Sa hindi pa sumapit ang alas otso ng gabi ay inihatid na ng Family Driver ng mga Montemayor si Mariella kasama na rin sa paghatid sina madam Walsonia at ang Tatay Brando ni Mariella sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City. Mga 30 minutes sila bago nakarating ng Pasay dahil medyo na traffic din sila. Pinasama na rin ni madam Walsonia si Aling Loreng na maghatid kay Mariella. Saglit muna silang naghihintay bago nag alas otso. At pagsapit nga ng alas otso ay narinig agad nila ang malakas na Anunsiyo ng isang Flight attendant na ang eroplano ay malapit nang aalis kaya kumilos agad si Mariella. Muli niyang niyakap ang kanyang tatay at pagkatapos ay niyakap niya rin ang kanyang biyenang babae at pati na si Aling Loreng. " Good bye Tay, Aling Loreng, at maging sa'yo Mama Walsonia.