pagitan ng dalawang kumpanya. It would be a shame if we let this opportunity go. We have to secure this partnership that will last longer. “Then, let’s take care of it as soon as possible.” Inubos lang namin ang pagkain at inumin na inihanda nila. Pagkuwa’y nagpatuloy na kami sa pagtatrabaho. Miss Mia formed another team that will help me with my job. While the rest continue their job to support the restaurants that are under JFCC. Dumadami na ang customers kumpara sa nakasanayan kaya maya’t-maya ang tawag ng mga ito dito sa commissary para mag-place ng kanilang mga kailangan. “Process all of these papers.” Inilapag ko ang mga folder sa table ni Len. “Once it is all approved, we will start transferring our product from Andrius Port to Henan Port.” “We are going to transport it through land?” he asked and looked at me by surprise. “Hindi ba mas magiging madali kung idadaan na lang natin sa dagat?” “It is safer on land,” I said. “Less hassle din at makakaiwas tayo sa problema lalo na ngayong dumarami ang balita ng mga pirata sa paligid ng border natin.” Dahil alam ng parents ko na may kinalaman sa mga inaangkat na produkto ang trabaho ko ay lagi nila akong binibigyan ng impormasyon na may kinalaman sa lagay ng karagatan na tinatahak ng barkong nagdadala ng mga produkto ng JFCC. At ginagamit ko ang impormasyon na ito upang maiwasan ang pagkakaantala ng mga barko dahil sa kaso ng mga pirata. Hindi kasi masyadong natututukan ng palasyo ang karagatang sakop ng teritoryo ng bansa dahil lahat ng hukbo nila ay nakadestino sa border na siyang naghihiwalay sa Hexoria at sa Reveni Empire na nasa bansang timog ng bansa namin. If only I have the chance to take part in my father’s administration, I will choose the job that involves our maritime territory. Para naman kahit paano ay lumakas ang maritime industry sa bansang ito. But sad to say, that will never happen. Hindi kailanman papayag ang mga Azaria na maupo ang isang babaeng tulad ko sa administrasyon ng sinumang hari sa bansang ito. At lalong hindi sila papayag na maging isang pinuno ang babae sa pamilya namin ng kahit anong hukbo ng pwersa ng bansa. “Anyway, I need a new team that will take care of the incoming ship that will deliver the last order that we made,” I said. “Inform Miss Mia about that matter.” Tumango siya. “Okay, I will handle that.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD