Naroon pa ang kanyang anak at ang ina niya upang manood talaga sa personal sa unang araw ni Mariella sa Contest nito. Hindi siya mapakali. Gusto niyang muling lapitan ang asawa sa kabila ng pag-ayaw nito ngayon sa kanya. Pero masyado pang bago lang sila nitong nagkita, noong nakaraang linggo lang. Kung naniwala lang sana siya sa asawa ay masaya sana sila ngayon sa pagsasama nila. Pero nakikita niya at alam niyang mahal na mahal parin siya nito pero mas nananaig lang siguro ang galit nito sa kanya. Sana ay lilipas din ang galit nito sa kanya at muli na itong babalik sa piling niya. Lumipas ang dalawang buwan ay walang talo si Mariella sa paglalahok niya sa Isang Talent show sa Tawag ng tanghalan. Kaya unti- unti siyang nakilala at sumikat sa loob ng dalawang buwan. Lahat ng kanyang mga