Binaril niya ang mga ito at parehong sa noo niya tinarget ang tatlo. "Salamat po, Ate!" Dali-dali itong gumapang at yumakap sa mga hita niya, habang patuloy ang hagulgol at nanginig pa ang buong katawan Hindi sumagot si Allhean, bagkus ay dali-dali niyang hinubad ang suot nitong jacket at ipinasuot sa dalagita na gutay-gutay ang damit. "Nay… Tay… bunso! Naaay... Tay… gising! Bunso gising… Tay! Ate, wala na sila. Iniwan na nila ako…" sumbong nito kay Allhean. Muli itong yumakap sa kaniya at hindi maiwasan ni Allhean ang mapaluha, dahil awang-awa siya rito. "Halika, tumayo ka. Gusto mong makaganti?" "Paano po, Ate?" Tumayo ang dalagita at pinunasan ang mga luha niya. "Ito! Barilin mo rin sila! Ubusin mo ang bala hanggang sa lumuwag ang iyong pakiramdam." Nanginginig ang kamay n