Pumanhik na si Mariella sa kanyang kuwarto at nagpahinga roon. Sunday ang araw na iyon kaya day off niya at hindi din muna siya tumatanggap ng kleyente. Kadalasan kasi ay sabado at linggo siya tumatanggap ng clients dahil day off nga niya. Sa saturday naman ay nag-oopisina naman siya subalit halft day lang iyon at ang ibang oras sa sabado ay inilaan niya kung may kliyente siyang mag request. At hanggang sa Linggo ay tumatanggap din siya, ngayong linggo lang na ito ang di siya tumatanggap dahil pahinga muna talaga siya at mag relax. Habang nakahiga ay inisip niya ang kanyang tatay Brando. Tumigil na ito sa pagbabantay sa Rancho sa Villa pero nanatili itong nasa Villa nakatira dahil ayaw na ng mga Montemayor na ito'y aalis sa Villa. Kumuha nalang daw ng bagong bantay ang mga Montemayor par