ONE

1643 Words
"Lance! Lance where are you, son?" tawag ng Ginang sa anak. "I am here, Mom." Patakbong lumapit ang sampung taong gulang na si Lance Steven. "Go and pack your things. We need to leave this place now. Move quickly, son! Don't ask now, just move---" Kaso hindi na natapos ng Ginang ang pananalita dahil may dumating na grupo ng kalalakihan. Hindi lamang iyon. Pinagbabaril pa nila ang Ginang. Sa bilis ng pangyayari ay hindi na nakapagsalita si Lance. His mother perished under his eyes. Those mad men murdered is mother mercilessly. "Kunin ang bata! Bilisan ninyo!" dinig niyang sigaw ng hindi niya nakikilalang tao. Ngunit hindi siya papayag na maiwan ang ina. Nawala na ang kaniyang ama kaya't hindi siya sasama sa mga ito. Pinatay nila ang kaniyang ina kaya't walang dahilan upang sasama siya sa mga ito. No way! Kaya't bago pa siya mahawakan ng lalaking nakasuot ng itim na bonete ay naging mabilis ang kilos niya. Itinulak niya ito at inagaw ang hawak nitong baril at kahit mabigat ito ay nagawa niyang ibinaril sa mga ito. Buhay ng ina niya ang kinuha nila kaya't buhay din nila ang kukunin niya. With his tiny hands at the age of ten, he killed three bad guys who shoots his mother. Ito na nga lang sana ang maiwan sa kaniya subalit pinatay pa nila. Pero! Mas nainis pa siya dahil sa tinuran nito. "Very nice moves, Iho. That's what I want from you. You have a great skills and fast movement in handling that gun. Don't worry because I'll not kill you. I'll not even send you to the jail. Come with me now and I'll raise you as my own child." Lumapit ang pumapalakpak na lalaki sa kaniya. Ngunit sa galit na lumulukob sa kaibutuwiran ng batang puso ay hindi niya ito sinunod bagkus ay dito niya itinutok ang hawak na baril. Kung kinakailangang patayin din niya ito ay gagawin niya. Total kinuha na ng mga ito ang kaniyang mga magulang. "Why did you kill my mother? We are living here peacefully yet you are heartless and you mercilessly killed her! Why should I come with you?!" sigaw niya. "Kahit kailan ay hindi nawala ang tunay na dugong nanalaytay sa iyo, Hijo. Okay, go on and shoot me if you can. I'll count in one to three and after my third count that you don't pull that trigger of the gun that you are holding, you don't have a choice but to come with me." Nakuha pa nitong ngumiti. Sa galit na lumulukob sa kaibutuwiran ng puso niya kahit pa sabihing sampung taong gulang siya ay hindi siya nagdalawang-isip. Nasa ikatlong bilang na ito nang kakalabitin na sana niya ang gatilyo ngunit sa hindi malamang dahilan ay nakita niya ang amang umiling-iling. Animo'y sinasabing huwag mansahan ang palad dahil sa bagay na iyon. Parang dinadaya rin siya nang paningin dahil para bang buhay na buhay ang ina niya at kagaya ng amang nakailing. Mga wala ng buhay ngunit may mga ibig ipakahulugan. Kaya't natigilan siya. Tuloy ay sinamantala iyon ng lintik na lalaki. "Well, well, well. I gave you a chance to shoot me too but the blood that flowing in your veins is undeniable. Don't worry, Lance. I'll take you under my wings. You can continue to leave the way your parents raised you. I don't have any intention of killing you because I know that someday you will be useful to me. Come here and let them clean the mess. As I have said, don't be afraid to me. We will stay here for now and don't worry as I have said I'll not harm you. Just don't do stupid things for you to survive if you want to gain back everything someday and put back into places accordingly." Tinapik-tapik nito ang balikat niya. Tama naman ito. Kailangan muna niyang iwaglit ang galit niya. Sa mura niyang edad ay walang tatanggap sa kaniya sa kahit ano lalong-lalo at nasanay siya sa maalwang buhay. He need to be stronger for him to protect himself from the devil infront of him. Dahil kung magpadala siya sa galit ay baka susunod na rin siya sa mga magulang sa oras ding iyon. He need to avenge his parents wrongfully deaths. And he need to survive in order to succeed. His plan to revenge someday will keep him alive. Many years later... "Are you serious, Lance?" maang na tanong ni Howard sa binatilyong si Lance. "Yes, Uncle. Gusto kong mag-enrol sa maritime academy. Dahil simula't sapol ay iyan na ang gusto kong makamit. At ngayon pa lamang ay nais ko nang ipaalam sa iyo na gusto kong ituloy ang maritime course ko as Navy Seal. Huwag mo na akong harangan dahil sinunod ko ang lahat ng gusto mo mula noon hanggang ngayon. Kaya't oras na rin upang pagbigyan mo naman ako sa sarili kong kagustuhan," pahayag ni Lance. "Well, hindi naman ko mahirap kausapin. At isa pa ay marunong akong tumupad sa pangako. But let me remind you---" "Hindi ko iyan nakakalimutan, Uncle. Ang huli kong misyon ang magiging susi upang maibalik mo sa akin ang nararapat namang para sa akin. Huwag kang mag-alala dahil wala sa hinagap ko ang tatakas kung iyan ang nais mong sabihin." Pamumutol niya sa pananalita nito. Sawang-sawa na siya sa nakakarindi nitong linya. Kung talagang gusto niyang tumakas ay noon pa sana. Halos sampung taon na siyang nasa kalinga nito. At bugbog na rin ang katawan niya sa pagsasanay sa iba't ibang uri ng pandigmang armas. Mabuti sana kung sa legal na paraan subalit sinasanay sila bilang mga assassin. Ngunit nagtitiis siya dahil gusto niyang siya mismo ang papatay sa hayop na pumatay sa mga magulang niya. "Total nagkakaunawaan tayo ay sige kung iyan ang gusto mo. Go ahead and enroll yourself as maritime students. About your training as navy seal, come to me again after you will finish your maritime course. And yes, don't worry, Lance. I will support you all you want. But never forget that every of your move is under my watch." Tumango-tangong pagsang-ayon ni Howard sa binatilyo. Kailanman ay hindi maipagkakaila ang dugong nanalaytay sa katawan nito. Hindi kayang abandonahin ng panahon ang tunay nitong dugo. Bagkus ay mas nakikita niya ang katotohanan. Ngunit wala siyang balak ipaalam dito ang bagay na iyon. Dahil mas mapapakinabangan pa niya ito kaysa ang kamkamin kayamanang iniwan ng mga Morgan. Samantalang hindi na nagsalitang muli si Lance bagkus ay tahimik siyang bumalik sa silid niya. Aayusin pa niya ang kakailanganin niya sa maritime course niya. Dahil iyon ang kursong pinakamalapit sa pagpasok niya as navy seal. Ang pangarap niya simula't sapol. Bago pa man patayin ng mga walang-hiya ang mga magulang niya. Hindi man niya nasaksihan ang actual nilang pagpatay sa Daddy niya ngunit malakas ang kutob niyan sila rin ang may kagagawan. "I will surely kill you, bastard! I'll make myself stronger than you know and I will kill you someday," he silently murmured as he fix his things for enrolling in maritime academy. Few years later... "Ngayong nagtapos ka na sa pag-aaral mo, dumaan ka na rin sa training bilang Navy Seal at kasapi ka na rin sa Interpol Madrid. Wala ka naman sigurong masabi dahil sinunod ko ang lahat ng gusto mo. Kaya't oras na rin upang harapin mo ang tunay mong mundo o ang misyon mo," ani Mr Howard isang hapon na nagpang-abot silang dalawa sa unang palapag ng bahay nila. "Huwag kang mag-alala dahil may isa akong salita. Tutuparin ko lahat nang binitawan kong salita. At isa pa ay hindi ka pa rin maniniwala sa akin samantalang ilang taon na akong tagatumba sa mga kalaban mo kapalit nang pang-aaral ko," sagot ni Lance. Kahit sa kaloob-looban niya ay ito ang gusto niyang patayin. Subalit kailangan niyang magtimpi dahil kulang pa ang kakayahan niya upang ito ang ibagsak niya. Nagsisimula pa lamang siya sa kaniyang career at hindi niya iyon sisirain. At kung mamatay man siya habang nasa misyon ay sisiguraduhin niyang isasama niya ito sa kabilang buhay. "Very well said, Lance. Since that you understand me very well, here take a look on this mission of yours. She is the last child of the business magnet here in Madrid. Hindi lamang iyan, bilyonaryo ang taong iyan kaya't napapalibutan ng mga guwardiya. Dahil inside and out of Europe ang negosyo nila. But that child is still studying. At nasa iyo na rin kung paano mo isasagawa ang iyong misyon. As the other mission that you did, it's fully package. You have your own allowance while you are executing your mission. Remember, this mission of yours is the key for you to have full authority to all the wealth that your parents left behind," muli ay pahayag ni Mr Morgan. "Nasabi ko na sa iyo ang, Uncle Morgan. May isa akong salita kaya't siguraduhin mo lamang na tutupad ka sa ganoon ka rin. Kahit hindi mo iyan ulit-uliting sabihin sa akin ay gagawin ko. Dahil ako at ako lamang ang may karapatan sa ari-arian nina Mommy at Daddy. Ngunit masyado kang gamahan. Sarili kong kayamanan ay ginawa mo pang bidding." Kabastusan man subalit hindi na niya napigilan ang sariling hindi ito respetuhin. Dinampot niya ang envelope na naglalaman ng panibago niyang misyon. "Damn you, old man! Sige lang magsaya ka ngayon ngunit sisiguraduhin kong mapapatay kita balang-araw. Ipinagakait mo sa akin ang makasama sina Mommy at Daddy dahil sa kasuwapangan mo sa pera. Hayop ka!" Ngitngit niya habang papalayo sa kinaroroonan ng alipores ni Satanas. Ang hindi niya alam ay habang papalayo siya sa kinaroroonan nito ay nakasunod ang paningin niya. Binabalot ang buong mukha ng mala-demonyong ngiti. Ngiting animo'y nagtagumpay pa. "Sige lang, Lance. Kumagat ka sa huli mong misyon. Hindi mo lang alam na hinuhukay mo ang sarili mong libingan," bulong ni Mr Morgan habang nakasunod ang paningin sa binatang papalayo sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD