Nag-withdraw siya ng isang daang libong piso at ang kalahati ay kaniya itong tinira para mayroon siyang magagamit pang-emergency. Mga kalahating oras ay nakalabas na sila ng bangko. "Swit, bumili ka muna ng mga importante mong gamit, bumili ka na rin ng mga gamit natin pang-araw-araw, ito ang limang libo. Bumasok ka sa malaking tindahan na iyan at pagkatapos huwag kang umalis hintayin mo ako sa loob. "Okay po, Kumander. Pero, hindi ka ba kakain?" "Doon na ako sa karinderya at ikaw, kumain ka na sa loob." "Ay! Sabayan na po kita, Kumander! Saka na ako bibili pagkatapos nating kumain." "Okay, tara!" Pinuntahan nila ang mga kasamahan sa karinderya at tapos na ang mga ito. Upang hindi masayang ang kanilang oras ay inutusan na niya sina Danilo na bumili ng mga trapal at ang iba pang nas