" Sawang-sawa na ako, Juancho. Sana ay hindi ko nalang hinayaang magsama pa tayong muli. Masama naman pala ang tingin mo sa akin. Sorry, pero suko na ako, hinuhusgahan mo agad ako na hindi mo man lang inuusisa ang lahat! alam ko na kung bakit, dahil para sa'yo ay madali mo lang akong palitan! aalis na ako dito at di na ako magtatagal pa." Hindi na napigilan pa ni Mariella ang temper nang sabihin iyon. " Okay! dahil hiwalay na tayo hindi ba? nanatili ka lang dito dahil sa bata! Ikaw pa ang nagloko, ikaw pa yung umakto ng ganito. Make it sure Mariella, na pag- aalis ka dito ay hindi kana babalik pa sa pamamahay na ito!" Malakas na rin ang boses na wika ni Juancho. Di mapigilan ni Mariella ang lumuha muli. Ayaw na niya. Ito na ang huli pa at hindi na siya muling magpapadala pa kay Juancho.