Two

1652 Words
"MA'AM CELESTINA, ano po tanggal na po ba ako?"alalang tanong ng makalabas na si ma'am galing sa opisina ni big boss. Nakahinga lang ako ng maluwag ng ngumiti siya sakin. "Hindi, okay na napaliwanag ko ng mabuti. Masanay ka na kay sir ganon lang talaga siya minsan. Masungit pero ako na nagsasabi sayo mabait naman si sir"anito na mas ikinaluwag ng paghinga ko. "Akala ko talaga chugi na ako dito ma'am, kailangang kailangan ko pa naman ngayon ng trabahong ito"kinakabahan kong sagot. Umiling lang siya sakin at naupo na sa harap ng computer. Binigyan niya ako ng mga gagawin ko, mga bagay na inutos daw ng boss namin. Mga for filing lang naman ang karamihan sa mga binigay niyang gagawin ko ngayon. "Pagkatapos mo dyan, dalin mo ito kay sir sabihin mo for approval niyang lahat iyan."muling utos sakin ni ma'am. "Hindi kaya pagalitan ako ulit ma'am"natatakot ko namang turan na ikinatawa nito. "Hindi iyan, nagulat lang talaga si sir kanina. Kasalanan ko din kasi hindi kita sinamahan na magpakilala kanina. Pasyensya ka na ha, nawala na kasi sa isip ko na dapat pala ako ang nagpakilala sayo kay sir at hindi kita pinabayaan kanina."tumatawa na sagot nito sakin. Nilakasan ko nalang ang loob ko, nang matapos ko na ang ginagawa ko binitbit ko na ang mga folder na binilin sakin na papirmahan kay sir Pogi. Nakalimutan ko pa ngang itanong kay ma'am Celestina ang pangalan ni Big boss. Di bale na may nakita naman akong name plate kanina sa may ibabaw ng lamesa niya. Tumikhim muna ako bago ako kumatok ng tatlong beses sa pinto saka ko binuksan ang pinto. Tulad kanina ng pumasok ako tahimik ang buong kwarto. Tanging tunog lang ng papel at ugong ng aircon ang maririnig sa loob. "Sir, sorry to disturb you. May papapirmahang lang po akong mga documents from finance department"kinakabahan ako sobra. Baka kasi bigla na naman niya akong sigawan. Iyon pa naman ang weakness ko, kapag nasigawan na ako wala na akong say. Tiklop na ako sa isang tabi, tatahimik na lang. "Just put it here"utos nito. Napangiti naman ako dahil mukhang okay na si big boss di na siya beast mode. Kalma na eh, di na nakasigaw. "Okay sir" Mabilis ang kilos ko na lumapit sa kanyang lamesa at ilagay ang mga folder na hawak ko. THIMOTHY ZULLETA CEO Basa ko sa name plate ni big boss, ang cute ng pangalan niya bagay sa kanya gwapo. "Sir may ipag-uutos po ba kayo?"lakas loob ko ng tanong ng mailapag ko ang mga folder sa lamesa niya. Doon lang niya ako nilingon, at pakshet na malupet. Gwapo na siya sa paningin ko kanina mas lalo pang gumuwapo sa malapitan. Sa tagal ko sa Manila, madami na akong nakitang gwapo. Pero ngayon lang ako nakakilala ng ubod ng gwapong masasabi ko ng perfect. Wala man lang akong makitang pangit kay boss, lahat perfect na. "Nothing you can go now"taboy niya sakin. Napakurapkurap pa ako ng makita kong parang ngumiti pa siya sakin. Para akong namalikmata sa nakita ko grabe. "Okay sir"kinakabahan kong sagot. Nakakatatlong hakbang palang ako palayo kay sir Thimothy ng tawagin niya ako. "Yes sir may kailangan po kayo?"agad na tanong ko naman. "I'm just wondering, do you usually wear that kind of clothes everyday?"tanong nito na nakatingin pa nga sa damit ko o mas mainam na sabihing katawan ko. Napatingin din ako sa katawan ko, para sakin maayos naman ang suot ko. Nakaslacks kasi ako, tapos naka polo ako na pinatungan ko pa ng coat. Para akong men in black na pangbabae ang style. Pero kung titignan talaga para akong nakadress to kill. Di ko bagay pero hindi ko naman maamin dahil mga ganitong get up ang gusto ni Tommy na isuot ko. "Yes sir, may problema po ba sa suot ko?"takang tanong ko kahit na alam ko naman na ang dahilan. "Nothing, you looked like a lesbian to me. Are you a lesbian?"deretso namang tanong ni boss. Nanlaki naman ang mata ko sa deretsong tanong ni big boss. Ako mukhang tomboy? Ang haba kaya ng buhok ko, tapos kahit papaano naman may make up din siya. "No Sir, sa ganda kong ito sir mukha ba akong tomboy sayo sir?"after ko namang masabi iyon bigla ko din naisip na mali yata ung nasabi ko. Pero agad din akong bumuwelta dahil naririnig ko ang mahinang tawa ni big boss. "Sorry about that and even what i did awhile ago"anito. Nakatitig lang naman ako sa kanya na tawa pa din ng tawa. "Hey I said I'am sorry okay, natulala ka naman diyan" Ngumiti nalang din ako sa kanya, wala eh di ko na alam kung ano ang sasabihin ko. "You can go now miss Robles"taboy bigla niya sakin. Hindi naman na ako nagsalita, tumango nalang ako at nagpaalam sa big boss ko. NAGING OKAY naman ang trabaho ko kay big boss, pero di naman palaging magaan ang trabaho. Lalo na ng tuluyan ng umalis si ma'am