Kinaumagahan. Unti-unting nagdilat ng mga mata si Mariella. At nagtataka siya nang mapansing wala si Juancho sa kanyang tabi. Napabangon agad siya at napatingin sa side table kung saan naroon nakapatong ang maliit na orasan nito. 'Jusko! 7: 30 na ng umaga! masyado tuloy akong tinanghali sa paggising!' Sigaw pa ng kanyang isipan. Nakahubad pa naman siya. Ngunit napansin niyang may nakalagay na pambahay na sinadyang nilagay sa kanyang tabi na pwede niyang isuot kahit panlalaki pa iyon. Hinandaan na pala siya nito ng susuuotin dahil naka gown naman kasi siya kagabi at hinuklas iyon nito kaya siya'y nakahubad ngayon. Wala siyang choice kundi isuot nalang iyon agad. Nasaan na ba si Juancho? pumasok na ba ito sa opisina? At hanggang sa narinig naman niya na may lagaslas ng tubig mula sa ban