Sixteen

2087 Words

Nagmamadali akong lumabas ng aking kuwarto. Nang pababa naman ako sa aming pagkahaba-habang hagdan ay bumagal naman ang aking mga hakbang. Nag-angat ako ng tingin sa mga taong naroon sa aming sala. Isang babae at lalaki ang una kong napansin. Ang dalawa ay mukhang kaedaran lamang ng aking mga magulang. Magagara ang kanilang mga suot kahit na pormal na mga damit lamang ito. Ang babae ay sopistikadang manamit at agaw pansin ang makikinang na borloloy nito sa katawan. Ang panghuli ay isang lalaking tahimik lamang na nakaupo sa pangdalawahang sofa. Binata. Nang ikumpara ko ang kaniyang mestisong mukha sa kasamang babae at ang hugis ng kaniyang mukha sa naunang lalaki ay napagtanto kong anak nila ito. Magalang akong yumuko sa kanila. Sinuklian nila ako ng malawak na ngiti maliban doon sa bin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD