"Who are those pest? Nasaan na sila?" tanong niya sa kaniyang isipan.
Ngunit dahil muling natahimik ang paligid ay ipinagpatuloy niya ang naudlot na pagbaba. Subalit dali-dali siyang nagtago nang muling naulinigan ang mga nag-uusap. Ngunit laking pagsisisi niya dahil sa naging hakbang. Dinig na dinig niya ang plano ng mga itong kidnapin ang kapatid ng kaibigan niya.
"Damn you, pest! Hindi ko hahayaang mapahamak ang batang iyon dahil sa kawalang-hiyaan ninyo! Mga hayop!" piping mura niya saka tahimik na tumalihis.
Kailangang maunahan niya ang mga tauhan ng keeper niyang Satanas. Saka na lamang niya muling haharapin ang tungkol sa kayamanang iniwan ng mga magulang niya. Ang mahalaga sa kaniya ngayon ay mailigtas ang walang kamalay-malay na dalagita. Baka maisipan pa nilang gawan ng masama.
"Mabuti na lang pala at dito ko iniwan ang motor na ito. Iyon pala ay magagamit kita," muli niy bulong niya saka tahimik itong pinasibad.
Ang hindi niya alam!
Dahil sa kagustuhan niyang makatulong sa kapwa ay buhay niya ang malalagay sa peligro.
"I am late! Sh*t! Sige, tingnan lang natin kung hanggang saan ang kaya ninyo mga hayop! Hindi n'yo alam ang mga taong binangga ninyo!" naging bubuyog na yata siya dahil bulong siya nang bulong.
Pasimple niyang dinikitan ang van na sinakyan ng dalagita. Maraming nagsisulputang katanungan sa isipan niya ngunit kailangang isantabi niya muna. Nanganganib ang buhay ng kapatid nito. Ang walang kaarte-arte na tumawag sa kaniya ng Kuya. Dahil sa pamilya nito ay nagkaroon siya instantly ng pamilya.
"Miguel, oras na upang ibalik ko sa iyo ang kabaitan mo sa akin simula pa noong nasa Maritime Academy tayo. Huwag kang mag-alala dahil gagawin ko ang lahat upang maibalik ko ang kapatid mo sa piling ninyo. Kapag nagawa ko iyon ay saka ko papatayin ang keeper ko. Iyon na lamang ang tanging paraan upang mawala siya sa mundong ibabaw. Hindi ang kayamanang iniwan ng mga magulang ko ang habol ko kundi ang mapatay siya. Mag-isa na lamang ako sa buhay kaya't marami pang paraan upang mabuhay kahit hindi ko makuha ang mana ko," aniya sa isipan.
Kaya naman!
Nang nakasilip siya ng pagkakataon upang dikitan ang van ay walang babala niya itong binangga. Kahit motor lamang ang sa kaniya ay wala siyang pakialam. Ang tanging nasa isipan niya ay mailigtas niya ang dalagitang dinukot nila.
"Ayaw n'yong patinag ha! Sige ito ang para sa inyo!" Binunot niya ang maliit na double blades knife saka niya ibinato sa gulong.
Sapol!
Hindi pa siya nakuntento dahil ang lisensiyado niyang baril ang binunot mula sa likuran niya. Sinunod-sunod niya ang pagkalabit sa gatilyo sa magkabilaang gulong bago mabilisang tumapat sa tabi ng driver at ito ang binaril. Bago pa man sumadsad ang van sa poste ay bumukas ang magkabilaang pintuan marahil ay tatakas pa sila ngunit hindi niya hinayaang mangyari iyon. Pinagbabaril niya ang dalawang lalaki saka tuluyang bumaling sa dalagitang halatang takot na takot.
"Miss Princess, come ihahatid na kita sa inyo---"
It's too late to realized!
Tinanggap nga nito ang nakalahad niyang palad bago bumaba kahit halatang nanginginig. Kaso may paparating namang parak! Kaya't kahit wala siyang balak makipagbarilan sa mga ito ay nagawa niya upang makalayo silang dalawa sa lugar na iyon.
"Here, Miss Princess. Put that bag in your back. Please trust me, I'll take you home no matter what. All explain later what's going on." Mabilisan niyang iniabot ang bag pack nitong dinampot niya sa loob ng van.
Nahulog siya sa bitag ng demonyo niyang keeper. Sila ang kumidnap sa kapatid ng kaibigan niya at sinadyang iparinig ang plano nila upang sagipin niya ito. At iyon nga ang ginawa niya. Kaso sa lagay na iyon ay siya na ang madidiing may sala!
Whatever!
Basta maibalik niya ang dalagita sa pamilya nito. Saka na lamang niya balikan ang mga hayop!
Later that day...
"I'm sorry, Miss Princess. Gabi na ngunit nandito ka pa sa labas. Sigurado akong nag-aalala na sila sa iyo. Can you check your phone if we can contact your brother? Sa palagay ko ay sinadya ng taong nasa likod ng planted crime na ito ang pagkalat sa mga flyers upang masukol ako." Baling ni Lance sa dalagitang nasa tabi.
Para silang mga kriminal na patago-tago. Awang-awa tuloy siya rito dahil ang dalagitang hindi nakaranas nang paghihirap, ang taong napapalibutan ng karangyaan ay heto ngayon ay kasama niyang nagtatago sa mga tao. Nadamay lamang ito subalit hindi niya maiwasang mahabag sa hitsura nito. Namumungay na ang mga mata. Halatang pigil na pigil ang sarili na huwag maiyak. Ang palakuwento nang hindi pa lumubog si inang araw ay naging tahimik na. Naikuwento nga nito ang tungkol sa big brother daw na nawala noong bagong silang ito dahil ninakaw ng bad guy sa pagamutan. Kaya raw nag-aral ng maaga sa martial arts at guns ang mga big brothers dahil gusto nila itong hanapin.
"Big brother, my phone was empty of charge already. Baka nakalimutan kong nag-charge kaninang umaga sa bahay bago ako pumasok. Dibale na lang, Big Brother. Gabi na at wala ng masyadong tao. We can go home in our home now," sagot nito.
Tuloy ay mas naawa siya rito. Mabuti na nga lang at dala-dala nito ang bag na hinablot niya bago niya inilayo sa mga tunay nitong abductor. Ang cellphone niya ay ganoon din. Nawala na sa isipan niya ang gamitin iyon upang magpasundo sa kaibigan niya. Mas sinisisi niya tuloy ang sarili dahil tinamaan siya ng katangahan sa oras na iyon.
"Come to big brother, Miss Princess. Dahil sa akin ay napahamak ka na. Ganoon pa man ay ipinapangako kong hindi ka masasaktan kahit sino man. I'll will protect you with my life until I'll send you to your home." Inilahad niya ang mga braso upang payapain ito.
Dahil kahit hindi pa ito magsalita ay damang-dama niya ang takot nito. Yumakap ito sa kaniya kaya't mas nakumpirma niya ang takot na lumulukob sa kaibutuwiran ng pagkatao. Kaya naman ay hinaplos-haplos niya ang likuran nito. Hindi niya maunawaan ang sarili ngunit talagang hindi siya papayag na masaktan ito. Kahit pa sabihing ang kapatid nito ang kaibigan niya.
"Pakiramdam ko ay nasa yakap ako ng mga big brothers ko. Alam mo bang naiisip kong ikaw ang nawawala kong big brother? Your eyes are the same as our blue eyes. You look like our Great Grandpa Terrence in Philippines. And besides you and I have the same features. I will trust you, Big Brother. And I hope that you do the same to my family. I am sure that they will help you to get out of this mess. In our family here in Madrid, Dad, Big Brother Hugo, Auntie Rizza and Big Brother Santiago. They are all lawyers. And I will tell them to help you," anito habang nakayakap sa kaniya.
Tuloy ay muli niyang naalala ang kakaibang balat sa likuran nito. Kaso dahil nasa alanganin silang pagkakataon ay iba ang kaniyang isinagot. Masaya siya sa kasenserohan nito ngunit hindi pa panahon upang pagtuunan niya iyon ng pansin. Magagawa niyang linisin ang pangalan kahit siya lamang.
"Thank you, Miss Princess. Sa ngayon ay kailangan na nating magpatuloy sa biyahe natin. Dahil may kalayuan dito sa mansion ninyo. It will take time for us to be there. So we need to get in once again to that motorcycle." Ihiniwalay niya ang sarili mula rito.
Kaya't kahit liwanag lamang mula sa street lights ang ilaw ay kitang-kita niya ang lungkot at takot sa mukha nito. Talagang inaantok na rin kahit sa hitsura pa lamang. Nauna na siyang sumakay saka inalalayan itong makasampa.
Few hours later...
"No, Miss Princess!" sigaw ni Lance Steven saka niyakap ang dalagitang tatamaan sana ng bala.
Siya na ang sumalo sa ilang bala na tatama sana rito. At bago pa nandilim ang paningin niya ay ngumiti pa siya rito. Mabuti na nga lamang at nakita niya ang kalibreng nakaumang sa dalagitang nakasama niya sa buong maghapon dahil sa pagligtas niya rito. Wala siyang pagsisisihan kung mamatay siya sa oras na iyon dahil nakapagsilbi siya sa kapwa. At kapatid pa ito kaibigan niya. Dinig niya ang palitan nang bala sa paligid niya ngunit hindi na niya kayang makipagsabayan. Dahil bukod sa ilang bala ang sinalo niya ay hindi niya hinayaang may mapunta sa dalagita na bala. Saka pa lamang niya ito pinakawalan nang wala na siyang narinig na putok.
