" Pero mapalayo po ako sa anak ko, makakaya ko ba kayang malayo sa anak ko, Mama?" Ang tanong ni Mariella. " Kung gusto mo talagang may marating ka sa buhay ay dapat mong i-sacrifice ang lahat. Total, nasa mabuting kalagayan ang anak mo, alagang- alaga siya dito kasama namin ng papa niya. Isang mataas na karangalan ang makapagtapos ng college sa Paaralang University of Toronto sa Canada. Doon nakapagtapos ang mga Kapatid ni Juancho na babae at pati na si Juancho ay doon din nakapagtapos sa Kursong Bachelor of Business Management. Kaya lang nakatadhana na si iho Juancho na dito lang talaga sa pilipinas magtatrabaho dahil siya ang mamalakad sa malaking kompanya ng kanyang Papa dito sa pilipinas kung magretire na ito dahil bukod na panganay siyang anak ay lalaki din siya. Sipag at determinas