Celestina. May mga time na bugnutin si big boss at di ko alam kung paano ko siya susuyuin. Pero madalas na mabait at palabiro, di ko na nga namalayan na nakadalawang buwan na pala ako sa trabaho ko. So far wala din akong naging problema kay Tommy. Maging mga in-law's ko na hilaw, tahimik sila ngayon. Siguro kasi nakakapag abot ako ng pera na nanay ni Tommy ngayon kaya wala akong marinig na kahit na ano. Pero ewan nalang ngayon. Napabuntong hininga nalang ako ng malalim. "Hey, ang lalim naman ng hininga mo?"takang tanong ni big boss. Wala sa oras na napatingin tuloy ako sa kanya. Nasa loob lang kami ng opisina niya ngayon. OT kami ngayon dahil may malaking project siyang inaayos ngayon. At nandito ako ngayon para iassist si big boss sa mga kailangan niya. "Sorry sir ha, naisip ko lang kasi kung anong sasabihing ko sa bahay pag uwi ko mamaya"pag amin niya. Napatigil naman siya sa ginagawa niya at nilingon siya. Nakunot ang kilay na kulang nalang magdikit na din ang mga kilay nito. "Dont tell me, may curfew ka sa nanay mo?"natatawa pa nitong tanong ng makabawi sa pagtataka. Ibinaba ko ang hawak kong mga foldel sa harapan niya at pinakatitig ang mukha niya. Ang pogi talaga ni Boss kahit gabi na at maghapon na siya hagard sa trabaho. Mas nakapogi pa sa paningin ko ang makamal na frame ng salamin niya. "Buti nga sana kung nanay ko lang ang may curfew sakin madaling palusutan. Kaso sir ung jowa ko ang magagalit sakin kapag ganitong ginagabi ako. Tapos reresbak pa ang nanay niyang nuknukan ng dada"paliwanag ko sa kanya. Napapantastikuhan naman na tinitigan ako ni Sir Thimothy. Para bang biglang naging dalawa ang ulo ko sa paningin niya. "Ang sabi sa resume mo, your a single"anito pa na hindi makapaniwala. "Single pa ako, sir. Live-in partner ko lang si Tommy ung jowa ko" Mas lalo namang hindi makapaniwala ito sa sinabi ko sa kanya. Napailing nalang ako habang inaayos ang ilang gamit niya sa table ang kalat na kasi. "s**t!"pabulong na mura ni Big Boss pero narinig ko naman. "Fvck I thought you're a virgin, now I really believe in the saying's that look's can be deceiving"ani Sir ng makabawi ito sa pagkabigla. Tumawa naman ako sa sinabi nito. Alam ko na kung bakit nito sinabing mukha akong virgin. Puro kasi conservative ang mga sinusuot kong damit. "Ah siguro sir akala mo conservative ako kasi sa way ng pananamit ko, ito lang kasi maayos kong damit sir na gusto ni Tommy na isuot ko paglumalabas ako ng bahay"paliwanag ko naman. "How long you've been living in with these guy?" Napataas na naman ang kilay ko, pansin ko lang nagiging matanong ang boss ko ngayon. Pansin ko nga din bigla nitong hindi na pinansin ang trabaho nito at iniinterview na ako. "Tagal na din sir, sampong taon" "Fvck s**t! Sampong taon? That long? So meaning to say may anak na kayo?"tanong na naman nito. Mapait naman akong napangiti sa tanong ni Boss. Sa totoo lang gusto ko ng magkaanak pero hindi ko alam kung bakit wala pa din hanggang ngayon. Minsan inaya ko ng magpacheck up si Tommy pero wala akong napala dahil ayaw ni Tommy. Pinipilit ni Tommy na walang may deperensya sa amin. Pero naisip ko baka ako ang may problema, kasi simula ng maging active ang s*x life ko hindi pa ako gumamit ng contraceptive. Pero ni minsan hindi pa ako nabuntis. "Wala pa sir"sagot ko nalang. Madami pang tanong sa akin si Boss, hindi na nga namin namalayan ang oras. Naikwento ko na ang talambuhay ko sa kanya. Mula sa pagkabata ko hanggang sa kasalukuyan. Wala na nga akong maililihim pa sa boss ko. Pati kasi s*x life ko naikwento ko na din dito. Pati ung panggagahasa sakin ng amain at tiyuhin ko. Ung mga naging boyfriend ko, pati ung samin ni Tommy at sa kapatid ni Tommy. Di ko man dinetalye alam kong gets na ni Sir Thimothy ang lahat ng kinuwento ko sa kanya. "I didn't know ang lalim pala ng history ng buhay mo"anito ng matapos siyang magkwento. "Hay naku sir, alam ko na po iyon. Hindi pa po ba tayo uuwi? Kasi halos madaling araw na po"pag iiba ko ng usapan. Kasi naman napapasarap ng kwento si sir. Aba eh mag 12 na ng madaling araw nasa opisina pa silang dalawa. "Damn, sorry napakwento na ako. Okay fix your things, hahatid na kita. Tutal it's my fault kaya ka madaling araw ng makakauwi"anito. Hinatid nga ako ni Sir Thimothy pero hanggang kanto lang namin. Mahirap na baka mamaya niyan nasa labas ng bahay namin si Tommy o kung sino man sa mga kamag anak ni Tommy patay na naman ako. Hindi nga ako nagkamali dahil nasa labas pa nga ng bahay si Tommy at hindi na maipinta ang mukha niya. "Tangina kang babae ka"mura na naman ni Tommy sa akin. Heto na naman po kami. ..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD