Keithe Dire-diretso silang naglakad, malamang ay patungo sila sa sakayan na nasa dulong kanto pa. Nang makalampas na sila sa restaurant na kinaroroonan ko ay saka ako lumabas at pumara na lamang ng taxi. Ang kotse ko kasi ay ini-uwi ko na muna sa condo unit ko. There's a chance that Reynard will see my car and he'll recognize it immediately. "Kuya, pakisundan na lang 'yong dalawang 'yon kung saan man sila sasakay," utos ko kay manong driver habang nakaturo sa dalawang malandi na mukhang may maganda na namang pinag-uusapan dahil sa napakagaganda nilang mga ngiti sa isa't isa. Mga b'wisit! "Asawa niyo po ba 'yong lalaki, Ma'am?" "Oo! Asawa ko 'yon!" Nagsisimula na namang tumaas ang presyon ko! "Naku, patay tayo d'yan." Biglang kumamot sa ulo ang Manong driver. "Sundan mo na lang, Kuy