CHAPTER 8 Saglit na napigil ni Ysabella ang kanyang hininga dahil sa nangyari. Unti unti ay iminulat niya ang kanyang mga mata. Kanina ay mariin na lamang niyang naipikit ang mga iyon dahil sa alam niya kung ano ang mangyayari. Pinakiramdaman niya saglit ang kanyang sarili at hinayon ng tingin ang itim na Sedan na nasa kanyang unahan. Ni hindi siya makahuma sa loob ng kanilang sasakyan. What has happened really gave her one of the biggest shock of her life. Kanina paglabas niya mula sa Rancho Estrella ay mahinahon pa ang kanyang pagmamaneho ng sasakyang iyon. Nakalampas na siya ng sangang daan at palabas na ng highway nang pilitin niyang magmenor at bagalan na ang pagmamaneho. She knows how to drive. Nasa kolehiyo pa lamang siya nang mag-umpisa siyang mag-aral kung paano ang humawak ng