"SAAN tayo pupunta?" tanong ni Isla kay Vincent nang gabing iyon pagkatapos ng last subject niya. Isang magadang ngiti ang pumunit sa mga labi ni Vincent. “In a place where there will be no room for fear because it’s just you and me,” ang makahulugan nitong sagot sa kanya at pagkatapos ay binuhay ang engine ng sasakyan. Walang nakapa na kahit anong pwedeng sabihin si Isla kaya naman mabilis na nilamon ng katahimikan ang loob ng sasakyan. Si Vincent ang bumasag ng katahimikang iyon. "Gusto mo bang makinig ng music?" tanong nito sa kanya. "Oo naman," sagot niya. Tumango si Vincent saka binuksan ang car stereo kung saan pumailanlang sang isang pamilyar na classic love song. Mabilis na naramdaman ni Isla ang pagbabago ng atmospere. Kasabay niyon ay ang tila ba mainit na damdamin na hum