DUMERETSO ako sa isang simbahan after sa restaurant. Iniwanan na talaga ako ni sir Thimothy. Sabi niya pwede naman na akong pumasok pero mas maganda daw na bukas nalang at magpahinga nalang ako ngayon. Wala naman akong ibang pwedeng puntahan pa ng ganitong oras. Nasa opisina pa si Grace nakakahiya naman kung mauuna pa ako sa bahay niya. Nakikituloy lang naman ako sa kanya. Ilang taon na ba nang huling beses na pumasok ako ng simbahan? Di ko na matandaan. Kasi naman kahit linggo busy ako, maglilinis ng bahay maglalaba ng isang katutak na damit namin ni Tommy. Lord, sorry po ngayon lang ako nakapunta dito sa tahanan niyo. Gusto ko lang pong hingin ang kapatawaran sa lahat ng pagkukulang ko sa Inyo. Maging ang mga kasalanan ko na nagagawa. Pinapasalamatan ko po ang lahat ng biyayang binib