"How did it go, brother?" salubong niyang tanong sa mga kakambal.
Kaso muling nabuhay ang kaniyang inis dahil sa pananatiling tahimik ng mga ito.
"Are you going to answer me or you just wasted your time outside?!" sigaw niya.
Kaya't marahil ay natauhan ang mga ito dahil sa lakas ng boses niya.
"I'm sorry, twin brother for not answering your question immediately. Pero..."
"But what, brother Eric? Don't tell me that---"
Dahil ayaw din nilang muli silang magkagalit o mas tamang sabihing mag-isip ng hindi maganda ang kapatid nila ay mas minabuting naging maagap si Eric. Lalo at masama na naman ang mukha ng long lost brother nila habang nakatingin sa babaeng nagmistulang kimarambula ng sampung kabayo.
"It's not what you think, twin brother. Ngunit ayon sa aming nakita ay mukhang walang kidnapping na nangyari. Nagtanan ang tamang salita upang ilarawan ang hitsura nilang dalawa," maagap niyang pahayag.
"What?! Is that real, twin brother?" hindi naman makapaniwalang tanong ni Aries Theodore.
"Tama si brother Eric, twin brother Theodore. Ayon sa aming pagmamasid ay nagmamahalan silang dalawa. Kung may ibang binabalak ang Herrera na iyon kay bunso ay hindi na sana napapalibutan ng security ang lugar na iyon." Agad namang pagsang-ayon ni Hugo.
"What a f*CK! What's happening on this world?!"
Dahil sa galit na lumulukob sa kaibutuwiran ng kaniyang pagkatao ay hindi napigilan ni Aries Theodore ang sariling huwag mapamura.
"Brother, what are you thinking---"
Kaso huli na upang pigilan ito. Dahil hinablot na nito ang babaeng halata namang nagsasabi ng totoo.
"Tell me, what the hell is going on?! Are you sure that you told us the truth?! Speak up, woman! Or else I swear to you that I'll kill you!"
Kulang ang salitang galit na galit upang ilarawan ang hitsura ng binata sa oras na iyon.
"Iyan ang totoo, Theodo---"
"Damn you! How shameless you are to say my name? Again, if you value your life, tell us what's happening on earth?"
Saka pa lamang natauhan ang tatlo nang akmang sasakalin na nga ng kambal nila ang dalagang hawak-hawak ang kuwelyo ng damit nito. Sabog na sabog ang buhok nitong hanggang sa baywang.
"Ano ba, Theodore! Maari bang kumalma ka kahit kaunti?"
"That woman is telling us the truth. Have mercy on her!"
"Let her go, brother. You are not the type of a man who hurt women's feeling."
Yes it is! Sabayan pa talagang pagpipigil ng tatlo rito. Dahil sa tanang buhay nila ay kamakailan lamang ito nabalik sa kanilang buhay. At lumaki silang hindi nakakita o nakasaksi ng pag-aaway ng babae at lalaki sa pamilya. At higit sa lahat ay pinalaki sila ng kanilang magulang na huwag pumatol sa babae lalo at physical ito. Ganoon pa man ay nauunawaan nila ang galit nito o mas tamang sabihing ang pride nito bilang lalaki.
"Sige! Kausapin n'yong muli ang lintik na iyan! Aalis ako oo pero babalik ako mamaya upang alamin kung ano ang nalaman n'yo sa kaniya. Make it sure that you can learn something from her! Dahil kung hindi ay kahit ano man ang gawin n'yong pagpipigil sa akin ay ipinapangako kong kayo ang sasalo sa galit ko!"
Kung ano ang galit niya nang kaniyang hinablot ang kapatid ng mortal niyang kaaway ay ganoon din niya ito binitiwan. Kaya't sumadsad itong muli sa sahig bago pa man may magawa ang mga kapatid niya. Who the hell he cares by the way! Damn her!
"Move away! Get out of my way!"
Kabastusan man pero nagdilim na talaga ang kaniyang paningin ay bahagya pa niyang sinipa ang babaeng napasalampak sa sahig. Ganoon din ang mga kakambal niya ay hindi na niya pinansin. He needs to be alone for a while before he can kill any of them.
SAMANTALA, kahit nagulat at napatda ang tatlo ay dali-dali silang lumapit sa babaeng namimilipit sa sakit ng katawan. Aba'y sino ba ang hindi masasaktan sa pagkasadsad sa sahig. Idagdag pa ang pagkahablot ng kuwelyo.
"Hindi ko na itatanong kung okay ka lang, Miss Zoe. Dahil halata namang hindi ka okay. Come and sit here in the sofa," saad ni Hugo kasabay ng pag-alalay dito.
"D-don't be angry to him. Dahil alam kong may mabuti siyang kalooban. Ayon sa kuwento ni Miss Princess ay long lost brother n'yo siya. Kaya't unawain n'yo ang kaniyang galit. Don't worry about me because I really understand him as I admire how he value your family. At iyon din ang paulit-ulit kong ipapakiusap sa inyo, please have mercy to my one and only family," pahayag ng dalagang si Zoe.
Kaya naman! Nagkatinginan ang mga barako. Dahil ang babae na nga ang agrabyado ay ito pa ang may ganang magsabi na unawain ang kapatid nila. Aba'y bihira na ang taong may ganoong pag-iisip. Sa katunayan ay mainitin ang kani-kanilang ulo. Iyon nga lang ay hindi sila pumapatol at nananakit physically.
