Araw ng Lunes, alas nueve ng umaga ay kasalukuyan akong nakatayo sa harap ng Blaise Corporation. Excitement at matinding kabâ ang nararamdaman ko ng mga oras na ito. Kinakabahan ako dahil ito ang unang pagkakataon na haharap ako sa mga board member upang ipakilala ang aking sarili. At the same time ay upang ilahad ang aking agenda, naalala ko kasi noon nung bata pa ako na laging may nakahandang magandang plano si Papa para sa kumpanya. Kahit sabihin pa na wala akong tinapos tungkol sa pamamahala ng mga negosyo ay batid ko na hindi ‘yun magiging hadlang para sa akin. Ano pa ang silbi ng utak ko kung hindi ko ito gagamitin para patunayan ang aking sarili? Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan at seryoso na pumasok sa entrance ng lobby. “Good morning, Ma’am!” Mabilis na b