"G-go home now, Miss Princess. You are safe now. Thank you for calling me b-big brother. I-i felt that I have a family. G-go inside now."
Pautal-utal man ngunit nagawa pa niyang ngumiti. Dinig na dinig niya ang ilang palitan ng bala kaso mapuruhan yata siya. Ganoon pa man ay masaya siya dahil natupad niya ang pangako niyang ibabalik niya ito sa kaibigan niya.
As ever!
"Help! Help! Princess Aries Eleonor is here! Help!" pagsisigaw ng dalagita.
Ah! Those madmen even go after their mansion! What the hell is going on and no one is answering her call? Damn them all!
"Ano ba?! Help! Help us here! Where are those mad guards! Help us here, will you! My saviour is dying! Help us or else I will let Dad and Mom will fire you from your job!" matinis niyang wika.
They are making her furious. She's home yet no one comes to help her. And the worse is, her big brother Lance Steven is in critical condition. They will pay for it later on! They will see what she will do to them!
Namamatay na ang saviour niya pero wala man lang yatang nakikinig. Aba'y kailan pa nawalan ng guards ang mansion nila? Tsk! They have few hundred of guards around the mansion. Kaya't imposible namang walang nakakarinig sa matinis niyang boses.
Samantalang naririnig pa ni Lance Steven ang pagsisigaw ng dalagita habang hawak-hawak ang palad niya. Gusto niyang matawa dahil sa paraan ng pananalita nito ay nakita niya ang aristocrat figure ng isang Spanish woman. Nagmukha tuloy itong maldita. Pakiramdam niya ay may taong nagpapahalaga sa kaniya sa katauhan ng dalagita.
'God, sana nga ay kapatid ko na lamang siya. She is so innocent yet she makes me special. I've lost my parents when I was ten years old. But now, I feel that I have a family because of her,' nag-aagaw buhay na nga siya pero nagawa pa niyang isipin ang bagay na iyon.
"Ano ba?! Nasaan na ba ang mga tao rito sa bahay?! Kayo ang malalagot sa akin oras na mas masamang mangyari new big brother ko! Lagot kayong lahat!" Pagpapatuloy pa nito.
Then...
"Brother! I know it! I believe in you, brother. Hang on a little bit and the ambulance will come!"
Mabilis na nilapitan ni Miguel ang bunsong kapatid sa tabi ng kaibigan niya. Saka na lamang niya haharapin ang galit nito. Sa boses pa nga lamang nito ay sigurado siyang wala na naman silang kawala rito. Bukod sa spoiled ito sa kanilang mga barako ay tama rin ito na walang sumasagot sa sigaw nito.
"I-im sorry, bro. I-i f-failed to protect your sister. T-take care of her, bro. She's one of a kind person. She calls me big brother too."
Nagawa pang ngumiti ni Lance sa kaibigan niya saka iginala ang paningin. Nandoon din ang mga kapatid nito kaya't ngumiti na rin siya kahit pa sabihing nahihirapan na siya dulot ng sakit na nanunuot sa sugat na natamo. Hindi biro ang sinalo niyang bala para sana sa dalagita. Pero wala siyang pinagsisisihan sa ginawa.
"Yes, I will, Bro. Kaya't huwag ka---"
Pero hindi na niya hinayaang matapos ito sa pananalita. Dahil may nais siyang tuparin na pangako.
"Bro, as your sister's wish, I will personally tell you. Go to my house and open the drawer near my bed. You can use those folders. Those folders contains our mission as Navy Seal officers. The other information is strictly confidential but I already entrusted to Miss Princess. Leave me here and go there. For sure my keeper is on the move. Those files... those files...it will help you to be...to be promoted by..."
Kaso hindi na talaga niya natapos ang pananalita. Mukha ng dalagitang nagsisigaw ang huli niyang natandaan bago siya mawalan ng malay tao. He doesn't have regret by the way.
"He's dead? No! Help him, big brother! I cannot forgive myself if he will die because of me! Where are those pest? What they are doing?" Pagwawala pa nga ng dalagita.
"Calm down, Princess. Our brother is not dead yet. He only lost his consciousness but he is still breathing. We will save him so don't worry." Pang-aalo ni Hugo sa nagwawalang kapatid.
Nanlalaki ang mga mata nito at halatang nais pang magtanong. Subalit hindi na nagawa dahil pinagtulungan na nilang mga barako na binuhat ito saka dinala sa nakahandang sasakyan. At bago pa may makapagsalita sa kanilang nandoon ay pinaharothot na ni Eric ang sasakyan. Dahil kung hihintayin pa nila ang ambulance ay matutuluyan na ito.