"Walang kinalaman? Papaanong wala? Ikaw ang dahilan kung bakit wala na kami ni Jessica! Sinira mo ang tatlong taong relasyon namin Mariella!." Namumulang pagsisi nito sa kanya. Naging mahina naman siya sa mga paninisi sa kanya ni Juancho at Mahinang umiiyak nalang siya sa harap nito. "Did you expect me to love you, Mariella? Even though I'm no longer with Jessica, I can easily find someone new!" Dagdag pang wika nito sa kanya. Wala siyang ibang ginawa kundi umiyak lang ng umiyak sa harap nito. Parang nakonsensya naman si Juancho sa kanyang mga binitawan na mga salita kay Mariella. Huli na nang maisipan nitong buntis pala si Mariella sa kanyang anak. Napailing nalang ito at Saka tumalikod na kaagad. Sinara agad ni Mariella ang pinto ng kanyang kuwarto at muling umiyak sa loob. Bakit ga