NAKAKANGALAY na tingalain ang gate na kanina ko pa tinitingala. Linggo ngayon walang pasok pero nandito ako ngayon sa labas ng bahay kung saan sinabi ni sir Thimothy na puntahan ko sa oras na makapagdesisyon na ako. Mahabang araw din ang pinalipas ko bago ako tuluyan na nagdesisyon. Tatlong buwan ang pinalipas ko, o sabihin nating busy kasi masyado kasi kaming busy parehas. Ang dami naman kasing tanggap na project nila sir kaya ayon super busy talaga siya. Pati din naman ako, libang na libang nga ako sa trabaho ngayon. Ganito pala pakiramdam na malaya ka ng gawin lahat ng gusto mo. Iyong hindi mo na iisipin na may magagalit sayo kapag nag overtime ka sa trabaho. Kasi hawak ko na ngayon ang oras ko. Hindi naman sa sinasabi kong mas mainam na single nalang ako forever. Ang sinasabi ko l