HINDI napigilan ni Jacob ang sarili at nasabi niya ang tunay niyang naramdaman pa kay Kumander Allhe. Ang salitang binitiwan niya ay tila musika sa pandinig ni Allhean. Dahan-dahan umangat ang kaniyang isang kamay at gumanti sa yakap at lihim siyang umiyak sa balikat nito. Noon pa man ay mahal na niya Jacob, ngunit isinantabi niya dahil hindi pa puwede. Pero ngayon na wala na siya sa academy at hindi na niya ito Coach, ay pakiramdam niya ay puwede ng maging sila. "Mahal na mahal rin kita, noon pa man ay mahal na kita," paanas niyang pagtatapat. "Allhe..." sambit nito at mas lalong humihigpit ang yakap niya rito. Ang saya-saya niya nang marinig ang tugon nito. "Hindi na ako papayag na muli pa tayong makalayo. Simula ngayon, kung saan ka ay nandoon ako, kung nasaan ako ay kasama ki