NAKARAMDAM AKO ng awa sa bago kong secretary. Hindi naman ako dating ganito. Tapos ngayon habang tinitignan ko siyang naglalakad papasok sa maliit na iskinita pauwi sa bahay nika, masasabing tensiyunado siyang naglalakad. Ayaw ko pa sanang umalis kaso hating gabi na din.
Pagdating sa condo ko naman deretso nalang ako sa loob ng kwarto at nahiga. Pero wala pang limang minuto napabangon naman ako.
Mabilis akong tumayo at lumabas ng unit ko.
Nakaramdam kasi ako ng pagkainit, ito ang unang gabi ko na umuwing walang lamang alak ang tiyan ko.
Wala pang sampong minuto nasa loob na naman ako ng sasakyan ko at nagmamaneho papunta sa pinakamalapit na Bar.
After lang ng halos isang oras lasing na ako. And then after lang din ng ilang sandali pa ang lumipas may kasama na akong isang babae paglabas ng bar.
He's always like these, dito nalang kasi siya nag eenjoy sa buhay niya. Simula ng siya na ang namahala ng mga negosyo ng pamilya nila.
Well noon pa naman malikot na talaga siya pag dating sa mga babae. Ang kaibahan lang ngayon, patago na siya kung maglandi ng babae. Di tulad noong college siya kabi-kabila ang mga babae niya.
His a playboy yes, pero hindi naman na siya fvckboy ngayon. He's acting on his age naman, his 30 for goodness sake naman.
Hindi na bagay kung masasabihan pa siyang fvckboy at his age.
"Hey babe, another round?"tanong sa saakin ng babaeng kasama ko mula sa bar.
Kanina pa kami nakatapos actually may isang oras na ata akong nakatapos. Ngayon lang niya ako tinanong kung gusto ko pa ng another round.
"Well!, babe I had enough of you may early meeting pa ako tomorrow. I dont want to be rude but I want to take the day off already and take a rest if you dont mind"polite kong pagpapalayas sa babae.
Napangisi naman ako ng tumayo na ang babae sa tabi ko at pumasok sa loob ng banyo. At least hindi mahirap kausap ang nabingwit ko, isa pa malinaw naman na walang commitment ang mga ganitong sitwasyon nila.
.........................................
MAAGA AKONG nakarating sa opisina ko. Inaasahan ko ng makikita ko ang bago kong secretary sa table niya pero wala ito doon.
Malinaw naman ang naging usapan namin kagabi na maaga kami ngayon dahil kailangan pa namin na may final deliveration sa magiging presentation namin sa mga bagong client namin.
Pagpasok ko sa loob ng opisina ko napataas ang kilay ko ng makita ko ang hinahanap ko kaninang secretary.
Pero hindi ang presensiya niya sa loob ng opisina ko ang ikinagulat ko kundi ang itsura nito.
"Anong nangyari sayo at ganyan ang itsura mo?"hindi ko na napigilan na tanungin.
Alanganin na nilingon ako ni Vina at tinignan ang katawan nito bago alanganin na ngumiti sa akin. Napakamot pa nga ito sa buhok nito na pa nagsalita.
"Good morning sir"bati nito.
Pinagkunutan ko siya ng noo ng hindi ako sagutin sa tanong ko.
"Para kang nahukay sa baul alam mo ba iyon?"natatawa kong puna sa kanya.
Sumimangot siya at nagpatuloy sa ginagawa niya. Inaayos niya ang mga gamit ko para sa meeting mamaya.
"Hoy, at least answer me Miss Robles"pagtataray ko na sa kanya.
Nakasimangot pa din na hinarap ako nito.
"Nag away kami ni Tommy kanina sir, sinunog niya ang mga damit ko kaya ganito suot ko"paliwanag nito.
Para naman siyang nainis sa kinakasama ni Vina.
