Keithe As I entered the restroom I leaned against the back of the door. Habol ko ang paghinga ko sa lakas ng kabog ng dibdib ko at sa tindi ng galit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ano mang oras ay sasabog ako! I quickly went to the sink and repeatedly washed my face. Gusto kong masayaran ng lamig ng tubig ang nag-iinit ko ng pakiramdam. Matapos ay tumayo ako ng tuwid at pinagmasdan ang hitsura ko sa harap ng salamin. Paulit-ulit akong huminga ng malalim at pilit kinalma ang sarili ko. Hindi ako p'wedeng magpatalo sa galit na nararamdaman ko. I'm not like this. This is not me. Humablot ako ng tissue sa toilet paper dispenser at mabilis na ipinunas sa mukha ko. Wala naman akong make up na kailangang alalahanin dahil hindi ako mahilig niyon. Tanging manipis na lipstick lang ang ipina