Anak, halika sa kusina, kumain muna tayo. Malambing pagyaya ng ginang sa kanyang anak na kaagad inilingan ng binata. Malalim itong napabuntong-hininga at dinala sa sala ang mga pagkaing dala nila ng kanyang asawa para sa anak. Sige na anak, kumain ka muna. Pangungumbinsi din ng Ama nito pero umiling lang ang binata at nanatili sa kinauupuang sofa. Hindi ba, paborito mo ang mga ito? Para sayo lahat 'to anak. Sige na, kumain ka na. Hmm. Lambing pa ng Ina nito pero hindi pa rin mapilit ang binatang kumain. Ihinabilin ng dalaga ito sa kanyang mga magulang dahil may mahalaga itong dadaluhang interview, pero hindi naman akalain ng mag-asawa na mahihirapan silang pakainin ang anak dahil maayos na nila itong napapakain kahapon bago sila umuwi ng kanilang mansion. Baby, tawagan mo kaya si