NAGING mabilis ang paglipas ng mga araw, ni hindi halos napansin ni Isla na isang buwan na ang lumipas mula nang tanggapin niya si Vincent bilang nobyo at maging sila. At katulad ng napagkasunduan nilang dalawa nang gabing mag-usap sila, hiningi ng binata ang permiso ng kanyang ama upang payagan siya nito na magsabay sila sa pagpasok sa eskwelahan at maging sa pag-uwi narin. Parehong masaya sina April at Renz nang ipaalam niya sa mga ito ang tungkol sa kanilang dalawa ni Vincent. Pero syempre ipinaalala rin niya sa dalawa na walang pwedeng makaalam ng tungkol doon. Nangako naman ang mga ito na mananatiling lihim ang lahat ng sinabi niya. Mabilis na nagbago ang buhay niya at hindi niya inasahan ang tungkol doon. Isang linggo matapos siyang dalhin ni Vincent sa kanilang lihim na tagpuan ay