Masayang nag salu-salo sila sa pagkain nang matapos nakapaghanda ng masasarap hapunan nila si Manang Berta. " Binabati pala kita, Mariella sa narating mo ngayon. At sobrang proud sa'yo ang tatay mo. Sa ilang taon ka naming hindi nakikita ay parang hindi na ikaw ang dating si Mariella na nakilala namin. Dati, pasaway ka pa, pero di ko akalaing malaki ang pagbabago mo, sabagay bata kapa noon at hindi pa matured kung mag-isip. " Mahabang sabi pa ni Manang Berta. " Tama po kayo, Manang Berta. Kung iisipin ko nga ang nakaraan dati dito sa Villa ay parang nakadama ako ng hiya sa sarili ko." Tugon ni Mariella dito. " Huwag mo na isipin ang mga nakaraan, Anak." Ang sabi ng Tatay niya. " Tama ang tatay mo, Ang importante bunga lang iyon sa kabataan ng pag-iisip mo." Sabi pa ni Aling Tina. "