"What the hell, buti at may naisuot ka pang mukhang galing sa baul"
"Tsk, sa biyanan kong hilaw ito. Nung umalis na kanina si Tommy para pumasok sa trabaho niya tumakas ako. Pinagreresign na ako nun eh sir kaso lang ayoko. Sayang kasi ang trabaho ko dito. Aba hindi na ako bumabata ang hirap ng maghanap ng trabaho ngayon"paliwanag pa nito.
Bumuntong hininga naman ako at lumapit sa table ko. Inilapag ko lang ang dala kong mga gamit at hinarap siya.
"You look ridiculous, mind if you chance yiur clothes before the meeting, miss Robles"
Napakamot na naman ito sa ulo nito na kala mo may mga inaalagaan na kung ano sa ulo at kating kati siya.
"Wala po akong ibang damit sir. Ito na ang pinakamaayos na damit na nahalungkat ko sa damitan ng nanay ni Tommy sir" pagpapaliwanag nitong muli.
Napailing nalang ako at tinignan ang relo kong suot.
"We still have time. Come with me"utos ko sa kanya.
Nang hindi pa ito sumunod sa akin, agad ko siyang hinila palabas ng opisina. Wala pang masyadong tao sa building ng umalis kami. Sabagay alasais pa lang ng umaga kaya wala pa ang mga staff niya.
"Boss saan ba tayo pupunta?"pangungulit ni Vina sa akin.
Actually hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko. Hindi nga ko din alam kung saan ko siya dadalin ng ganitong kaaga.
"You think you look good today. You look like my grandmother Vina. You have the look's but you're get up. Tsk! Pagtatawanan tayo mamaya kapag ganyan kang haharap sa nga business associate ko"
Nasa elevator palang kami ngayon. May time pa akong mag-isip kung saan ko dadalin si Vina na pwede kong bilan ng damit na maisusuot nito ngayon.
"Alam ko naman po iyon boss, kaya nga po maaga ako para maayos ko na iyong mga kailangan niyo. Hindi na po ako sasama sa meeting niyo para naman di kayo maging kakatawanan doon"malungkot na sagot nito saakin.
"Alam mo maganda ka. Pero kulang ka lang sa fashion. Mga pang baduy kasi ang suot mo"
Tinignan niya ako tapos ngumiti siya sakin. Iyong ngiti na pang model ng toothpaste na ngiti.
Totoo ang sinabi ko, maganda si Vina. Masasabi ko na may ibang lahi si Vina. Maputi siya na hindi kagaya ng mga babaeng lumaklak lang ng gluta. Natural na maputi si Vina, sa tingin din niya natural din na brown ang kulay ng buhok niya.
Matangaos ang ilong maliit ang hugis ng mukha nito. Maging ang labi nito manipis na mapula ang hugis. Hindi ko masabing sexy siya kasi naman laging loose ang damit na suot niya. Manang look nga ang tingin ko sa way ng pananamit niya.
"Alam ko naman na maganda ako. Madaming nagsasabi"sagot nito na ikinataas ng kilay ko.
"May foreign blood ka ba?"curious kong tanong.
Tumango ito bago umayos ng tayo mula sa pagkakasandal.
"Sundalong kano tatay ko na nakilala ang nanay kong pinay syempre. Isang linggo lang silang nagjugjugan heto na ako sa buhay ni nanay. Nakakatawa lang na sa unang pagkikita pa lang daw nila ng tatay ko naisuko na niya ang bataan. Pogi daw kasi masyado ang tatay ko sabi ni nanay"pagkukwento nito.
Bumukas na ang elevator kaya hindi na ako nakapagtanobg ulit dito. Dinala ko siya sa sasakyan ko. Naisip ko sa kapatid ko nalanh siya dalin para ikuha ng damit mukha namang magkasukat lang sila ng katawan.
"Where's your father then?"tanong ko na naman ng makasakay na kami sa sasakyan.
"Wala na boss, patay na. Pero nakausap ko pa naman ang tatay ko. Kasi kung hindi ako nagkakamali noong magfive ako nakabalik dito ang tatay ko at nagkita ulit sila ni nanay kaya nakilala ko siya. Tapos simula noon may sustento na ako sa tatay ko, ang sabi din ng nanay ko dapat makakapunta kaming mag ina sa amerika kasi kukunin ako ng tatay ko pero nakamatayan na niya di ko man lang nakita ang amerika"mahabang kwento nito.
"Tapos ayon nga nang malaman ni nanay na namatay ang tatay ko sa isang gera nag asawa siya agad. Kwento ko na sayo boss ang buong buhay ko ahh."nakangising pagpapatuloy nito.
"Yeah! Alam ko na lahat ng secret mo"nakakalokong nilingon niya dito.
"Naku bossing alam ko na ang mga ganyan na ngiti. Naging waitress ako dati, tapos mga driver ng jeep ang mga parokyano namin. Ganyan ang ngiti nila kapag gusto nila akong ikama. Proffesional ako boss. Di pwede iyan sakin"kampanteng sagot nito sa akin.
Napatawa naman ako ng malakas sa sinabi nito sakin. Lakas din kasi ng kompiyansa sa sarili nitong babae na ito.
"Taas ng bilib mo sa sarili miss Robles"nakangisi na sagot ko.
Kita ko ang pamumula ng pisngi niya at hindi na nagsalita pa. Napailing nalang din ako at nanahimik na.
Pero may naisip din ako, sa tingin ko naman may ipagmamalaki naman si Vina kung tutuusin. Di lang talaga palaayos ang babaeng ito.
......................
NAKATUNGANGA ako sa labas ng sasakyan ng big boss ko. Kanina pa siya pumasok sa loob ng isang establishment na pinuntahan namin. Ang instruction niya sakin tatawag siya kapag papasok na siya pero dahil mabilis ang nangyari kaninang paghila niya sakin di ko nadala ang bag ko.
"Kanina pa ako tumatawag sayo"inis na sita sakin ni boss.
"Sorry boss. Naiwan ko ung bag ko sa office"nahihiya kong sagot.
Napamura naman si boss bago ako hawakan sa braso ko at hilahin papasok sa establishment na pinasukan niyo kanina.
Ewan ko ba naman sa boss ko kung bakit ang hilig manghila ngayon. Kanina pa kasi ito hila ng hila sakin.
"Get her ready in ten minutes. May meeting pa kami ng 8 in the morning."bossy na utos ni boss sa babaeng nabungaran namin sa loob.
Ponagtaasan lang ito ng babae ng kilay habang nakacross arm pa ito na nakatingin saamin. Halatang kakagising lang nito, nakabath rob pa kasi ito at hindi pa nakaayos.
"Seriously Kuya!"nakataas ang kilay na sagot naman ng babae.
"Yes Mariel. Now do it we're in a hurry!"utos na naman ni boss.
Wala na siyang nagawa pa ng itulak na niya ako sa kapatid ni boss at hilain din ako papasok ng babaeng tinawag ni boss na Mariel.
Seryoso ano kaya ang nakain ng magkapatid na ito at ang hilig manghila.
"Look at you. Para kang manang sa damit mo. How old are you?"mataray na tanong sa akin nito.
Ngayon lang kami nang kapatid ni boss, pero masasabi ko magkaugali silang dalawa.
"28"
Para namang nakakita ito ng multo habang nakatitig sa kanya.
"Seryoso?"gulat pa din na turan nito.
Tumango nalang ako sa kanya bilang sagot.
"Damn I thought kaedad ka ni Kuya or much older than him"exaggerated na bulalas nito.
Tinaasan ko nga ng kilay, ganun na ba ako katandang tignan ngayon. Aba naman 32 na ang big boss ko, anong sabi much older daw ako. Napaismir nalang ako sa babaeng ito, kapag ako nainis kahit kapatid ito ni boss tatarayan ko ito.
Hindi na ako nagsalita pa naimbiyerna akong bigla. Bahala na itong babae na ito sa akin.