"Okay, fine. Don't worry about your brother. Pero sigurado ka bang hindi ka galit sa kambal namin? Aba'y hindi naman kami bulag upang sabihing wala kaming nakita. Kinuwelyo at ibinalibag ka niya tapos iyan lamang ang sasabihin mo?" hindi makapaniwalang saad ni Miguel.
Hindi agad sumagot si Zoe dahil dahan-dahan niyang pinaglipat-lipat ang paningin sa tatlong barako. Ayon nga sa kasintahan ng Kuya Maxwell Levy niya ay quadruplets ang mga ito subalit hindi magkakamukha.
"No. Kailanman ay hindi ako nagtatanim ng galit sa kapwa ko. Kahit walang maniniwala sa katotohanang iyan. I'm just so sad that I can't convince him to believe that my brother is in love with your little sister," aniya saka ipinagala ang paningin sa mga ito.
"If you really want to convince our brother or should I say, all of us. Ikaw ang mismong kumausap sa Kuya mo at ng aming kapatid. Do your best to talk to them and show up in front of our parent. Ikaw na ang bahala kung paano mo iyan magagawa," saad naman ni Eric.
"Sure. I will do that with all my heart. At kagaya nang sinabi ko ay mananatili ako rito sa bahay ng kapatid n'yo habang hindi ako makasiguradong maging okay ang lahat." Agad na pagpayag ng dalaga.
Sigurado siyang walang maniniwala sa kaniyang mga salita. Dahil talaga namang hindi kapani-paniwala. Subalit handa siyang patunayang kung gaano katotoo ang bawat salitang kaniyang binitiwan.
Ang hindi niya alam ay nagkatinginan ang tatlong barako. Ngunit wala siyang pakialam kahit ano ang gawin nila. Ang mahalaga ay mapatunayan niya ang lahat.
LATER that day...
"Brod, ang sabi ng babaeng iyon ay handa niyang patunayan ang kasenseruhan ng kapatid kay bunso." Bungad ni Miguel sa lalaking walang iba kundi si Aries Theodore. Lukot ang mukha at halatang galit.
"Paano raw? Ano ang kaya ng lintik na iyon upang mapatunayan ang tunay na hangarin ng sira-ulo niyang kapatid?" patanong nitong sagot.
"Siya raw mismo ang kakausap sa dalawa, brod. Kaya't kung okay lang sa iyo ay hayaan mo itong kausapin ang Kuya niya," pahayag naman ni Hugo.
Sa narinig ay napataas ang kilay ni Aries Theodore. Dahil sa katunayan ng napag-isa siya ay napag-isip-isip niya ang lahat. Kaso muling nakulot ang utak niya dahil sa ibinalita ng dalawa. Subalit bago niya masabi ang nasa isipan ay inunahan siya ng isa pa niyang kambal.
"Brod, alam naming may mabuti kang kalooban. Lahat tayo ay nadadala sa init ng ulo. Subalit alam kong nakapag-isip-isip ka na. Kaya't kung gusto mong pumayag sa tinuran ng babaeng iyon ay huwag mong pigilan. Let her do what she wanted. At kung ano man ang maging ibubunga nito ay malugod nating tatanggapin. And lastly, free yourself from hatred. Dahil kahit ang mga magulang natin ay iyan ang sasabihin sa iyo."
Mahaba-haba nitong pahayag. Kaya naman ay nawalan siya ng maaring sabihin. Nanatili siyang tahimik ng ilang sandali.
"Tell her to do what she wishes, brod. And tell her to go back home now. If Princess and that punk are really lovers, we cannot do anything anymore. And by the way, I'm sorry to all of you. I was carried away by my anger."
Iginala niya ang paningin sa tatlo niyang kambal. Kaso pabirong sapak naman ang napala niya.
"I know it, brother. Noon pa man ay alam kong may mabuti kang kalooban. Don't worry because like we always saying to you, that's our assets. Kaya't wala kang dapat ihingi ng paumanhin," nakangiting saad ni Miguel.
"That's right, brother. Kambal tayong apat kaya't kung ano man ang laban mo ay para sa ating lahat. About them, let's wait for the result of Miss Zoe's action since that you agreed already." Tinapik-tapik nga siya ni Hugo sa balikat.
"Since that we settled this commotions, let's drink up guys. Dahil mamaya ay pupuntahan natin ang ating ina sa pagamutan. Don't worry because it's just a drink between us. Hindi naman tayo magpakalasing." Ayaw ding magpatalo ni Aries Eric.
So it be!
Nagkaroon sila ng brothers bonding sa loob mismo ng bahay ni Aries Theodore.
Sa isipan niya ay darating ang araw na siya mismo ang kakausap sa dalaga at hihingi ng paumanhin.
LATER that evening...
Kahit pa nagkaayos na silang apat bago nagtungo sa pagamutang pag-aari ng pamilya nila ay sa sarili niyang bahay pa rin siya dumiretso. Dahil mas gusto pa rin niya ang mapag-isa.
Kaso!
Laking gulat niya dahil hindi nakasara ang main gate. Subalit mas nagulat siya nang mapagsino kung sino ang may kagagawan sa bukas na pintuan.